"To sum it up. Napunta tayo sa katawan nilang dalawa. Ikinasal tayo, I mean ikinasal silang dalawa." matalinong sabi ni Lune, nagsusulat pa sa papel
"hindi ko maimagine na makakasama kita sa gantong klaseng mission." pahabol na sabi niya pa. Naalala ko nanaman ang sinabi ni Tali sa akin na buntis ako.. buntis si Chester. Alam kaya ni Lune 'to? Kasi kung si Lune West ang nandito alam kong alam niya pero iba si West kay Xaedrelle! pero ayoko ng sabihin para hindi maging awkward.
"Nagulat lang ako sa nangyayari. Sobrang strict ng parents ni West. Ibang iba sa parents ko. Yung parents ko nag aaway at naghiwalay lang pero di strict, samantalang parents ni West hindi naman hiwalay pero lahat bawal. Bawal ka kumain mag isa dapat sabayan mo sila. Ah i don't know!" rant ni Lune sa akin, hindi ko rin alam ang sasabihin
"Hoy booger! Hindi porket kasal tayo e mag aarte ka rin na parang asawa ko! Tandaan mo sila West at Chester ang kinasal at hindi tayong dalawa. Okay?" sambit niya at dumiretsong higa sa kama, napasimangot naman ako. Ba't naman ako mag aarteng asawa niya. Eh kahit ata anong mangyari hinding hindi ko siya gugustuhing mapangasawa.
"Nga pala, nakita mo si Benj?" tanong niya sakin, bumangon pa siya sa pagkaka-higa at napaupo ulit sa tabi ko
"Oo, ganon pa rin. Gwapo pa rin"
"Natatawa ko kasi hindi ko siya kapatid sa plot na 'to. Hindi sila magkapatid ni West. Mabuti na' yon. Ayoko na kaya maging kapatid si Benj!" sambit niya, gulat naman akong lumingon sa kanya
"kapatid mo si Benj?!"
"hindi ba halata?! Tss! Sabagay mas gwapo naman kasi ako doon." pagmamayabang niya
"Bakit ganoon? Si benj mabait, ikaw demonyo?" tanong ko, bigla niya naman akong hinampas sa braso kaya sinimangutan ko siya ulit.
Muli siyang humiga sa kama at napatingin sa kisame. Maganda ang kisame ngayon, may malaki itong glass na nakikita ang langit, kitang kita ang stars
" Alam mo ba nalaman ko na ayaw ni Chester kay Benj." pagkukwento ko
"Ibang iba sa'yo. Maganda kasi taste ni Chester kesa sa'yo. Maganda siya at maganda pa taste niya. Eh ikaw pangit na nga, pangit pa yung taste." muling sambit niya
"Magkamukha kami ni Chester, bobo ka ba"
"Mukha kayang dugyot si Soleil Anasthe. Tignan mo itsura mo sa salamin, sobrang ayos ni Chester" bulong niya. Pinikit niya na rin ang mata niya.
"Lumabas kana, matutulog na ako" muling sabi niya. Napairap nalang ako at sa huli ay lumabas na din
Hindi ko man alam ang nangyayari sa amin ngayon at kung bakit napunta kami sa ganitong sitwasyon, alam kong makakabalik rin kami sa dati :)
Umaga na at napadilat nalang ako dahil sa sinag na tumatama sa mukha ko mula sa bintana
Lumabas ako ng kwarto at napansin na sobrang kalat ng paligid. Nakabukas ang ref at sobrang daming balat ng prutas sa lapag. May hugasan rin sa lababo at may sulat na nakadikit sa pader
Booger,
Pupunta raw sila Mommy Steph dito sa atin. Pupunta lang ako ng market para makabili ng lulutuin. Sorry kung makalat, linisin mo nalang.
YOU ARE READING
Us In Different Plot
FantasyWhat if you wake up suddenly from an accident and notice that everything has changed? Different time. Different place. Different person. Different characters. 🔄♂️♀️ SHARCCI STORY.
