CHAPTER 6

48 8 46
                                    

"WHAT A GREAT LIAR." Sigaw ni Stefanie na gulat na nagpalingon saakin. Nanlalaki ang mga mata kong inilibot ang paningin sa mga taong biglang natahimik dahil sa malakas na sigaw na yon.

Napapamaang akong lumingon sa tatlo, sila Kim, Stefanie, Curtney na mga nakakunot ang noo ngunit ganoon na lang ang pagngiti ng mga mata. "Stefanie. What do you think your doing huh?!" Rinig kong saway ng daddy niya kaya naman napapahiya akong lumingon. Imbes na sumimangot si Stefanie ay ngumisi pa.

"Bakit hindi mo aminin sa harap ng madaming tao, Julianna? Since bida bida ka? Its your time to shine so here you go. Sabihin mo na ang totoo." Nakangiting sabat ni Curtney na bakas na bakas ang pagtataray at talagang pandidiri.

Nang tignan ko si Kim ay tahimik lang siya ngunit pailalim na nakatingin saakin. Naramdaman ko ang presensya ng isang lalaking bagong dating at ganoon na lang ang panlalamig ng katawan ko ng makita si Kim at Gideon na naghalikan sa harapan ko. "G-gideon..." Pagbanggit ko at kasabay ng pag-init ng gilid ng mga mata ko.

Sabay silang humarap saakin saka ngumiti at sabay ding napalitan ng madilim na awra ang mga muka. "Liar." Rinig kong bulong ngunit sapat na sapat ang lakas upang marinig ng buong tao dito sa campus dahil wala ka ng maririnig kundi ang usapan na lang namin.

Umiling-iling ako sa naisip ko saka hindi makapaniwalang tumingin kay Gideon. "Ikaw ang nagsabi?" Hindi makapaniwalang tanong ko at lalong hindi ako makapaniwala ng taas noo siyang tumango at ngumiti.

"P-paano mo... Inaway ko ang tatay ko para lang sayo at napakalaki ng tiwala ko pero g-ginagago mo lang pala ako?" Pahina ng pahina at bakas talaga ang pagkadismaya sa tono ng boses ko.

"Di niya naman kasalanan eh. Bakit kasi hindi mo aminin na tanga ka lang talaga!? Napaka-immature mo." Biglang sabat nanaman ni Kim at kita ko kung paano ipinulupot ni Gideon ang braso sa bewang ni Kim.

"B-brielle?" Pagtawag ko kay Brielle saka siya nilingon ngunit ganoon na lang ang kita kong sama ng muka niya habang nakatingin kila Kim.

"Ganyan niyo ba ituring ang isang kaibigan niyo?!" Nang'gagalaiti na sigaw ni Brielle na nakapagpatahimik nanaman ng buong campus. "Parang hindi siya naging parte ng buhay niyo ah, kung makapagsalita kayo. Eh ano naman kung mahirap---"

Hindi na natapos ni Brielle ang sasabihin niya ng putulin iyon ni Curtney. "Yes, andoon na nga kami sa point na mahirap siya pero yung tratuhin niya ng ganyan ang tatay--"

"Sa tingin mo ba gagawin niya yan sa tatay niya kung tatanggapin niyo siya ng buong-buo kahit mahirap lang sila?! Ikaw Kim, gagamitin mo pa si Gideon para lang kay Julianna? Mas muka ka pang immature kesa sa sinasabihan niyo ng immature." Mataray na sabi ni Brielle saka binalingan si tatay na lumapit saakin.

"Anak tama na. Uuwi na ako, mag-enjoy ka na lang." Ngiti niya pa din saka tatalikod na sana ng biglang maginit ang muka ko dahil sa isang malakas na sampal.

Sa sobrang bilis ng kamay niya ay hindi ko magawang makabawi sa pagkakatumba ko. Nanatili lang din ang muka ko sa gilid dahil sobrang sakit at ramdam ko na talaga ang luha sa muka ko. Rinig ko ang ungulan, tawanan at pagsasabi na nararapat lang saakin iyon.

"Para yan sa paglalandi sa boyfriend ko." Rinig kong sabi ni... Kim. Wala sa sarili akong lumingon sakanya. Sobrang dilim ng awra ng muka niya. Ayun ang lagi kong nakikita kapag may binubully kami sa school na 'to. "At ito ay para sa pagsisinungaling mo sa isang Allysa Kim Carranza!" Sigaw niyang muli at akma nanaman akong sasamapalin kaya naman hinanda ko na ang sarili ko sa isang malakas na sampal ngunit hindi nangyari yon.

My Mistake As A Daughter[Family Problems Trilogy #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon