"H-Hindi pa nila tayo napapansin. Umikot-" kinakabahang sambit ko.

Humarap ako sa mga kasama ko para magsalita nang agad akong natigilan.

"Oh? Bakit may mga nobles dito?" natatawang sambit ng isang lalaki.

As if it's an automatic reaction—my instincts told me to run, but my body won't move. For a second, everything went black and white.

The guy who's in his mid 30s. He has a number 8 on his neck.

Bigla lamang itong sumulpot sa likod ni Lei na kapwa ko ay hindi rin makagalaw sa pwesto niya.

"Kung sinuswerte ka nga naman. Anak pa ng ruler ng Frencide 'to." Muling sambit ng lalaki.

Napaismid ako sa sinabi niya at mahigpit na sumara ang kamao ko. Balak ko sanang magsalita nang may nauna sa akin.

"astrapí !" biglaang sambit ni Raze.

Lumabas ang isang palasong gawa sa kuryente na mabilis umatake paharap. Muntikan na itong tumama sa lalaking nasa likod ni Lei, pero nagawa nitong makaiwas at nagalusan lang ito sa pisngi.

"You bastard-" inis na sambit ni Raze. Punong-puno ng galit ang mga mata niya habang nakatingin sa lalaki.

Walang ganang tinapunan si Raze ng tingin ng lalaking may numerong walo sa leeg.

"You said a spell first, I guess you're ready to put your life on the line," walang kaemo-emosyong sambit nito.

Napakagat ako sa labi sa sinabi niya. That stupid Raze. What the fuck is he freaking doing?!

Hindi nagpatinag ang lalaking kasama ko sa sinabi ng Disciple at taas noo niya itong tinignan.

"The day I decided to avenge my parents, I already disregarded my life!"

Natigilan ako sa sinabi niya—kusang namilog ang mga mata ko. Hindi lamang ako kung hindi pati na rin ang myembro ng Disciples na nasa likod ni Lei, na mukhang nakuha ang atensyon.

"Eh?" Pagtataka nito. Pinagmasdan niya mabuti si Raze at bigla na lamang siyang natauhan.

"Gray hair-"

"Ah! Natatandaan ko na!" natatawang sambit ng lalaki. "Ikaw 'yong anak ng dalawang traydor sa council!"

I was taken aback by what he said. Forehead furrowed, and with confused eyes, I glanced at Raze.

He's a noble?!

"That day.... Tatlong myembro ng Disciples ang nakita ko," walang kaemo-emosyong sambit ni Raze.

He has no expression, but his eyes are on fire. Kumurba ang labi ng myembro ng Disciple sa isang nakakairitang ngisi. Itinuro nito ang numero sa leeg niya.

"Yes.... Three. Ten. And me, Eight."

Nag-iigting ang bagang ni Raze sa sinabi niya. "I'll fucking kill you." Garagal ang boses niyang nagsalita.

Balak na sanang magsalita ulit ni Raze upang bumanggit ng panibagong spell nang matigilan ito.

"min kinoúntai," sambit ng isang lalaki.

Natigilan si Raze sa pagsalita at sa paggalaw. Unti-unti itong lumutang sa ere.

"Raze!" tawag ni Tana.

Mabilis ang pagtibok ng puso ko at malamig din ang balat ko. Napunta ang tingin ko sa lalaking gumawa n'on kay Raze at tumaas ang lahat ng balahibo ko sa katawan.

The number five is here. Sumunod din ang babaeng may numerong 12 malapit sa dibdib niya.

"Masyado ka atang nahihibang, bata," walang ganang sambit ng matandang lalaki kay Raze.

Wala akong nagawa kung hindi tumayo lamang sa pwesto ko. Wala akong lakas na loob na lumaban sa kanila.

Parang umiikot ang paningin ko habang pinapanood sila, at nagiging madilim ang paligid. Slowly... it felt like they're moving... far away-

"elefthérosi," sambit ni Xena.

Natauhan ako nang sinubukan ni Xena na i-cancel ang spell na ginamit ng matandang lalaki kay Raze, ngunit walang nangyari.

"Hija, walang epekto ang kahit anong spell na gamitin mo," kalmadong sambit ng matanda. Tumawa ang babaeng kasama nito.

Napaismid ako dahil sa dismaya—na hindi nagawang ma-cancel ni Xena ang spell niya.

Shit... he used a Cipher spell.

Nalintikan na kami.... Kung kailan huling bayan na namin ito at malapit na kami sa Frencide!

Napaismid na lamang si Xena sa sinabi ng lalaking kaharap niya. Lumapit din sa kaniya si Tana at mahigpit na kumapit sa damit nito.

Tsk. Anong-

"I'm sorry, but I think you're forgetting something," biglaang sambit ni Lei.

Nabigla ako nang magsalita ito bigla. Naagaw niya ang lahat ng atensyon namin. Kahit alam kong kinakabahan siya ay nagawa niya pa ring pilit na tumawa.

His expression is the total opposite of what he's trying to say. Walang tigil ang pagtulo ng pawis niya at mabigat din ang kaniyang paghinga.

Nakatutok ang kamay niya sa lupa. "se apokaló pnevmatikó fídi gis," muling sambit ng kababata ko.

Eyes widened, I looked at him—dumbfounded and astonished. Ibang klaseng spell ng pag-summon ang binanggit niya.

Unti-unting lumabas ang mga simbolo sa lapag. Ngunit imbis na bilog ay tatsulok ang lumabas dito. Lumabas ang kulay pula na liwanag sa tinatapakan ni Lei.

Humampas ang malakas na hangin, unti-unting gumalaw ang lupa. Nagbiyak-biyak ang tinatapakan namin, para bang lumindol.

We all heard a loud hiss, echoing.

Bumungad sa amin ang spirit na tinawag ni Lei. Umangat ang tingin ko rito nang umangat din ito, natatakpan niya ang sinag ng araw.

An earth serpent.

A Rank SS spell.

Catching his breath, Lei smirked.

"I'm a noble as well. The son of the Frencide's ruler to be exact." 

Mageía High: Grimoire of AstriaWhere stories live. Discover now