Bakit?! Bakit hinayaan nila akong mag-isa?!

"Louis?! Okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak ?" Humahangos at nag-alala na pumunta si Kuya Argon sa kinaroroonan ni Louis.

Hindi niya alam kung bakit nararamdaman niya ito pero dahil sa bigat na nararamdaman ni Louis ngayon, niyakap niya ito nang mahigpit at doon umiyak. She cried over and over again. She missed her Mother so much that's it damn hurt! Ang sakit-sakit sa dibdib na makita ang Ina sa panaginip niya. Gusto niya ito mayakap at makasama!

"K-kuya A-argon, napaniginipan ko ang Ina ko. Umiiyak siya, Kuya! Nasasaktan siya. Parang totoo ang panaginip na 'yun"

"Gusto mo naba bumalik ?" Ang tanong ni Argon ang napatigil kay Louis.

Aalis na ba siya?

Umiling si Louis. Ayaw niya umalis at hindi niya alam kung bakit. Kahit gusto na gusto na niyang yakapin at makasama ang ina, mayroon parin sa loob niyang may hinahanap.

"M-may sinabi po siya sa akin" Pag-iba ni Louis sa usapan. May sinabi ang Ina niya na hindi ni Louis maintindihan.

"Sabihin mo sa akin, Louis" Tila nagmamakaawa ang boses ni Kuya Argon.

Lumalim ang gatla ni Louis. "Nasasaktan po siya, Kuya. Masakit raw ang ginawa nang Ama ko sa amin. Gusto niya patawarin ang ama ko pero ang sakit ang nag-uudyot sa kaniya na maging matigas. Kuya, kahit panaginip lang 'yun pero nakita at narinig ko ang sakit sa mga mata at boses ni Mommy. Ang bigat sa dibdib ang sinabi niya. At, ayaw niyang kahimuhi-an ko ang ama ko dahil sa ginawa niya sa amin. Gusto niya maramdaman ko ang pagmamahal nang isang Ama pero paano ko maranasan 'yun kung hindi nito sinabi sa akin kung sino ang Ama ko?"

Kahit pangalan ng Ama niya wala siyang alam!

"Gusto ko malaman kung sino ang Ama ko. Gusto-gusto ko pero gusto kong marinig 'yun sa Ina ko. Gusto ko malaman bakit ayaw niyang malaman ko ang totoo? Pero, ayaw niya dahil baka kahimuhi-an ko ang ama ko. Kuya Argon, bakit ganito? Pinapatay ako nang kaguluhan ngayon. Gusto ko malaman pero ayaw kung masaktan pa si Mommy. Ayoko, Kuya Argon"

Kuya Argon stoop down his head. Nagtataka na siya minsan sa ginagawa nito! Gulong-gulo si Louis at para siyang sasabog na hindi niya maintindihan.

"Patawad, Louis. Patawad.."

Napahiwalay si Louis sa yakap dito dahil sa sinabi nito. Bakit siya humingi nang tawad?

"Bakit kayo humingi nang tawad sa akin, Kuya Argon ?"

Ang lungkot-lungkot ng mga mata nito at may nakita si Louis na emosyon na hindi niya mapangalanan.

"Ako na ang humingi nang tawad dahil sa ginawa nang Ama mo. Patawad, Louis"

Bakit sapalagay ko si Kuya Argon ang Ama ko? Bakit naramdaman ko ito?

Louis shook her head. Hindi 'yun magagawa sa kaniya ni Kuya Argon. Gusto na gusto niya maging Ama si Kuya Argon pero hindi nito magagawa na mag-sinungalang sa kaniya at saktan siya.

But, why she felt this? The way he stare and protect her, parang anak na ang turing nito sa kaniya. Gusto niya ang ginagawa ni Kuya Argon at kahit imposible, umaasa siyang sana ito nalang ang Ama niya.

"Sabihin mo sa akin-"

Napatigil si Louis sa pagsasalita. Pumasok sa loob si Ate Argara.

"Kuya, kailangan tayong mag-usap" Seryuso na sabi ni Ate Argara.

Pinunasan ni Kuya Argon ang nagkakalat na luha sa pisnge niya at nag-aalala ang mukha na tumingin sa kaniya.

"Wag ka nang umiyak, Louis. Nag-uusap tayo mamaya. Okay?"

Tumango si Louis dito.

Pero sa totoo, nadismaya siya nang hindi niya nasabi ang gusto niyang sasabihin.

Siguro hindi pa ito ang tamang oras para tanungin ito.

Hindi yata gusto nang tadhana na malaman ni Louis kung sino ba talaga ang Ama niya. Bakit?

Tumingin si Louis sa pintu-an ng marinig ang mahinang katok.

"Ersyia halika pasok"

Pumasok si Ersyia sa silid niya at umupo sa tabi niya. Ngumiti ito sa kaniya at para itong mandigma dahil sa su-ot nito. Alam ba nito gamitin 'yan?

"Okay ka lang ba ?" Tanong nito.

"Okay lang ako. Wag na kayong mag-alala"

Louis can't deny in herself that she's hurting inside. At, kahit anong gawin niya.. Naninikip ang dibdib niya.

"Margarita, salamat dahil sa'yo buhay pa kami ngayon" Hinawakan nito ang kamay niya at 'yung pinapahiwatig ng mga mata niya kung gaano ito nagpa-salamat sa kaniya.

"Sus, okay lang 'yun. Masaya nga ako dahil nadagdagan ang kaibigan ko."

"Gusto mo turu-an kita, sumakay nang kabayo ?"

Nanlaki ang mata ni Louis sa narinig. Ersyia know how to ride a horse?! Gusto rin ni Louis na matutunan 'yun. Ang engot kasi ng Semasu na 'yun magturo!

“Gusto!” Malakas na ani ni Louis.

“Ersyia! Margarita !” Malakas na tawag sa kanila ni Nichollo .

Sabay na kumaway si Louis at Ersyia sa Binata. Hindi niya alam pero ang gaan ng loob ni Louis sa dalawa. Para bang ang tagal na nilang magkakilala kahit na ngayon lamang ni Louis naka-sama ang dalawa.

“Sabi ni Ate Argara, pupunta tayo sa malawak na ilog sa gitna ng pinagbabawalan gubat. Kukuha tayo ng pagkain at prutas” Agad na bungad ni Nichollo sa kanila.

“Talaga?” Ani niya. May kasabikan na siyang nadarama. Tiyak na maganda ang makikita ni Louis.

Nakikita ni Louis ang kagustuhan ng dalawa na makita 'yun!

A/N : Yubie nakalimutan Mona si semasu ? 😌

Magkabilang Mundo (BOOK1)Where stories live. Discover now