VIII: Lune & Soleil In Different Plot

17 1 0
                                        


"Do you take Soleil Chester Marchessa as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?" tanong nung pari

Napatingin ako kay Lune, binabasa ko ang facial expressions niya. Hindi ko ma-basa.

" Yes. I do"

Tumingin naman sa akin ang pari at muling nagsalita, "Do you take Lune West Anderson as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"

Gusto kong tumakbo at maging run away bride, shet :d ayoko lng talaga i-kasal dito sa jerk na 'to.

Pero nga! Itong Soleil Chester na' to mukhang gustong gusto niya ikasal kay Lune West.

Eh ako! Ako si Soleil Anasthe at ayokong ikasal kay Lune Xaedrelle! :d

Pero ako ngayon si Soleil Chester, e. No choice. No choice. NOoOO cHoOOicEeeE.

"Yes. I do" sambit ko, bumuntong hininga naman ako at nag palitan na rin ng singsing. Hindi ko na ide-detalye ang buong nangyari sa kasal dahil wala na rin naman akong natandaan, pati nga ang vows ko hindi ko na rin natandaan. Sa totoo lang kung ikakasal man si Soleil Anasthe kay Lune Xaedrelle, sure ako na ung vows ko puro mura lang :D

"You may kiss the bride!" sambit nung father. Hindi pa pala tapos 'to.

Tinanggal naman ni Lune ang nakaharang sa mukha ko at natitigan ko pa siya. Infairness napaka-gwapo niya ngayon, ha. Hindi naman siguro ako kilala nito at maganda naman siguro ang naging relasyon nila ni Soleil Chester kaya ok lang.

Inilapit niya naman ang labi niya sa labi ko at pagkatapos nun ay nagpalakpakan na lahat. Natapos na rin ang seremonyas at magkahawak kamay kaming lumabas ng simbahan

Sa venue na kami nagkita-kita. As usual supportive si Tali ngayon, palaban talaga. Napaka-bait niyang kaibigan. Malayo sa Talia na kilalang kilala ko sa eskwelahan.

"Congrats guys!" bati ni Tali sa amin at naki-selfie sa amin, kinuha naman namin ang wine at pinagcross ang kamay namin at sabay na uminom. Marami ring photographers ang nagkalat sa venue at kinukuhanan kami ng litrato

Sabay din naming hiniwa ni Lune West ang cake at nakangiti pa sa isa't isa. Nakakauta na ang isang 'to, ayoko ngang nakikita mukha ni jerk tapos sa lahat ng papakasalan ni Soleil Chester na kmukha ko, ito pa talagang kamukha at kapangalan ni Jerk, hay nako, kailangan ko ng makaalis kung nasaan man ako para mawala na sa harapan ko si Lune

Nag celebrate lang kami at nanonood ng mga nagpe-perform para sa amin, tumayo si Lune sa tabi ko at naglakad papunta sa isang table, mukhang iyon ang daddy at mommy niya. Agad na tumabi naman sa akin si Talia habang nakatingin sa phone niya, naagaw ng atensyon ko ang isang babaeng kaka-pasok lang ng venue. Naka-heels ito at kapansin pansin ang suot na damit at malaking hoop earrings. Naka- crop top na fit at naka-pants. Kilalang kilala ko ang mukhang iyon, agad akong napatayo sa pagkaka-upo, lalapitan ko sana siya pero hinawakan ako ni Tali

"Anong gagawin mo? Susugudin mo? Huwag ngayon" sambit niya.

Teka?? Bakit ko naman susugudin si Dalia? Si Dalia ang babaeng 'yon! Yung bestfriend ko! Yung babaeng kaibigan ko nung panahong wala akong kaibigan sa school. Iba nga lang ang pormahan niya ngayon ang sexy niya pa.

"Sabi ko naman sayo kasal mo ngayon kaya wag ka magpaka-stress lalo na sa demonyitang' yan" sambit ni Tali. Hindi ko maiwasang maguluhan. Napaupo nalang ako habang nakatingin sa kanya

"Ang kapal ng mukhang pumunta dito. Kung ako sa kanya hindi na ako nagpakita pa dito." sambit ni Tali

"B-Bakit?" tanong ko

"Hello?! Ex niya lang naman si Lune, bes! Siya rin yung papakasalan dapat ni Lune before you! Boto kaya family ni Lune diyan. Ayaw sa'yo nung family ni Lune, napilitan lang din sila.."

Napilitan?!

"napilitan.." sambit ko

"dahil sa baby niyo ni Lune." itinuro naman ni Tali ang tiyan ko. Baby?! Baby?!

Pputa.

"two weeks preggy ka teh." sambit niya, halos hindi ako makapagsalita.

So okay... Si Soleil Chester buntis two weeks, ayaw nung family ni Lune West sa kanya kasi gusto nila kay Dalia, napilitan silang ipakasal kami kasi buntis ako.

Napa-hawak naman ako sa tiyan ko. So ako ang magda-dala nito?

"look at her! Nakakairita talaga siya!" sambit niya. Itinuro niya pa si Dalia na masayang kakwentuhan ang mommy ni Lune. Naalis naman ang tingin ko doon at pinilit ipasok sa utak ang mga kaganapang nangyayari sa buhay ko ngayon

"O 'yan na pala si Benj.." nakaturo si Tali sa pintuan, nakita ko naman si Benj na naka-polo pa at naka-pants. Ngumiti ito ng maliit sa akin at dumiretso sa pwesto ni kuya.

Ang gwapo niya, ang gwapo gwapo niya. Gustong gusto ko siya- bilang Soleil Anasthe.

Marami pang nag-perform pero hindi pa rin bumabalik sa pwesto ko si Lune. Mukhang ayaw talaga ako katabi, napilitan lang sa akin. Sarap sampigahin :D

Pagkatapos ng mahabang celebration ay niregaluhan kami ni dad ng kotse. para raw sa amin ni Lune 'yon. Nakakatuwa lang kasi sobrang mapagmahal niyang tatay, napaka-swerte ni Chester sa kanya.

"Enjoy your honeymoon!" sambit ni Tali, naalala ko tuloy ang regalo niya sa akin. Isang bikini at perfume. Ewan ko ba, natutuwa na ako sa ugali ni Tali dito sa plot ni Chester.

Napag isipan pa nila dad na magpunta na kami sa baguio ni Lune, tutal doon naman talaga ang plano ko, sabi pa nga nila na si Chester ang nakaisip na sa Baguio mag stay at tumira kasi gusto niya ng malamig na klima, ayaw pa sa ibang bansa, e

Pagkadating namin sa bahay ay nakaupo lang ako sa kama. Katabi ko lang din si Lune West na tahimik lang din at hindi alam ang sasabihin

"This is so weird." sambit bigla ni Lune, nagulat naman ako.

"Hindi ko alam yung nangyayari. Actually alam mo ba booger lang ang tawag ko sayo sa school pero nagulat ako anong nangyayari..."

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kanya.

"LUNE!!!! JERK!!!" sigaw ko, katulad ko nagulat din siya at napatingin sa akin

"What the hell?! Alam mo ba ang nangyayari? Hindi ko alam bakit napunta ako dito! Guess what! I'm Lune West Anderson, what the actual fuck! I can't imagine this!" sambit niya tuloy tuloy.

"Hindi ko rin alam ang nangyayari! Naaksidente tayo tapos biglang pagkagising ko ganito na, ako na si Soleil Chester Marchesa, ayoko namang mapunta dito e at alam mo ba! Si Talia pa ang bestfriend ko at si Dalia..."

"ANG EX MO/ ANG EX KO" sabay pa kaming nagsabi non.

Hindi ko mapigilang matuwa dahil sa wakas may nakakaintindi na sa sitwasyon ko pero hindi pa rin namin alam ang nangyayari sa plot na 'to.

Sino ba si Chester at sino rin si West. Bakit kailangang mapunta kami sa katawan nila at ikasal sa isa' t isa.

Us In Different Plot Where stories live. Discover now