CHAPTER 10

38 3 30
                                    

Importanteng pahalagahan ang bawat taong nagmamahal saatin kahit na ganito, ganyan lang ang kaya niyang ibigay. Ang mahalaga ay hindi sila naalis sa tabi natin sa tuwing may hinaharap tayong problema.

Sa dinami-dami mong kaibigan, iisa lang ang mananatili sa tabi mo kapag dumating na ang oras na hinaharap mo na ang iyong kahinaan. Sa dinami-dami mong nakikitang mga nakangiting muka sa harap mo ay iilan lang dyan ang may totoong ngiti.

Masakit mawalan ng isa sa mga mahal mo sa buhay ngunit kahit ako ay kinikwestyon ang sarili. Naipakita ko ba sakanya na mahal ko siya? Na mahal ko siya kahit kami na lang dalawa? Na minahal ko siya kahit na sa mga sandaling ito?

Lumaki akong walang pakialam sa nangyayari sa paligid ko. Kung gusto ko nun, gusto ko nun at wala ng makakapigil saakin na makuha iyon. Ngunit sa ganoong ugali ay hindi na ako nakakapag-isip ng tama. Hindi ko na nalaman na mayroon na palang nahihirapan sa likod ng aking kasiyahan. Na mayroon na palang nagsasakripisyo ng kanyang buhay para lamang mabili ang mga gusto kong bagay-bagay. At ayun ang tatay.

Hindi ko minulat ang aking mga mata sa katotohanan. Katotohanan na ako ang dahilan, dahilan ng mga nangyaring hindi ko alam na isa sa aking kakatakutan. Ang mawala ang kaisa-isa kong magulang, ang laging naadyan sa tabi ko kahit na ang dami ko ng ginawang katarantaduhan. Wala na siya, wala na ang tatay.

Sa dinami-dami ng nangyari, ganoon din kadami ang natutunan ko. Natutunan kong magpahalaga. Magpahalaga sa maraming bagay at mga tao na nakapaligid saakin. Magpahalaga sa pera na mayroon ako. Natutunan kong makuntento. Makuntento sa kung anong meron ang nadyan para saakin. Makuntento sa isa. Makuntento sa salitang 'isa lang sapat na.'

Ngunit huli na ang lahat ng pagsisisi kong ito. Nakamulat na ang mga mata ko habang nakatanaw sa isang sasakyan na umaandar ng mabagal habang sinasabayan ko at ng maraming tao na nakaputi. Hinayaan kong tangayin ng hangin ang bawat luhang pumapatak sa aking mga mata kasabay ng pagtugtog ng kanta.

Rinig ko ang sabay-sabay nilang hagulgol kaya naman hindi ko na maiwasang sumabay. Gusto kong sumigaw. Sisihin ang sarili ko ng paulit-ulit ng paulit-ulit. Ang sakit sakit na.

Now playing: I'll see you again by Westlife

Always you will be part of me
And I will forever feel your strength
When I need it most
You're gone now, gone but not forgotten
I can't say this to your face
But I know you hear

'Lagi ka ng nasa puso ko at kailanman ay hindi ko naramdaman na hindi mo ako mahal. Madami akong natutunan. Hindi ko kailanman nasabi sa iyo ng harapan ngunit pwede bang humiling na ang oras ay sandaling pabagalin?'

I'll see you again
You never really left
I feel you walk beside me
I know I'll see you again

'Alam kong kailanman ay hindi mo ako iiwan. Ngunit ngayon ay gusto na kitang pakawalan. Magpahinga ka na tatay. Alam ko na ang sakit na dinanas mo noong ikaw ay nabubuhay. Sana ay magkita muli tayo at doon ako hihingi ng paumanhin. Paumanhin sa lahat ng iyong naranasan dahil sa aking kasakiman.'

When I'm lost, I'm missing you like crazy
And I tell myself I'm so blessed
To have had you in my life, my life

'Ngayon ko lang nalaman. Ngayon ko lang nalaman na sobrang pinagpala ako dahil meron akong ikaw. Meron akong ikaw na mananatili sa lahat ng bagay. Meron akong ikaw na ngingiti kahit na nahihirapan. Meron akong ikaw na hindi ko nakitang sumuko kailanman.'

I'll see you again
You never really left
I feel you walk beside me
I know I'll see you again

'Ikaw at ikaw. Wala ng iba kundi ikaw. Ikaw ang taong hindi ako tinalikuran. Kahit na wala akong ginawa kundi puro katarantaduhan.'

When I had the time to tell you
I never thought I'd live to see the day
When the words I should have said
Would come to haunt me
In my darkest hour I tell myself
I'll see you again

'Naintindahan ko na. Hindi ako karapat-dapat sa lahat. Dahil isa lang akong sutil na anak. Napakasama ko para hindi maintindihan ang mga bagay na iyong isinasakripisyo.'

I'll see you again
You never really left
I feel you walk beside me
I know I'll see you again

'Hanggang sa muli. I'll see you again.'

Napaluhod ako sa huling pagkakataon na ibinigay saakin ng mga tao upang matitigan ang muka ng tatay ko bago isarado ang kanyang coffin. Hindi ko kayang makita ang tatay ko na nakahiga riyan. Nang dahil saakin at sa mga kasakiman ko ay nariyan ka at nakikita ko ang malamig at walang buhay mong katawan.

"T-tay. Patawad. Patawad." Tanging nasasabi ko na lang at ramdam kong pinalayo na nila ako dahilan ng pagsigaw ko at paghagulgol ng mga tao.

Hindi ko nakayang tignan at manatili sa lugar kung saan ilalagay na ang coffin niya. Iniwan ko ang mga tao at parang baliw na naglakad lang ng naglakad kahit na hindi ko alam kung saan ako tutungo.

Huli na ng makita ko kung saan ako dinala ng aking sariling mga paa. Naandito ako ngayon sa harap ng bahay namin. Ang dating dinaig pa ang palengke sa ingay ng iskwater na ito ay parang lahat nakisama saakin at nagluluksa. Nagluluksa sa pagkamatay ng nag-iisang taong meron ako.

Dali-dali akong pumasok sa kwarto kung saan ko siya huling nakita bago mawalan ng buhay, kung saan nangyari ang pagkasabik ko sa yakap niya, kung saan nangyari ang unang yakap na halos hindi niya na ako pakawalan, kung saan nangyari ang mga pangarap niya sa susunod na taon para saaking kaarawan, kung saan ko siya huling nakita ng may ngiti ang mga labi at higit sa lahat ay kung saan ko siya huling nakausap ng may buhay.

Tumutulo ang luha kong umupo sa kama at habang inililibot ang mga mata ay nahigip nito ang isang papel at ballpen na nakapatong sa unan. Hindi na ako nagdalawang-isip kunin ito at basahin. Ngunit binabasa ko pa lang ang unang salitang nakalagay sa letter na ito ay bigla na lang bumigat ang aking pakiramdam dahil sa huling pagkakataon kahit na sa salita ko lamang ito nakita ay naiparamdam niya saakin na mahal niya ako kahit na wala na siya sa tabi ko.

Mahal kong Julliana...

------------------
Epilogue is next! Whatever HR(Happy Reading!)

My Mistake As A Daughter[Family Problems Trilogy #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon