CHAPTER 8

35 4 44
                                    

"Tay, pakuha naman ng dress ko. Maliligo na ako." Sabi ko sa tatay ko na nakahiga pa din hanggang ngayon.

Matagal siya bago magmulat ng mga mata at nakahawak sa dibdib na tumayo. "Anong oras ang alis mo anak?" Tanong niya bago naglakad sa gawi ng pintuan.

"Mamayang hapon na po. Tanghali na kaya magreready na ako." Ayun lang at dumeretso na ako sa cr at naligo.

Matapos kong maligo ay dumeretso ako sa kwarto at nagayos. Binalot ko muna ng tuwalya ko ang buhok upang matuyo at pagkasuot ko na lang ng dress ako magtatali.

"Yung dress?" Tanong ko matapos mag-ayos ng muka. Naglagay lang ako ng powder, liptint, and blush. Plano kong hindi magtagal sa party dahil paniguradong naandoon ang mga peke kong kaibigan noon.

Kung hindi lang talaga ako pinilit ni Brielle ay hindi ako pupunta. Kahit si Tito Ben ay kinausap pa ako para lang pumunta sa party ng anak niya. Nahiya naman ako kaya ang tanging sagot ko na lang ay oo.

Agad ibinigay ng tatay ko ang dress saka bumalik sa pagkakahiga. Nakita ko pa si Aling Andrea na pumasok nanaman dito sa bahay kaya pairap na lang akong nagtungo muli sa kwarto.

Hindi ko pa din nakakalimutan yung ginawa niya kagabi. Matapos niyang sigawan ako ay hindi na siya bumalik. Kaya naman di ko talaga maiwasang magtaka. Rinig ko ang bulungan nila ngunit hindi ko na muna ito inintindi.

Tinignan ko muna ang dress na kulay puti sa harap ng salamin at ganoon na lang ang pagkakakunot ng noo ko ng makitang parang kumupas ang kulay nito. Nagmuka siyang luma kumpara noong hindi pa ito nilalabhan. Matingkad ang kulay niya kahit na puti ngunit ngayon ay nagmukang luma.

Baka dahil ito sa paraan ng paglaba kaya naman nakakunot na ang noo kong muli lumabas habang hawak ang dress. "Tay, ano 'tong dress. Tignan mo kumupas yung kulay." Nakakunot pa din ang noo na sabi ko saka pabato kong ibinigay sakanya.

Agad naman siyang tumayo sa pagkakahiga at rinig ko ang pagtawag ni Aling Andrea ngunit hindi ko na muna ito pinansin at pinagtuonan ng pansin ang magiging reaksyon ng tatay ko.

"Oh diba? Anong gagamitin ko ngayon sa party ng kaibigan ko. Wala na akong gagamitin na kahit anong dress. Ayan na lang yon." Pagdadahilan ko pa saka nagkamot ng ulo na pinapakita kong talaga na naiinis na ako.

"Julianna anong gusto mong mangyare? Palabasin ang tatay mo habang may sakit siya? Ayun ba yon Julianna?" Nakahalukipkip na singit naman ni Aling Andrea na tinatarayan nanaman ako.

"Ano bang problema mo sakin Andrea? Di naman ikaw ang kinakausap ko pero nakikiepal ka." Masungit din na tugon ko sa pagsabat niya saakin.

"Wala ng ngang pambili ng gamot ang tatay mo tapos gusto mo pang bilhan ka ng bagong damit. Pagtyagaan mo na lang yan Julianna kung ayaw mong mawalan nanaman ng magulang." Nagsusungit ngunit naandoon ang pangangaral sa tono ni Andrea.

Inirapan ko siya bago bumaling kay tatay. Nang maramdaman niya na ang titig ko ay agad siyang tumango at naglakad papunta sa may wallet niya at kumuha ng pera.

"Emmanuel ano ba." Pagpigil pa ni Andrea kaya nabaling ang atensyon ko sa wirdo niyang galawan.

"Tumahimik ka na lang Andrea. Basta hiling ng anak ko gagawin ko. Walang makakapigil saakin." Mahinang sabi niya saka bumaling saakin at ngumiti. "Sandali lang anak ko, maghahanap lang ako ng magandang damit para sa party ni Brielle." Ngiti niyang muli saka hirap na hirap maglakad palabas.

My Mistake As A Daughter[Family Problems Trilogy #1]Место, где живут истории. Откройте их для себя