XV: Solace

13 1 0
                                        


   2 months..

  Lune Xaedrelle.

  Dalawang buwan na ang naka-lipas. Araw araw ata akong nagba-balik sa palaruan. Hinihintay yung araw na makikita ulit si Soleil, iniisip at hinuhulaan kung anong ginagawa niya. Kung ayos lang ba siya o kung ayos pa ba sila nung baby. Gusto ko na siyang makita. Siya lang yung laman nung bawat panaginip ko.

   "Hindi ka ba napapagod?" napatingin ako sa nag-salita at nakita si Dalia. Nakairap pa ito at bumuntong hininga na tumabi sa akin sa swing.

  "2 months ka nang pabalik balik sa lugar na 'to. Ano bang iniisip mo?"

  "Realizations about everything I've done. Sobrang tanga ko' no." sambit ko

"Mas tanga siya. Hindi naman sapat yung dahilan para sa hiwalayan." sambit nito. Tumayo na siya at tinulungan rin akong tumayo.

  "West, wake up. Hindi na ito yung panahon para maggaganyan ka. Look at yourself, you're not the old Lune West anymore." sambit nito sa akin, napangiti nalang ako. Eh tanga hindi naman talaga ako si Lune West. I'm Lune Xaedrelle, Lune Xaedrelle na umaasa pa rin na babalik na sa dati ang lahat. Putangina, e.

"Gago" nasabi ko nalang habang ginugulo ang buhok ko.

  "What do you want ba? Ano bang kailangan mo? Yung kaya kong dalhin sayo.."

"Hindi ba pwedeng tao yung dalhin mo sakin kasi ayun yung gusto ko?.." bulong ko, "I don't need anyone or anything else. I just need her, I just need Soleil Anasthe." sambit ko. Napairap pa si Dalia at malakas akong sinampal

"Ewan ko sa'yo. Nakakainis ka. Kada araw yan nalang bukambibig mo, hindi ba pwedeng kalimutan mo na lang siya?"

  "How! Sabihin mo kung paano, gago" sigaw ko, muli akong naupo at nilamukos nalang ng palad ko ang mukha ko

Nababaliw na ako. Naramdaman kong umalis na si Dalia, napabuntong hininga pa ako at inalis na ang kamay ko sa mukha ko, nakita ko naman si Benj na nakatingin sa akin na para bang kinaka-awaan pa ako.

  Umupo ito sa swing na inupuan kanina ni Dalia at tinapik ako sa balikat, inabot niya rin sa akin ang isang beer-in-can kaya agad kong ininom 'yon

  "Huwag mong gaguhin yung sarili mo" sambit nito sa akin. Napangisi naman ako

  "Tanga ka ba? Anong gago dito?"

  "Lagi mong sinisira ang chances na ibinibigay sa' yo, e. Nagparaya na nga ako pero anong ginawa mo? Nagiging rason ka lang ng stress ni Soleil." sambit nito, nang aasar pa. Alam ko naman na wala akong panlaban sa kanya dahil kahit si Soleil Anasthe, si Benj sa totoong mundo ang pipiliin, paker naman kasi! Puro Benj, laging Benj.

" You know what I really like about her? Hindi siya agad agad sumusuko sa lahat pero nakakagulat dahil sinukuan ka agad."

"Bakit ba andito ka? Nang aasar ka lang ba?! Pakyu" usal ko, natawa naman ito sa akin.

"I'm here kasi gusto kong sabihin na aalis ako" sambit niya sa akin, napakunot naman ang noo ko

"Tanga, pake ko kung aalis ka?" iritang sabi ko, natawa naman ito kaya mas lalong dumoble ang pagka-bwisit ko. Kahit sa mundong 'to, hindi nawawala ang pagiging bwisit ko kay Kuya Benj, p,ta!

  "Gusto ko lang sabihin sa' yo na yung araw at buwan na wala ako dito, yun yung mga araw na kailangan mong iparamdam at ipakita kay Soleil na mahal mo siya." sambit nito kaya napatahimik nalang ako

"Bakit..."

"Bakit ko sinasabi sa'yo? Lune, kapatid mo pa rin ako. Wala akong ibang gagawin kundi suportahan ka sa paraang kaya ko. Wala na rin naman akong lugar dito kaya gusto ko nang umalis at ipagpatuloy ang passion na gusto ko. Soleil is not for me, and alam kong dumarating sa puntong naguguluhan na siya.. Just stay with her, that's what you can do, pwedeng ayun na rin ang bayad mo sa pagpa-paubaya na ginagawa ko. She's having a hard time right now. Now is the time, Lune." sambit nito sa akin. Wala akong masabi. Napa-lunok nalang ako at lumapit sa kanya, nakakahiya man pero agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

  Nami-miss ko na tuloy si Benj. Punyeta naman, e!

Wala akong sinayang na oras. Nagtatakbo ako at nakita mula sa isang lugar si Soleil. Nakaupo lang ito sa isang upuan habang nakatingin sa langit. Agad akong lumapit sa kanya pero hindi niya naramdaman ang presensya ko.

"Kamusta ka diyan? Ayos ka lang ba?" sambit nito. Ngumiti siya kaya napangiti din ako, nagulat ako nang bumaba ang tingin nito at magtama ang paningin namin. Akala ko nga'y susungitan ako pero agad lang siyang napakagat sa labi niya at namuo ang luha sa mga mata nito

" Soleil mahal kita" yun ang unang katagang lumabas sa bibig ko. Tumulo ang luha sa mga mata nito, nakatitig pa rin siya sa mga mata ko.

  "Handa ako.. Sa lahat ng mangyayari, handa rin ako na alagaan kayo ni bab-"

  "Lune, w-wala na siya." sambit nito. Nagpatakan na ang luha niya nang tuloy tuloy. Halos sumigaw na rin siya sa pag iyak. Hinatak ko siya papalapit sa akin kahit naguguluhan ako

  "Yung baby, wala na. Wala na yung baby" patuloy siya sa pag iyak, kahit ako ay naiyak na rin.

  Hindi ko alam na ganito kasakit ang pinagdadaanan niya.

  "N-Nung time na nagkita tayo para p-pumirma ka.. Pagkatapos non nalaman ko na n-nakunan na ako. W-Wala na yung baby. Wala na siya" umiiyak na sabi niya.

2 months. 2 months siyang nagtiis, 2 months siyang lumaban. Lumaban siyang mag isa kahit wala na yung baby.

"I'm sorry. I'm sorry. Nandito na ako." bulong ko. Mahigpit ang yakap ko sakanya, bawat tapik sa kanya ay ang pagiging mabigat ng kalooban ko.

  Pagkatapos niyang umiyak ay iniharap ko siya sa akin at patuloy na pinupunasan ang mukha niya.

"Mahal kita." paulit ulit na sabi ko. Hinawakan nito ang kamay ko

"Mahal kita." sambit niya rin at muli akong niyakap ng mahigpit.

Dalawa na tayong lalaban, Soleil. Hinding hindi na kita papabayaan.

Mahal kita, kahit saan. Kahit sa totoong mundo at kahit sa magulong mundo pang 'to.



Us In Different Plot Where stories live. Discover now