"Hello?", pagsagot ko sa tawag.

"Hoy! Nakita ko yung pic nyo nung Khalil sa gc ha! Ikaw ha! May first kiss ka na!", kilig na kilig nya pang sabi.

"Ah, yon?", parang lasing kong sabi dahil sa baradong ilong at dahil na rin sa antok gawa ng gamot.

"Teka, may sakit ka ba?", pag-aalala nya.

"Hmm? Wala", pagtanggi ko naman sana kaya lang-- "Achiie!".

"Nako, masyado ka yatang nag enjoy sa resort. Ayan, sinipon ka tuloy. Mamaya mo na lang ako kwentuhan ng mga--".

Hindi ko na naintindihan pa ang iba nyang sinabi dahil nakatulog na ako.

🍃🍃🍃

Kakapasok ko pa lang sa trabaho. Wala na rin akong sipon ngayon dahil sa gamot na binigay ni Khalil.

"Ok guys, may sasabihin lang ako", I announced dahilan para makinig silang lahat sakin.

"Two weeks na lang, February na. Alam naman nating dadagsain tayo ng mga costumers kaya hindi pwedeng mawalan tayo ng stocks. May mga nakausap na kong clients na gusto tayong kuning supplier kaya kailangan nating dagdagan ang mga tanim natin. Ako na muna ang mag-aasikaso non kaya mawawala wala ako rito sa shop", panimula ko.

"Sammie, ikaw na muna ang bahala dito. Lahat ng reports, iwan mo lang sa table. Leith, ikaw na ang sasama kay Khalil sa pagdedeliver. Aalis muna ko ngayon dahil makikipagkita ko kay Mr. Paul. Just inform me sa lagay ng shop, ok?", sabi ko pa.

Nagsitanguan naman sila kaya nagpaalam na ko at umalis. Di pa man ako nakakalayo ay sumunod agad si Khalil.

"Hatid na kita", aniya.

Umiling naman ako. "Hindi na. Kaya ko na. At isa pa, baka mamaya may magpadeliver tas wala ka".

Tumango tango na lang sya. "Sya nga pala, magaling ka na ba? Wala ka na bang sipon? Hindi ka ba--".

Hihipuin nya sana ang leeg ko para tignan ang temperatura ko pero umatras ako kaya nagulat sya.

"A-ayos na ko. Sige, mauuna na ko baka malate pa ko", sabi ko at dali daling umalis.

🍃🍃🍃

Kakatapos ko lang makipagkita kay Mr. Paul at maaga aga pa naman. Ayoko munang bumalik sa shop dahil ayokong magkaron ng interaction kay Khalil kaya tumambay muna ko sa park. Naupo ako sa isang swing.

"Rica!", sigaw ng isang lalaki dahilan para mapalingon ako rito.

Nakangiti syang tumakbo papalapit sa babaeng kinakawayan nya. Kulay pink ang buhok ng babae na pinapatungan ng cap. Nakaupo sya sa bench. Naka jacket at nakapajama sya.

"Kanina ka pa?", tanong ng lalaki.

"Oo! Bakit ba ang tagal mo?", sabi naman nung babae.

"Pasensya na. Bumili kasi ako nito. Nagustuhan mo ba?", tanong ng lalaki pagkaabot ng bouquet ng coneflower. Napansin ko naman ang logo ng shop namin kaya alam kong dun nya iyon binili.

"Ano ba kasi yung sasabihin mo?", sabi ng babae na hindi man lang kinuha yung bulaklak.

"A-ano kasi.. S-sasabihin ko na ba talaga ngayon?", tanong nya.

Green StringWhere stories live. Discover now