Humugot ako ng lakas ng loob para tumingin sa mga mata nya ng diretso.

"Hindi porket hindi na kita nakakausap o napapansin, umiiwas na ko sayo. Marami akong ginagawa lalo na at maraming clients ngayon. Kaya dapat imbes kung ano ano ang iniisip mo, nagfo focus ka sa trabaho mo. Ako pa rin ang boss mo", walang kurap kong sabi.

Napabitaw sya sakin sa sobrang pagkabigla. Para kong dinudurog ng mga tingin nya kaya't napaiwas na lang ako.

"I-I'm sorry..", sabi nya at naglakad papalayo.

Nang hindi ko na sya nakita ay parang nanlambot ang mga tuhod ko at napahawak sa mesa para makatayo ng ayos. Napahawak din ako sa dibdib kong sobrang bigat.

Hindi ako pwedeng umiyak. Tama lang ang ginawa ko. Mabuti na rin yun para iwasan na din nya ko.

🍃🍃🍃

Maraming delivery sina Leith at Khalil kaya makakatagal ako dito sa shop. Magmula din nung nagkausap kami ay hindi na nya ko kinukulit. Kung mag usap nga kami ay sobrang pormal. Nakakapanibago pero dapat masanay na ako. Ito ang dapat.

Natigil ako sa pag iisip nang tumunog ang chime ng shop at nagulat ako nang makita ang pumasok mula rito.

"Pabili nga ng bouquet ng coneflower", sabi ni Xyruz.

Agad akong lumapit at sinabihan si Tuleshzka na ako na ang mag aasikaso sa costumer.

Kinuha ko ang kumpol ng coneflower na iniwan nyo noon sa park at inayos ito bago ibigay sa kanya.

Iaabot na sana nya ang bayad pero binalik ko ito sa kanya. "Sa inyo po yan, Sir. Hindi nyo po kailangang bayaran".

"Ha?", pagtataka nya.

"Yan po ang bouquet na iniwan nyo sa park nung nakaraan. Inayos ko lang po ulit", nakangiti kong sabi.

Nanlaki naman ang mga mata nya.

🍃🍃🍃

Nandito kami ngayon sa garden ng shop para mag usap. Nagpatimpla ako kay Tuleshzka ng juice para samin.

"Salamat, Ekang", sabi ko sa kanya bago ito umalis.

"Oh, Xyruz, inom ka muna", abot ko sa kanya ng juice.

"Salamat", sabi naman nya pagkakuha.

"Sya nga pala, pasensya na kung nakikielam ako ha?", sabi ko sa kanya.

"Hindi, ayos lang. Ako nga ang dapat magpasalamat sayo eh. Pinanghihinaan na talaga ko ng loob kay Rica pero sinusuportahan mo parin ako", aniya.

"Elementary pa lang ako, may gusto na ko sa kanya. Alam kong ganon din sya sakin. Naging mag MU kami hanggang sa lumipat sila ng bahay. Ok parin naman kami hanggang high school. In fact, naging kami officially nung college. Antagal na namin. Pero last year, bigla syang nakipaghiwalay sakin. Hindi nya ko binigyan ng rason hanggang sa sinabi nya na lang sakin na may bago na syang boyfriend. Pero hindi ako naniniwala", paliwanag ni Xyruz.

"Hindi rin ako naniniwalang kaya ka nyang palitan ng ganun ganun lang. Ilang taon din kayong magkarelasyon. Baka may malalim na dahilan kung bakit sya nakipaghiwalay?", tanong ko.

Green StringWhere stories live. Discover now