Chapter 45: First Date

71 9 0
                                    

Craig's Point of View 

Nakalipas na ang isang linggo simula ng ligawan ko si Amy at ngayon ay Biyernes at wala naman na kami masyadong ginagagawa dahil malapit na rin ang Christmas Party namin at mag cchristmas break na kami kaya naman naisipan ko na ayain si Amy na kumain kami sa labas mamaya pagtapos ng klase parang date namin, Simula nung pag amin ko kay Amy at nung pagbalik namin sa School ay hindi na pinapansin ni Azi si Amy dumaan nga lang ito sa harapan namin nung pag akyat namin ni Amy sa Klase, Yes. Magkasabay na kami umakyat at bumaba papunta lagi sa bus nagulat na nga rin ako kasi bigla ako inaya ni Amy pagpasok na sabay na kami umakyat at pumunta sa bus pag uwian na pati rin si Catherine ay nagulat na rin sa mismong sinabi nito.

Ngayon ay nag aantay na lang ako ng Bus at papasok na rin ako, Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin naman na ang Bus namin, Huminto naman ang Bus sa harapan ko at sumakay na rin ako dito, Pag sakay ko ay hinanap agad ng mga mata ko si Amy, Nakita ko naman ito agad na kumakaway sa akin at napa ngiti naman ako kaya naman siguro napansin ng Nag babantay sa Bus namin na nakangiti ako kaya naman tinanong ako nito.

"Inlove ka ba?" tanong sa akin ng Bus Monitor kaya naman napalingon ako dito

Bago kasi ang Bus monitor namin ngayon araw at nalipat na ang dati namin bus monitor na medjo ka close ko na rin.

Tumungo na lang ako dito at naglakad na rin ako sa likod, Hindi na ako umuupo sa dati kong paboritong upuan na kung saan lagi ako naka talukbong, Nakaupo na ako katabi si Amy at si Catherine, Supportado naman kami ni Catherine kahit third wheel siya pag kami lang magkasama.

"Aga aga grabe ang ngiti mo ah, Craig." sambit ni Catherine

"Ganon talaga pag inlove." ani ko sabay tingin ako kay Amy na para bang nang aasar 

"Bakit ka nakatingin sa akin?" hiyang tanong ni Amy na namumula agad kay aga aga

"Wala naman, Ang ganda mo kasi!" banat ko kay Amy

"Wushuu, Ayan na ang aga aga bumanat na nga si Craig!" sambit ni Amy sabay hampas sa balikat ko 

"Bakit kinikilig ka naman na rin dyan!" pang aasar ko kay Amy

"Hoy, Hindi ah!" tanggi naman nito 

Ngunit halata ko naman dito na kinikilig ito at medjo nahihiya pa dahil halos mag iisang week palang naman nung sinimulan ko siya ligawan, Unang Araw ng ligaw ko sakaniya ay may dala agad akong rosas at mga tsokolate.

"Lovebirds." sambit ni Catherine tapos tumingin naman sa amin para bang  nangaasar

Bigla ko naman naalala ang sinabi ko kay Catherine na tutulungan ko siya pagdating kay Azi.

"Catherine, Paano pala yung pag tulong ko sayo?" tanong ko dito

Tumingin naman si Amy sa akin at para bang nalilito ito sa mga sinabi ko

"Tulong saan?" tanong naman ni Amy

"Kay Azi." tipid kong sabi dito 

Nagulat naman si Amy at hinampas niya si Catherine

"Gaga, Sa ibang lalaki na lang. Wala akong tiwala kay Azi noh!" sambit ni Amy kay Catherine na siyang dahilan kung bakit tumingin sa akin si Catherine ng masama

"Eh paano girl? Gusto ko nga si Azi eh!" ani Catherine

Napaka rupok nitong babaeng ito, Ayoko rin maging sila ni Azi dahil nag iisip ako na kung naging sila ni Azi edi mas lagi naman makakasama si Azi eh ayaw ko nga kasama yung kupal na yon dahil nga napaka sama ng ginawa niya sa akin at hindi ko yon mapapatawad dahil nga hindi ko naman aakalain na kaya niya akong ipakick out ng ganon ganon lang pero pasalamat na rin ako dun sa nag bigay ng video kay Angeline at Abby kaya naman nagawan namin ng paraan para hindi ako ma kick out, Kaya naman sumang ayon ako kay Amy na hindi na lang dapat si Azi ang i reto kay Catherine

I FELL INLOVE WITH A BADBOY ( Book #1 TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon