"Oo", sagot naman nung babae.
"Rica, g-gusto kita.. Alam kong alam mo na yun dahil ilang beses ko na yun nasabi sayo. Pero hindi ako titigil manligaw sayo kahit ilang beses mo kong ipagtabuyan. Alam kong gusto mo rin ako dahil hindi ko makakalimutan yung sinabi mo nung elem tayo na ako lang ang lalaking mamahalin mo--".
"Xyruz tumigil ka na nga. Antanda tanda mo na pero isip bata ka parin. Tingin mo hanggang ngayon totoo pa yang pinanghahawakan mo? Malaki na tayo kaya gumising ka na dyan sa kahibangan mo. Hindi na kita mahal. At ilang beses ko bang sasabihin sayo, may boyfriend na ko. Kaya please, tigilan mo na ko", sabi nung babae.
"Hindi ako naniniwala", sabi naman ni Xyruz.
"Edi wag kang maniwala. Bahala ka sa buhay mo".
Aray, ang sakit naman nun. Teka, bakit ba ako nakikinig sa usapan nila? Hobby ko na bang maging chismosa ngayon?
Sinubukan kong huwag makinig sa usapan nila pero naaagaw nila ang atensyon ko, kaya sa dulo ay nagpaubaya na lang ako at nakinig.
"Rica!", sabi ng isang lalaking naglalakad papalapit sa kanila. "Tara umuwi na tayo".
"Sino sya?", tanong naman ni Xyruz.
"I'm Owen, boyfriend ni Rica. At ikaw?", anito.
"Ano?", hindi naman makapaniwala si Xyruz.
"Ano? Naniniwala ka na ba ngayon?", sabi ni Rica. "Tara na, Owen".
Binuhat ni Owen si Rica at sinakay sa kotse nito tsaka umalis. Naiwan namang tulala si Xyruz habang hawak ang mga bulaklak.
Kanina, napansin kong magkared string sina Rica at Xyruz. Iniisip ko tuloy kung tutulungan ko bang magtagpo ang dalawang toh o hahayaan ko na lang sila.
"Ate, pwedeng ako naman?", baling ng batang babae kaya tumayo na ko at pinaubaya ang swing sa kanya.
Nakita kong iniwan pa ni Xyruz ang bulaklak sa upuan bago sya umalis. Lumapit naman ako doon at kinuha iyon. Malungkot lang akong nakatingin sa mga iyon. Sayang naman kung iiwan lang ito dito kaya dinala ko na lang ito sa shop.
"Maam Chuchay?", gulat na baling sakin ni Hermaine nang makita ang bulaklak na dala-dala ko.
"Pakikuha nga ako ng vase", utos ko na nagtataka naman nyang sinunod.
Inayos ko ang mga bulaklak doon at diniligan.
"San galing yan?", tanong ni Khalil.
"Sa park", tipid kong sagot at dinala na ang vase sa may garden para masinagan ng araw.
"Sa park?", sumunod pala sya sakin.
"Oum", sagot ko na lang at aalis na sana pero bigla nyang hinawakan ang kamay ko.
"Chuchay, galit ka ba?", tanong nya bigla.
"Hindi", sagot ko naman.
"Kung ganon eh bat ka umiiwas?", diretso nyang pagkumpronta.
Napaiwas ako ng tingin at napalunok. "Bakit mo naman nasabing iniiwasan kita?".
"Hindi mo ko kinakausap. Hindi mo rin ako pinapansin. May nagawa ba ko sayo? May nasabi ba ko nung nasa Caniofle tayo?", sunod-sunod nyang tanong.
YOU ARE READING
Green String
Fantasy"Minsan naisip ko, sana naging normal na lang din ako. Sana hindi ko na lang nakita yung berdeng sinulid dyan sa daliri mo. Edi sana hindi naging ganito kasakit. Kasi alam kong una palang, hindi na 'ko sayo lalapit", nakangiti kong sabi habang nakat...
9th String
Start from the beginning
