CHAPTER 1

218 28 118
                                    

"Anak, kain na." Pagtawag saakin ng tatay ko habang ako ay nandito sa napakaliit kong kwarto. Inis kong nilingon ang gawa sa kahoy na pintuan kung nasaan siya naka-dungaw.

"Oo, lalabas din ako. Kita mong may ginagawa diba?!" Naiinis kong sigaw habang nagcecellphone. Kita ko kung paano gumuhit ang lungkot sakanya at dali-daling lumabas ng kwarto ko.

Umirap ako sa kawalan dahil sa inis nanaman. Maya-maya lang ay naisipan ko ng tumayo at lumabas. Ganoon na lang ang pagkakakunot ng noo ko ng makita kong natutulog si tatay sa papag namin kung saan ayun ang nagsisilbi niyang kama.

Doon siya natutulog dahil noon ay tumatabi siya saakin sa kwarto ko at ilang beses kong sinabi na 'wag na 'wag niya akong tatabihan. Isa lang ang kwarto dito sa maliit naming bahay na parang kubo lang. Pero dahil sa ayaw kong tumatabi siya saakin ay wala na siyang nagawa kundi ang matulog sa labas.

Pairap nanaman akong umalis. Dumeretso ako sa kusina namin na halos dalawang hakbang lang dahil sa liit nitong bahay namin.

Ganoon na lang ang pagngiwi ko ng makitang sardinas nanaman ang ulam. Kung hindi sardinas ay itlog ang ulam namin kaya sino ba naman ang hindi maiirita?! Tss.

Padabog akong umupo at nakita kong wala pa ding bawas ang sardinas kaya inubos ko na lang ito kahit na meron sa kalahati ko ang nagsasabing hindi pa nakain si tatay. Wala na akong pakealam at basta ko na lang kinain lahat.

Pabato kong inilagay ang plastic plato sa lababo at basta na lang iniwan doon. Lalo akong napairap ng makitang papunta na sa gawi ko si tatay habang nakangiti.

"Kumain ka na, anak? Dapat inantay mo ako. Hinintay nga kita, 'e." Nakangiti pa din na sabi niya saka naupo na at akmang kakain ng makitang wala ng ulam.

Naghalukipkip ako sa mismong harap niya saka siya tinaasan ng kilay. "Ano?!" Iritadong sigaw ko ng mabura ang ngiti sa labi niya.

"Ahh oo nga pala. Nakakain na ako. Para talaga sayo yang buong sardinas. Sana nabusog ka, anak ko. Pinaghirapan kong ku-" hindi ko na siya pinatapos dahil pairap kong nilisan ang kusina.

Naiinis nanaman akong nag-isip ng kung ano-ano. Alam kong nahihirapan siya pero wala akong pakialam. Ang sabi niya basta daw para saakin kaya wag na wag niyang susubukang magreklamo.

Kami lang dalawa ni Tatay dahil ang magaling kong nanay ay iniwan kami. Kaya ganoon na lang ang paglagi ng init ng ulo ko. Dahil madaming usapan na mayaman daw ang nanay ko at lagi ko ding sinasabi sa tatay ko na bakit hindi niya hanapin ang asawa niya para hindi siya nahihirapan. At gaya ng inaasahan ang tanging sagot niya lang saakin ay ngiti.

Naisipan kong lumabas at narinig ko pa ng tanungin ako ni tatay kung saan ako pupunta pero hindi ko na siya pinansin at ni lingunin ay hindi ko ginawa.

Habang naglalakad ako ay tinarayan ko ang muka ko. Dahil halos lahat ng madaanan ko ay pinag-uusapan ako. Alam ko naman na iisa lang ang sinasabi nila. Masama ang ugali, walang kwentang anak, feeling mayaman, pero sa lahat ng 'yon ay wala akong pinag-tuonan ng pansin. Sa halip ay pinapatunayan ko na ganoon talaga ang ugali ko.

Masama ang ugali? Pinatunayan kong masama ang ugali ko, easy lang naman 'yon saakin eh. Lahat ng mga anak nila kapag nakikita ko ay tinatarayan at basta ko na lang itutulak kaya iiyak sila at ngingitian ko lang ang magulang nilang galit na galit. Dzuhh hindi naman ako nagalit ng pag-usapan nila ako.

Walang kwentang anak? Pinatunayan ko din sa kanila na tama sila. Lahat ng kasamaan ay pinakita ko sa tatay ko. Halos hindi ko na siya ituring na tatay. At hindi naman nagagalit ang tatay ko sa halip ay ngumingiti siya kahit na alam kong nasasaktan siya sa mga sinasabi ko. Tatay ko nga di nagagalit, 'e, kayo pa kayang mga chismosang kapitbahay.

My Mistake As A Daughter[Family Problems Trilogy #1]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt