"Good morning, booger" naglalakad ako sa hallway nang makasalubong yung Lune and Friends, gusto ko nalang maging invisible para 'di nila laging napapansin, lalo na ni Lune na iniiwasan kong makabunggo dahil siya ang may kagagawan kung bakit napuyat ako kagagawa nung homeworks kagabi!
"Mukhang badtrip ka ah," sambit ni Lune, sumunod pa sakin si jerk habang bumubulong, wala siyang pake kahit na yung mga babaeng may gusto sakanya nakatingin na saming dalawa
"Jerk, napakaaga para galitin mo 'ko" madiin na sabi ko, napahinto ito sa harap ko at nginitian ako
"Alam ko na kung bakit ka galit!" sambit nito, naiirita na 'ko, gusto ko na siya alisan. Ayoko na nung atensyon na nakukuha ko sa iba ngayon. Parang gusto na nila kong patayin!
"Hinintay mo ko kagabi 'no? Oops! Sabi ko kukunin ko lang motor ko pero 'di ko sinabing iaangkas kita! Naghintay ka talaga?" parang matatawa pa siya, nagsisimula na tumaas baba ang balikat niya at nagsisimula na rin uminit ang ulo ko
"feelingera, akala ata ni booger iaangkas siya ni Lune, eh!"
"Nakakatawa!"
"Hello, wala pa kayang inaangkas si Lune sa motor niya kahit isang tao, wala siyang inangkas!"
"Tapos akala ni booger, siya ang iaangkas. assumera!"
"Shut up!" iritang sabi ko at nilayasan na siya, Buong maghapon ako na-badtrip dahil sa gunggong na 'yon. Hindi ko rin napansin si Dalia at mukhang araw ng pagharot nun ngayon!
"Sabi nung iba hinintay mo daw si Lune na iangkas ka ha! Aha! In your dreams, Soleil" recess na at syempre sa mga balitang ganyan, may isang bitch na 'di magpapahuli. Siya lang naman si Tali, Talia na kinaiinisan namin ni Dalia, gustong gusto niyang bruha na 'yan si Lune.
"E, ano naman sa'yo" iritableng bulong ko, naglakad na 'ko pero agad niyang inabot ang buhok ko at iniharap ako sakanya
"I'm talking to you kaya wala kang karapatang talikuran ako, booger"
"Ano bang dapat pang pag usapan?" tanong ko, tinanggal ko ang kamay niya sa buhok ko at hinarap siya, mata sa mata mismo
"Lune is mine-"
"Hindi ko inaangkin. Wala akong pakealam sa Lune na 'yon, kahit siya nalang matirang lalaki sa mundo, hinding hindi ko siya mamahalin!" sigaw ko sakanya, nag-echo pa sa buong canteen ang sinabi kong 'yon. Nahagip din ng mata ko si Lune na kakapasok lang ng canteen habang straight na nakatingin sa pwesto namin ni Tali
"Dapat lang, booger! Hindi rin naman kita magugustuhan." rinig kong sagot naman ni Lune, nagtawanan ang mga estudyante sa loob nung canteen. Bandang huli ako nanaman ang napahiya
Pinilit ko nalang din kapalan ang mukha ko habang bumibili sa canteen. Maraming estudyante na ang nagbubulungan habang pinagtatawanan ako, feelingera at assumera lang naman ang kadalasang naririnig ko. Napatingin pa 'ko sa pwesto ni Tali na katabi na ngayon si Lune habang masama ang tingin sa akin.
Lamunin niya ng buo 'yang Lune na 'yan! Kahit kailan 'di ko 'yan magugustuhan!
"Eating alone." napakurap ako nang makita si Benj, siya lang naman ang crush ko dito sa university na 'to. Hindi siya madalas mapansin dito dahil busy siya sa pagiging engineering student, hindi katulad ni Lune na palaging pabida sa babae dahil mukhang 'di naman nag-aaral ng mabuti.
