CHAPTER 4

63 13 48
                                    

Maaga akong nagising at agad ding bumangon. Bago ako lumabas ng kwarto ay inayos ko muna ang gamit ko para deretso school na pagkatapos kong kumain.

Matapos kong maligpit ang gamit ko ay agad akong naligo saka lumabas na. Inilapag ko ang backpack ko sa papag na tinutulugan ni tatay.

"Magandang umaga, Julianna. Kumain ka na anak, hindi na kita inantay. Kumain na ako." Nakangiting bungad saakin ni tatay saka ako binigyan ng upuan.

Walang reaksyon akong umupo saka kumuha ng plato. "Ayy, abutin mo nga yung kaldero. Palagyan na din ako ng kanin." Utos ko ng akma na siyang aalis.

Halata ang gulat sa muka niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. Agad naman siyang sumunod at pinagsalin ako ng kanin saka nilagyan ng ulam.

Nagulat ako ng makita ang pancit canton kaya naman wala sa sarili akong napalingon sakanya. Nang maramdaman niya ang tingin ko ay agad siyang tumingin saakin at ngumiti. "Kakasahod ko lang kagabi, sayang lang dahil kagabi lang ang sahod ko hindi ko tuloy napagluto ng mamahalin at masarap na pagkain si Gideon." Nakangiting paliwanag niya.

Awtimatikong umikot ang mata ko ng banggitin niya si Gideon. Nag-aalala akong baka kumalat sa school namin na ganito lang ang buhay ko ngunit nabura din iyon dahil malaki ang tiwala ko sakanya.

Kumain na lang ako at inenjoy ang pagkain. "Ngayon mo lang ata ako hindi sinabayan sa pagkain, bakit natatakot kang maubusan nanaman ng ulam?" Malakas na sabi ko ng akma nanaman siya tatalikod at aalis dito sa kusina.

Humarap naman agad siya saka agad itinanggi ang mga kamay. "Hindi anak, maaga ako ngayon. Kaya kailangan ko ng umalis." Nakangiting sagot niyang muli.

Pairap akong tumango saka nagpatuloy muli sa pagkain. Nang matapos na akong kumain ay inilagay ko ang pinagkainan ko sa lababo at ganon na lang ang pagngiwi ko ng mapagdesisyunan ko na hugasan ito dahil malinis na ang lababo kung walang hugasin.

Matapos kong hugasan ang plato ko ay agad kong kinuha ang bag ko at saka patakbong lumabas ng bahay. Habang naglalakad ako ay nagring ang cellphone ko kaya naman huminto ako para sagutin ito. Si Brielle.

"Hi Brielle." Bati ko agad saka ngumiti.

"Julianna, andito na ako sa harap ng place niyo. Pumunta ka na dito ang daming boys na tumitingin saakin eh, scary." Maarte ngunit natural na talaga kay Brielle na ganoon kaya naman natatawa kong binaba ang tawag saka patakbong lumabas na.

"Hey, ang tagal mo naman." Agad na sabi niya saakin saka ako niyakap at nakipagbeso.

"Sorry naman. Tara na baka malate tayo." Anyaya ko saka sumakay na sa kotse niya.

Ganito ang laging gawi namin ni Brielle. Kailangan din, lagi kaming maaga para hindi kami maabutan ng warfreak girls dahil paniguradong magtataka ang mga 'yon.

Habang nakamasid ako sa bintana ay nagring ang cellphone ni Brielle kaya naman agad akong napatingin at napangiti din ng makita ang caller.

"Claude?" Pagbanggit ko sa nabasa kong pangalan ng caller habang nakangiti.

"Stop smiling, driver ko yan." Nakakunot ang noo na sabi saka sinagot na agad ding pinatay.

Tinignan ko siya ng nakangiti habang may nang-aasar na tingin na agad nagpairita ng muka niya. "He's not my boyfriend, okay?" Nagpapaliwanag na sabi niya saka sumulyap-sulyap saakin dahil tutok siya sa pagmamaneho. "Oh wait, speaking of boyfriend kamusta kayo ni Gideon?" Nakangiti na nasabi niya.

Napairap naman ako sa kawalan. "Hindi ko nga alam eh, actually walang kami. Naguguluhan ako." Nakakunot na din ang noo na paliwanag ko. Tumango-tango naman siya saka panandaliang katahimikan.

My Mistake As A Daughter[Family Problems Trilogy #1]Where stories live. Discover now