40: Life Threat

Magsimula sa umpisa
                                    

I'm far from that. Masyadong naging mabilis ang pangyayari at masyadong naubos ang lakas ko dahil sa sunod-sunod na nangyayari sa buhay ko na hindi ko napaghandaan. Isabay pa ang nangyari sa mag-ama.

"Magiging okay lang naman siguro ako," sabi ko matapos ay napatawa ng sarkastiko.

"Aud..." he said as quiet as a whisper.

Sobrang ingat nang pagkakasabi niya at alam kong takot siya na mas masugatan pa ako ng higit pa sa mga sugat na natamo ko na. Pero wala na rin namang saysay dahil halos hindi ko na matapalan ang bawat sugat sa pagkatao.

"I'll be fine." Napangiti ako sa lumabas na kasinungalingan sa bibig ko na kahit ilang beses kong banggitin sa harap ng ibang tao ay hinding-hindi magiging totoo. Nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata ko sa walang partikular na dahilan.

Parang may sariling isip ang mga luha ko na gusto na lang lumabas sa mga mata ko na para bang magagawa no'n na pagaanin ang loob ko. Walang lakas na hinayaan ko na lang ang bawat pagbagsak ng bawat butil ng luha na siyang simbolo ng bawat sakit na ibinigay ng lalaking mahal ko.

Sinalubong ko ang mga mata ni Kervin nang maramdman ang marahan at puno ng ingat na pagpahid niya ang basang pisngi ko. Nasa mga mata niya ang pag-intindi, ngunit walang awa na siyang inaasahan ko na. Ilang beses niya pang tinuyo ang pisngi ko bago tuluyang nabura ang mga bakas ng luha roon.

"I'm fine, Kervin."

Marahang inalis ko ang mga kamay niya sa mukha ko at pinisil iyon bago ibinaba. Tumayo ako ay tinungo ang kama ni Maxim. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin hanggang sa tuluyan na kaming makalapit sa kinahihigaan ni ng anak niya. Naupo ako sa kama habang siya naman ay naupo sa likurang bahagi ko.

"Is he okay?" tanong ko kay Kervin.

"Okay naman na daw siya. Kailangan lang daw ipahinga. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may malala pang nangyari sa anak ko," takot na sabi niya

"Ano ba talaga ang nangyari?"

Nagpakawala siya ng malalim na hininga bago nagsalita. "Hindi ko alam kung saan sila nanggaling. Pero alam ko na puntirya nila ang sasakyan ko. Pinagitnaan nila kami at ginitgit hanggang sa magawa kong makawala sa kanila. Akala ko natakasan ko na sila pero nagulat na lang ako nang sinalubong ako ng isang kotse mula sa harap habang ang isa naman ay pinupuntirya ang likurang bahagi ng kotse ko. It was too late for me to dodge but not too late to save my son. I took him with me and caged him in between my arms then we jumped out of the car. It was too close, Aud..."

Humarap ako sa kaniya at kinabig siya palapit sa akin at niyakap siya ng mahigpit. Nararamdaman ko ang mahinang panginginig niya. Senyales ng nararamdaman niya takot para sa anak niya. "Everything's fine, Kervin. I'm here," bulong ko sa tainga niya habang marahang hinahagod ang likod niya.

"I almost lost my son for the second time."

Nakaramdam ako nang paninikip sa dibdib ko habang nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat sabihin para kumalma siya at para panatagin ang loob niya. Maxim is Kervin's greatest weakness. Bawat sakit na nararamdaman ng anak niya ay doble ang balik sa kaniya. Kaya ganito na lang ang takot na nararamdaman niya nang muli na namang mapunta sa bingit ng kapahamakan ang buhay ng anak niya.

Patuloy lang ako sa paghagod sa likod niya hanggang sa unti-unti ko nang maramdaman ang pagkalma niya. Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya habang ang mukha niya ay nakasubsob sa balikat ko. Ang mga kamay niya ay nakapalibot sa baywang ko.

"Kumain ka na ba?" masuyong tanong ko.

Umiling siya at mas isiniksik pa ang sarili sa akin. Sa gano'ng tagpo ay bumukas ang pinto at iniluwa ang taong may nakabalatay na masakit na ekspresyon sa mukha. Pinasadahan niya ng tingin ang puwesto namin at sa ginawang iyon ay mas lumalala ang sakit na nababasa ko sa mukha niya.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon