XI: Mission

18 1 0
                                        


“Good morning!" bati sa akin ni Lune, nakaupo lang ito sa sofa habang tinitignan ako, nakangiti ng malaki si gago. Mukhang may kailangan :)

  “Bakit ka nakatingin?" tanong ko

  "Wala, masama bang tignan yung asawa ko?" tanong nito sa akin. Saglit akong napa-tigil. Naramdaman kong sumakit ang tiyan ko pero hindi ko pinahalata sa kaniya 'yon

  "Uy kinilig!" pang aasar nito pero agad din na nagbago ang expression niya, "joke lang! Asa ka naman. Nabo-bored lang ako umalis kaya dito muna ako. Ikaw baka may alis kayo ni Benj"

  Bored din akong tumingin sa kanya at naupo sa tabi nito,

  "Walang lugar ang pagiging ma-pride dito, ha" bulong nito sa akin. Kailan naman ako naging ma-pride?!

  "Ako? Ma-pride?" tanong ko

  Tumango-tango lang ito. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko ng umalis dito sa lugar na 'to, mas mapayapa pa ang buhay ko e! Pero parang may rason din kung bakit nandito kami sa mundong' to, kung saan mang lugar ito. Kung bakit naging ako si Soleil Chester at naging si Lune si Lune West.

  "Ayoko na.." bigla akong napatingin kay Lune nang sabihin niya iyon

  "Ayaw mo na?" tanong ko

  "Ayoko na ng ganito. I mean okay lang sakin yung mundong 'to pero hindi ko naman kaya na makasama ka nalang palagi sa bahay na' to! Tss!" pagra-rant nito. Akala niya naman gusto ko rin siya makasama ngayon.

   "Bakit gusto ba kita makasama, ha? Alam kong landing landi ka na diyan, hindi naman kita pinapakelaman ah!" sigaw ko, tinakpan niya naman ang tenga niya at parang batang ayaw makinig sa sinasabi ko

  "Sana magising nalang ako isang araw na hindi na kita kasama!" bulong nito, napasimangot pa ako sa kanya at pinabayaan siya. Pwe! Sana nga!

Hapon na ata nang makita ko si Benj na papasok sa bahay, agad na nagtama ang paningin ni Lune at Benj

  "Wala raw alis" bulong ni Lune at sinimangutan ako. Tss! Ano namang pake nito kung aalis ako kasama si Benj.

  “Bakit nandito ka?" disenteng tanong ni Lune sa kakapasok lang na si Benj, tinitigan siya ni Benj at nginitian

" May iaabot lang ako "

" Sakin mo i-abot. Ako yung asawa" sambit ni Lune, gusto ko siyang sakalin ngayon :)

"Pero hindi naman para sa'yo ito." si Benj

  "Kahit na–" hindi ko na ipinagpatuloy ang pakikipagsagutan ni Lune at itinulak siya palayo kay Benj, eksena din ang isang 'to, e! Sarap sikmuraan.

  Ngumiti ako at pasimpleng inayos ang buhok ko, mula sa likod ni Benj ay inilabas niya ang isang malaking paper bag, hindi ko inaasahan na maraming pasorpresa si Benj sa panahong' to. Napaka-swerte mo talaga, Chester. Pakurot nga :D

  "Anong kalokohan naman 'yan?" biglang sumabat si Lune kaya sinamaan ko siya ng tingin, sinagot lang din niya ako nung masamang titig na akala mo' y nandidiri pa

  "Mamaya mo nalang buksan." sambit pa ni Benj, magsasalita pa sana ako pero agad na hinablot ni Lune ang paper bag at siya na mismo ang nagsira non sa harap ko at naglabas nung laman nung paper bag, isang portrait nung mukha ko,, oo mukha ko! kahit alam kong si Soleil Chester 'yan, hmp

Us In Different Plot Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz