XIV: Away From The Current

15 1 0
                                        


Lune Xaedrelle

Pagkatapos ng sagutan naming iyon ni Soleil, hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakatitig lang ako kay Benj na buhat buhat siya papalayo

Gusto ko siyang kuhanin mula sa kamay ni Benj pero wala akong magawa. Tanga lang, 'no.

Pumasok ako sa bahay at pinilit iwasan ang mommy ni West, ayokong makipag-sagutan sa kanya ngayon. Umakyat ako sa kwarto at napansin pang nakaupo mula sa kama si Dalia at nakangiti sa akin ngayon.

"Dalia." sambit ko, agad itong ngumiti sa akin,

"Bakit?" tanong nito

"Naalala mo ba nung unang pagkikita natin?" tanong ko

"Nung bata tayo?"

Nakalimutan ko. Bata pa nga pala simula nung nagkakilala sila West at Dalia, tangina. Wala na bang lilinaw pa sa mundong ito.

"Nung nakaraang araw, nung time na pinakita mo sa akin yung mga pictures natin.."

"Nung panahong pinipilit rin kita na hiwalayan na agad si Chester para matuloy ang kasal natin?" tanong niya, agad akong napatango

"Nagtatanong ka diba kung bakit kahit anong uwi ko sa amin at kahit anong kita natin, hindi ko masabi sabi sa'yo na hihiwalayan ko na si Soleil.."

Tumayo si Dalia at lumapit sa akin, kitang kita ko kung paano mamuo ang luha sa mga mata nito

"Huwag mo nang sabihin."

"Mahal ko si Soleil." bulong ko, inilalabas ang katotohanang matagal kong tinatago. Nakakatawa at sa magulong mundo pa na 'to ko narealize ang lahat.

"Nagjo-joke ka lang. Hindi. Hindi totoo' yan. Nauna kang magpropose sa akin diba. Yung baby ba yung iniisip mo?" tanong nito sa akin at hinawakan ako sa kamay ko, agad ko siyang pinabitaw sa akin

"Hindi. Mahal ko si Soleil, Dal. Hindi magbabago iyon kahit saang mundo pa. Kahit magkagulo pa ang lahat." sambit ko, iniwanan ko siyang tulala. Madilim na kaya wala akong nagawa kundi matulog muna sa bahay na 'to, iniwasan ko rin na makipag usap kahit na kanino. Hindi ako makapag isip isip ng tama.

Kailan ko pa ba naramdaman' to? Tangina naman, e. Bakit kasi si Booger pa! Bakit siya pa! Napahawak ako sa dibdib ko. Mas lalong lumalakas ang kabog ng puso ko.

Naalala ko nanaman yung panahon na kakalipat lang namin sa bahay. Kakatapos lang ng kasal.

Agad akong natulog sa kwarto at pinalabas siya pero maya maya lang ay lumabas din agad ako at tinignan siya mula sa kwarto. Ang bobo ang tanga, hindi ko dapat nararamdaman at ginagawa ang katulad nung mga bagay na iyon pero napapansin ko na lang na nagpapapansin ako kay Soleil sa pamamagitan nung pang iinis sa kanya at pagkakalat sa bahay. Putangina, minsan nga nagpapaalam ako na aalis kasama si Dalia pero sinusundan ko lang talaga sila ni Benj.

Nung nagkita naman kaming apat, kasama ko si Dalia nung araw na iyon pero kaya lang naman kami nagkita dahil din sa akin, alam kong nandoon sila kaya pumwesto ako sa pwestong makakaagaw ng atensyon niya. Baliw na nga ata ako, hindi ko na rin naiintindihan ang sarili ko.

Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Umaga na nung magising ako, hindi na ako nagpaalam pa at sumakay na nung kotse para umuwi ng bahay. Laking gulat ko pa nang mapansin na may karatula na sa labas at sinasabing ibinebenta na ang bahay. Agad na namutawi sa akin ang lungkot, putangina hindi ko na alam kung saan ako pupulutin.

Naglakad lakad ako at naupo sa isang swing. Katapat lang nung bahay namin. Madilim ang paligid na para bang ilang minuto lang ay bubuhos ang malakas na ulan. Napataas ang tingin ko at gulat nang makita si Soleil na umupo sa isa pang swing na katabi ko lang, may hawak itong envelope.

"Lune.."

"Soleil" bulong ko, tumingin ako sa kanya pero nasa bahay lang sa tapat ang atensyon nito, agad niyang iniabot sa akin ang envelope kaya tinignan ko ang laman non. Mga papel.

"Soleil kailangan ba talagang humantong sa ganito? Hindi mo ba ako hahayaang mag paliwanag?" tanong ko, kahit anong amo ko ata sakanya mukhang wala na siyang balak pang makipag ayos sa akin.

"Lune tapos na tayo. Isipin mo hinahayaan na kitang makasama si Dalia. Alam mo ba na hindi naman dapat tayo ang ikakasal? Dapat kayo ni Dalia, hinahayaan kita sa gusto mo, okay! Dapat nga magpa-salamat ka pa sa akin, e." sambit nito.

"Pero hindi ko naman gusto na makasama si Dalia. Soleil, ikaw.."

"Pinapahirapan mo lang ang sarili mo at isa pa, pinapahirapan mo ako" sambit niya. Hindi lumalabas ang mga tama at eksaktong words sa bibig ko. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya pero parang may nakabara sa lalamunan ko.

"Pirma mo lang ang kailangan ko at pagkatapos non, tapos na ang usapan." iniabot niya sa akin ang ballpen kaya napansin ko nalang ang sarili ko na pumipirma doon. Iba ang takbo ng isip ko, sa mga actions na ginagawa ko.

"Soleil.."

"Lune, okay lang ako ha? Huwag ka mag alala. Enjoyin mo yung sarili mo. Hindi ko man alam kung paano tayo makakabalik sa dati at kung paano tayo makakaalis sa mundo na 'to pero alam kong darating din yung time na magkikita ulit tayo sa eskwelahan katulad ng dati.. katulad nung dati" sambit niya at tumayo na. Napahinto pa ito at maya' t maya lang ay bumuhos na ang malakas na ulan.

"Huwag na muna tayo mag-kita, Lune." sambit nito bago umalis at iwan ako sa ulanan.

"Little by little, I'm falling
Deeper than the sea
Maybe you can swim with me

Swim away from the current
One minute, I'm standing tall
Then suddenly, I'm feeling small
In my world
You're all that surrounds me
I'm drifting away from my sanity

I'm sorry Soleil. I'll be a better person. Kung sakaling handa ka na na makita ako ulit. Nandito lang ako at patuloy na babalik sa palaruang pinag-iwanan mo.

"And if I drown in your company
Will I lose myself in your stream?
Find a way to rescue me
Away from the current
Away from the current"


➖➖➖➖➖

Song: Away from the current!| Keiko Necesario.

Us In Different Plot Where stories live. Discover now