5

11 0 0
                                    

Mysterious

Unti unting minulat ng binatang nakahimlay sa isang malambot na kama ang kanyang mga mata.
Pilit nyang hinanap ang kapamilyaran sa apat na sulok ng silid na kanyang kinaroroonan
Ngunit sya'y nabigo lamang.

Pilit nyang hinanap ang kapamilyaran sa apat na sulok ng silid na kanyang kinaroroonanNgunit sya'y nabigo lamang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nakaramdam sya ng kirot sa kanyang dibdib nang akmang uupo sya mula sa pagkakahiga. Nakangiwing bumangon sya at pinagmasdan ang sarili, bagama't hindi pamilyar ang silid na kinalulugaran ay alam na alam nya ang mga dahong nakalapat sa kanyang may sugat na dibdib, nababalutan din sya ng tela na syang nagsisilbing alalay sa mga halamang gamot na nakalagay sa kanyang katawan.

Mga halamang gamot ito na kung di ako nagkakamali ay nasabi sakin ni Antonio na mabisa sa mga bukas na sugat

Sya'y napaisip

Ngunit mayroon bang naninirahan sa loob ng Bilibial Forest na ito? Isa itong mapanganib at napupuno ng misteryo, sino namang tao ang magtatangkang manuluyan dito?

Di nagtagal at nasagot din ang kanyang mga katanungan nang makarinig sya ng ingay na nanggagaling sa pinto.

Sino kaya ang tagapagligtas kong ito?

Tuluyan na ngang nabuksan ang pintuan at napatakip na lang nang kanyang mukha ang binata dala ng liwanag na nagmumula sa pintuan.

"Ikaw pala ay nagkamalay na"

Isang malamyos at kalmadong tinig ang narinig ng binata.
Kahit nasisilaw pa rin sa liwanag ay nagawa nitong tanggalin ang kamay na nasa kanyang mukha masilayan lamang ang pinangalingan ng tinig, ngunit sa kanyang pagkakadismaya hindi nya agad ito naaninag.

Isang binibini? Isang binibini ang nagligtas ng aking buhay? Isang binibining may pinakamalamyos  at kalmadong tinig ang nanggamot saakin

"Maayos na ba ang iyong pakiramdam?"

Muli ay nagsalita ang tagapagligtas nyang ito.
Ilang ulit na nagmulat ang binata upang ibalanse ang kanyang paningin.
At di nga nagtagal ay unti unting bumalik at luminaw ang kanyang paligid.

"May nararamdaman ka bang kirot?"

Dumako ang kanyang paningin sa dalagang nagligtas ng kanyang buhay.
At ganun na lang ang kanyang pagkakabigla.....

Living againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon