CHAPTER 2

95 26 122
                                    

Nagising ako sa alarm ng cellphone ko kaya agad din akong bumangon. Narinig ko ang ingay sa labas kaya inis nanaman akong lumabas. Agad ko namataan si Aling Andrea na kausap si tatay.

Nang maramdaman nila ang presensya ko ay sabay silang lumingon saakin at ngumiti. "Goodmorning, iha." Nakangiting pagbati ni Aling Andrea na tinignan ko lang at tinanguan.

Si Aling Andrea ang katulong ng tatay ko sa kung ano mang trabaho ang ginagawa nila. Sila ang laging magkasama at madalas na siya dito. Siya din ang tumutulong saamin o kaya naman ay nagiging katuwang na siya ng tatay ko. Kahit ganoon ay hindi ko magawang mainis sakanya dahil siya ang mismong tumutulong saamin. Mas gusto ko pa nga siya kesa sa nanay kong hindi ko manlang nakita. Tss.

Dumeretso ako sa kusina namin at ganoon na lang ang pagngiwi ko ng gaya ng ineexpect ay itlog ang ulam. "Ano ba yan?!" Patanong na sigaw ko talaga saka hinagis na lang sa kung saan ang plastic na platong nakatakip dito.

Pairap akong umupo at kinain ang dalawang itlog na hindi sila pinapansin. "Ayy naku, iha hindi pa nakain ang tatay Emmanuel mo." Biglang sabi ni Aling Andrea ng makitang kinakain ko na ang isa pang itlog.

Tinignan ko siya ng pailalim bago sinagot. " 'wag ka ngang mangialam. Itlog na ngalang 'to eh!" Pagtataray ko na dahil kahit kelan hindi na gumanda ang umaga ko. Laging sinisira ang mood ko ng paulit-ulit naming pagkain.

Hindi na ako nag-abalang hugasan ang pinagkainan ko at sa halip ay binato ko na lang ito sa lababo at dere-deretsong pumasok muli sa kwarto.

Habang nag-iisip ako ng isusuot ko mamayang hapon sa pool party ay biglang tumunog ang cellphone ko. Agad kong nakita ang caller at ganoon na lang ang pagbabago ng mood ko. Si Kim...

"Yes Kim?" Nakangiting pagbungad ko.

"Hi Julianna, goodmorning. So, agahan niyo ngayon sa party dahil may papakilala ako sayong boyfriend ko." Sabi niya na nakapag-palawak ng ngiti ko.

Nakangiti ako kahit na iniisip kung sino ang maswerte at malas na lalaking yon. Maswerte siya dahil mayaman at totoong maganda si Kim. Malas siya dahil sa ugali nito.

"Oh sure! So sino?" Masayang sagot ko sakanya.

"Kasama siya sa Party at kilala mo na din naman siya eh kaya wag kang mag-alala. See you!" Ayun lang at binaba niya na ang tawag.

Natatawa akong tumayo at kinuha ang bag na gagamitin ko. Nilagay ko lang ng nilagay lahat ng kakailanganin ko saka napagdesisyunang umalis.

"Oh Julianna, saan ka nanaman pupunta?" Nagtataka nanaman na tanong saakin ni Aling Andrea. Kahit kelan napaka-pakilamera nito.

Tinaasan ko siya ng kilay saka sinulyapan ang tatay kong tumayo din at halatang gustong magtanong. Inirapan ko lang silang dalawa saka dere-deretsong umalis.

Maaga pa naman kaya napagdesisyunan kong pumunta kila Brielle. Nang makarating na ako sa labas ng iskwater naming lugar ay agad kong inilabas ang cellphone ko at naisipang tawagan si Brielle.

"Hello Julianna?" Agad na bungad niya ng sagutin.

"Brielle, nasaan ka? Sunduin mo naman ako dito oh. Andito na ako sa labas." Pakiusap ko at narinig ko siyang bumuntong-hininga.

"Hala sorry Julianna, may family bonding kami ngayon. Diba kasi mamaya aalis tayo? Kaya kailangan kong bumawi."

Napabuntong-hininga naman ako saka wala sa sariling napatango. "Okay sige. Thank you, enjoy." Pilit pinapasaya ang boses na sabi ko.

My Mistake As A Daughter[Family Problems Trilogy #1]Where stories live. Discover now