"B-Benj" nautal utal pa 'ko. Ikaw ba naman tabihan nung crush mo! Gusto kong kurutin ang sarili ko dahil din na rin mismo sa ginagawa ko pero pinigilan ko nalang din at hinayaang langhap langhapin ko ang pabango niyang gusto kong i-spray sa kwarto ko
"Bakit palagi kong nakikitang kumakain ka mismo dito? Field palagi ang tambayan mo, ha" bubuga palang ata ng hangin 'tong isang 'to kikiligin na 'ko, e. ang haba nung sinabi niya. 14 words na 'yon, nakakakilig!
"Ito lang kasi yung-"
"Benj!" napatikom ako nung bibig nang makita si Lune na papalapit na sa pwesto ko, tumayo na tuloy si Benj at 'di na rin nakapagpaalam sakin, tinapik niya lang si Lune at nauna na umalis.
punyeta naman, e. Kung aalis lang si Benj, sana yung walang kapalit na monggo. Nakakaasar, e!
"Parang namumula ka, booger ah!" pang aasar ni Lune, itinabi ko nalang ang pagkain ko sa gilid at napatayo na, wala akong panahon para makipag-asaran sa isang 'to ngayon.
"Namumula ka kasi nakita mo 'ko. Pasabi sabi ka pa na hindi mo 'ko mamahalin, ha'" natatawang sabi nito, ang kapal ng mukha!
"Lune!" may dumating na isang babae na makapal ang make-up, agad itong kumapit kay Lune, mukhang ahas na nakalingkis.
"Babe, why are you with her?! 'Wag mo sabihin na siya ang ipinalit mo sakin!" maarteng sabi nung babae with matching pandidiri pa habang nakatingin sakin, wow! hiyang hiya ako sa mukha niyang make up lang ang nagpaganda, ha!
"No, Lexi. Kinakausap ko lang si Booger" sabi naman ni Lune, napakunot ang mukha nung babae
"Lexi's not my name. Who the hell is Lexi?!" asar na sabi nito, mag aaway pa ata sa harap ko!
"I mean, Jayda"
"Lune Yturralde!" sumigaw na yung babae sa inis. 'Yan kasi napapala nung makikipaglandian sa lalaking pinaka-malandi sa school, e. Para sayo ikaw lang mahal niyan pero 'di mo alam 10 na pala kayo. Tsk! Kaya ayoko madamay sa business nitong gunggong na 'to, e.
Tumalikod na 'ko sakanila pero agad akong hinatak ni Lune at - hinalikan sa harap nung babaeng nagsisisigaw ngayon. Agad na nanlaki ang mata ko at sinampal siya ng malakas.
Gago! Ayoko nga sabi madamay sa business niya, e!
Gulat akong naglakad palayo habang 'di maramdaman ang labi ko. Gusto kong magpalit ng lips, yung first kiss ko mapupunta lang pala sa lalaki na 'yon! Nasa comfort room na 'ko habang nakatitig sa salamin. sunod- sunod rin na tumunog ang phone ko kaya agad kong chineck 'yon at nagulat nalang sa Trantford confession na nabasa ko.
Yung picture namin ni Lune, kumalat agad agad! Habang may caption na hinalikan ko daw mismo si Lune, tangina? Gusto ko nalang i-flush yung sarili ko sa bowl!
"What the fuck! Yung confession, grabe! Ang tindi na talaga ni booger!"
"Ang swerte niya naman para halikan ni Lune"
Sunod sunod ang comments na nababasa ko. Gusto ko mas lalong mawala nalang dito mismo. Parang magiging hell na talaga ang buhay ko.
〰〰〰〰〰〰〰
YOU ARE READING
Us In Different Plot
FantasyWhat if you wake up suddenly from an accident and notice that everything has changed? Different time. Different place. Different person. Different characters. 🔄♂️♀️ SHARCCI STORY.
