"Paulit ulit ko syang tinatanong, pero tinataboy nya lang ako. Pero hindi ako susuko. Babawiin ko sya. Mahal na mahal ko si Rica", sabi nya pa.
Matapos ang ilan pang minuto ay nagpaalam na rin si Xyruz. Saktong paglabas namin sa garden ay ang pagpasok naman ni Khalil. Nagulat sya nang makita kami pero hindi sya nagtanong. Gusto ko sanang mag explain pero naglakad na sya papalayo.
Nang maihatid ko sa labas ng shop si Xyruz, bumalik ako sa garden. Nandun din sya pero hindi kami nag kikibuan hanggang sa makaalis na ulit ako. Pagpasok ko sa cr ay napasandal na lang ako sa pinto. Ang hirap ng ganito. Hanggang kelan ko toh matatagalan?
🍃🍃🍃
1 week na lang, February na. Sobrang busy na namin dito sa shop. Marami ring deliveries kaya kahit mag stay ako rito ay hindi kami masyadong magkikita ni Khalil.
"Maam, ok lang po kayo?", tanong ni Casper.
"Oum", pagtango ko na lang. Napansin nya sigurong naka jacket ako.
Actually, nung nakaraan pa masama ang pakiramdam ko eh. Ngayon hindi lang ako sinisipon, inuubo na rin. Medyo mainit nga din ang pakiramdam ko pero uminom naman ako ng gamot bago ko pumasok.
"Maam, pahinga po muna kayo. Kami na po munang bahala rito", sabi pa ni Diane.
"Ano ba kayo? Ayos lang ako. Uminom na ko ng gamot tsaka simpleng ubo't sipon lang toh. Marami pa tayong gagawin. Dun na lang kayo mag focus", sabi ko naman.
Maya maya pa ay dumating na sina Khalil kaya agad kong tinuon ang atensyon sa aking laptop.
"Achiie! Achiie!", sunod sunod kong pagbahing. Argh, kairita.
Napakusot na lang ako ng ilong at mata. Ang bigat ng pakiramdam ko. Parang gusto kong matulog na lang. Pero hindi, kailangan kong mag focus!
Pilit kong nilalabanan ang papikit pikit na mata. Pero wala eh, marupok sya. Hanggang sa nagulat na lang ako, uwian na pala.
"Oh bat nagsasarado na kayo? Anong oras na ba?", tanong ko pagkagising.
"Closing time na po, Maam. Pasensya na po, ayaw sana namin kayong gisingin kaso kailangan na po nating isara yung shop", Waldron said.
"Ah ganon ba? P-pasensya na nakatulog ako", sabi ko naman.
"Ok lang po, Maam. Mas importante po ang health nyo", sabi naman ni Icell.
Tatayo na sana ko nang may naramdamang nalaglag mula saking likod. Pinulot ko ito at nakita ang isang itim na jacket.
"Kaninong jacket toh?", tanong ko.
"Kay Khalil po yan, Maam. Nilagay nya kanina sa inyo habang tulog kayo. Napansin po kasi nyang giniginaw daw kayo. Pinapatay nya nga din po yung aircon eh", sagot naman ni Sammie.
Napatingin ako sa mesa ko. May gamot at pagkain na nakalagay doon. May kape rin pero malamig na. Nakadikit din ang note sa baso.
Wag mo masyadong pagurin ang sarili mo. Pagaling ka!
"Lumamig na po yung kape, Maam eh. Kanina nya pa kasi nilagay yan. Wag daw tanggalin para daw paggising mo hindi ka magutom. Gusto nyo magtimpla po ako ng bago?", tanong naman ni Paolo.
YOU ARE READING
Green String
Fantasy"Minsan naisip ko, sana naging normal na lang din ako. Sana hindi ko na lang nakita yung berdeng sinulid dyan sa daliri mo. Edi sana hindi naging ganito kasakit. Kasi alam kong una palang, hindi na 'ko sayo lalapit", nakangiti kong sabi habang nakat...
9th String
Start from the beginning
