Maya maya pa ay sinerve na ang order namin at nagsimula nang kumain.
"Maam Chuchay, ayos lang po ba kayo? Mukhang antamlay tamlay nyo po. Tsaka namamaga po yung mata nyo", biglang pansin ni Jea sakin.
Nakatulala lang kasi ako sa pagkain ko kanina. Aish.
"Ah, ayos lang ako. Puyat lang ako", sagot ko naman tsaka kumain.
"Kagabi po, madaling araw na kayo pumasok sa kwarto. San po ba kayo galing?", tanong ni Beatriz.
Napatingin naman ako sa kanya. Ano ba yan! Anong idadahilan ko?
"A- ano kase..--".
Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang maubo si Khalil. Agad naman syang tinapik sa likod ng katabing si Paolo.
"Pre, ayos ka lang?", tanong nya pa.
Tumango lang ito at uminom ng tubig.
"Sabi ko kasi sayo, ako na ang magddrive eh. Anong oras ka na nakatulog kagabi tas lasing ka pa", ani Paolo.
Napatingin naman ako sa kanya. Mukhang di nga sya ok.
"Ayos lang ako", mahina nitong sabi. Napatingin sya sakin kaya agad akong napaiwas.
"Paolo, ikaw na muna ang magdrive mamaya", sabi ko na lang at nagpatuloy sa pagkain.
Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na sa driver's seat si Paolo. Tatabi sana sa kanya si Sammie pero inunahan ko na sya kaya dun na lang sya ulit umupo sa pwesto nya kanina katabi si Khalil.
"Achiie! Achiie! Achiie", sunod sunod na pagbahing ko.
"Ayos ka lang po, Maam?", tanong ni Paolo habang nagmamaneho.
Tumango na lang ako habang sisinghot singhot. Sumandal ako sa bintana at agad hinila ng antok.
Alas singko na nang magising ako at nasa tapat na rin kami ng shop. Binaba na namin ang mga dala namin.
Binalik na nina Paolo at Uriel ang mga van sa pinag rentahan namin. Nagpaalam na rin kami sa isa't isa para umuwi.
"Hatid na kita", sabi sakin ni Khalil.
"Ah hindi na. Dyan lang naman ako. Umuwi ka na", I said in a monotonous way.
"Uuwi na din ako pagkahatid ko sayo", he urged.
Umiling naman ako. "I can handle myself".
Tumingin naman sya sakin na para bang nagtataka sa kinikilos ko. Agad akong napaiwas ng tingin.
"Sige na mauuna na ko", sabi ko at aalis na sana pero pinigilan nya ko.
"Sandali", aniya at parang may kinuha sa bulsa. "Inumin mo yan para mawala na yang sipon mo. Ingat ka pauwi".
Naglakad na rin sya paalis pagkabigay sakin ng gamot. Narinig ko namang paubo ubo sya habang naglalakad.
Sira ulo toh. Inuna pa ang sipon ko, samantalang sya tong umuubong parang aso.
Naglakad na lang din ako pauwi at agad ininom ang gamot na binigay nya. Napaplakda na lang ako sa kama.
*kriing*
YOU ARE READING
Green String
Fantasy"Minsan naisip ko, sana naging normal na lang din ako. Sana hindi ko na lang nakita yung berdeng sinulid dyan sa daliri mo. Edi sana hindi naging ganito kasakit. Kasi alam kong una palang, hindi na 'ko sayo lalapit", nakangiti kong sabi habang nakat...
9th String
Start from the beginning
