4

17 0 0
                                    

Bilibial Forest

Dahan dahan at maliliit ang hakbang na tinungo ng isang dalaga ang munting kuneho

"Wag kang matakot hindi kita sasaktan"

Saglit itong natigilan sa pag akmang makawala sa isang patibong na ginawa para lamang sa mga hayop na nasa kagubatan

"Sandali at pakakawalan kita kuneho"

Ilang saglit pa ay nakalapit din ng matiwasay ang dalaga, unti unti nyang inilahad ang mga kamay patungo sa hawla na napagkulungan ng munting kuneho.

Matapos ang ilang segundo ay napalaya na nya ito, mabilis na tumalon palabas ang kuneho ngunit di nagtagal napansin ng dalaga ang may kalakihang hiwa sa tagiliran nito malamang ay dahil na rin sa pangamba na hindi makaalis at mahuli sa hawla ay nasugatan ito.

"Wag ka munang gagalaw kuneho, may kukunin lang ako"

Nagtungo ito sa isang maliit na tahanan na nasa may di kalayuan.
Maya maya ay matatanaw itong may hawak na mga halamang gamot at ilang pang mga kagamitan.

Dahan dahan at maingat na nilapatan ng babae ang mga sugat ng kuneho matapos niya itong malinisan.

"Wag ka magtatatalon o tumakbo ng matulin dahil masama iyon sa'yo naiintindihan mo ba Ginoong kuneho?"

Di man nakakuha ng kasagutan ay batid nito na naiintindihan sya ng kuneho.

Gamit ang isang kamay na may hawak sa mga kagamitan ikinaway nya ang kanyang kabilang kamay at tinignan ang papaalis na kuneho

"Magiingat ka"
—————————————————————-

Lalalala
Ang ganda talaga ng mga bulaklak na aking tanim napakabango pa

Isang dalaga ang naglalakad sa isang maliit na hardin habang humuhuni ng isang di pamilyar na awitin. Isa isang inaamoy ang mga bulaklak sa paligid at sabay ngingiti.

Haaaaayss...... ito ang tinatawag na buhayyyy isang mapayapang hapon sa gitna ng napakagandang hardin na ako mismo ang nagtanim hmmm....

Matapos makarating sa kanyang destinasyon para kumuha ng tubig sa sapa ay mayroon syang napansing kahinahinala.

Sandali? Sino ito?

Ano't dito natutulog ang Ginoong ito? Wala ba syang tahanan? O di naman kaya.....

Unti unting lumapit ang dalaga at munting nanlaki ang mga mata

B-b-BANGKAY?

Ininspeksyon nya ang naturing na 'bangkay' ngunit may napansin syang kakaiba

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ininspeksyon nya ang naturing na 'bangkay' ngunit may napansin syang kakaiba

Hindi, humihinga pa sya.

Muling pinasadahan ng tinggin ng dalaga ang ginoo.
Bagama't mukha lamang itong mahimbing na natutulog ay di makakaila ang mamutla mutla nitong mga labi, makikita din ang isang mahabang hiwa sa bandang dibdib hanggang sa tyan nito. May iilan ding mga galos sa iba't ibang parte ng matipuno nitong katawan.

Mahabaging diyosko ano naman kaya ang nangyari sa ginoong ito?

Bakas sa mukha ng dalaga ang kuryosidad sa nangyari sa binata. Napatingin sya sa kanyang hawak na lalagyanan ng tubig.

Hindi naman siguro nalagyan ng kung ano mang mikrobyo ang tubig na ito hindi ba?

Akmang aalis na ang dalaga ng may naalala sya.

Ah! paano kung may lumason dito at masama sa tubig na aking iinumin?  Maaaring kumalat ang lason na ito papunta sa sapa.

Ang sapa na ito ay syang nagiisang anyong tubig na kanyang pinagkukunan ng tubig inumin at tubig na pandilig sa kanyang mga tanim araw araw. Dahil sa pag aalala para sa sariling kalusugan ay minabuti nya na kunin ang binata.

Ngunit pano ko naman sya mabubuhat? Naku naman.

Hila hila ang binata tinungo nya ang kanyang tahanan.

Hila hila ang binata tinungo nya ang kanyang tahanan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(wala any cute lang into)

Living againWhere stories live. Discover now