Chapter 36: "Unknown's POV"

92 23 9
                                    

Craig's Point of View
-------

Ngayon ay 2pm na at nakapag lunch na rin kami ni Amy, Nandito ako ngayon sa sala nila Amy nanood ng Netflix, Buti pinayagan ako ni Amy manood ng Netflix sa kanila aba syempre dapat lang noh! Nakakahiya naman sa akin noh ako na nga nag luto ng almusal at nagpapakain sa kaniya tapos hindi nya ako papa panoorin sa TV?? Buti naman may hiya ka Amy at naisipan mo na payagan ako manood sa TV niyo, Nanood ako ng kung anong movie sa Netflix dahil wala naman kami netflix at hindi ko ito gamay kaya kung ano na lang ang pinili ko na panoorin, Nakakalungkot rin dahil alam ko na ngayon ay dating nila Tito tsaka yung Papa ni Amy.

Paano na yan?

Hindi ko na makakasama si Amy?? Huhuhuhu ayoko pa, Gusto ko mas matagal pa kami magkasama ni Amy, I'll make her fall for me kesa kay Azi, Halata naman kay Azrael na panay porma lang ito patalinuhan na lang kami baka umiyak pa siya Wahahahaha Ang sama natin Craig, Pero seryoso Amy doesn't deserve Azrael she deserves me!

Habang nanood ako sa TV ng netflix ay bigla naman nag ring ang Phone ko, Napa tingin naman ako dito at iniisip ko kung sino ito, Sino naman kaya ang tatawag sa akin? Baka sila George ito nako bawal ako, Kelangan kong bantayan si Amy at alagaan ito, Kinuha ko naman ang phone ko na nasa lamesa at tinignan agad kung sino ang natawag, Nanlaki naman ang mata ko dahil si Tito Vicente ang tumatatawag.

Paano naman nalaman ni Tito Vicente ang Phone ko??

Agad ko naman sinagot ito at medjo kinakakabahan rin dahil nga Papa ito ng babaeng gusto ko.

"Craig, Kamusta kayo dyan?" tanong ng boses sa kabilang linya

Sino naman ito??

Hindi naman boses ni Tito ito?

"Hi, Sino po sila? tanong ko sa boses sa kabilang linya

"Craig, Siraulo ka talaga hindi mo na kilala ang boses ng tito mo?!!" galit na hiyaw ng aking tito sa kabilang linya

Pinigilan ko naman ang pag tawa ko

Ay, Si Tito pala ito paano ba naman kasi akala ko na si Tito Vicente makakausap ko ngunit yung tito ko pala hays!

"Ay! Sorry na tito, Pauwi na po ba kayo?" tanong ko dito sa kabilang linya

"Ay oo nga pala tungkol doon, Napag usapan namin ng Papa ni Amy na bukas na kami uuwi at dahil itong mga barkada namin ay nag pa book ulit ng isa pang araw dito, Bukas ng umaga nandiyan na siguro kami." paliwanag ni Tito

Ayunn!!!

Makakasama ko naman ulit si Amy ngayon araw!!

Pinagkaka sundo na talaga kami ng tadhana UwU

"Ay, Ganon ba? Dito pa rin ba ako matutulog?" tanong ko dito

"Pre, Akin na ako na kakausap." rinig ko boses ni Tito Vicente inaagaw kay Tito yung Phone

Bakit naman kasi si Tito yung Tumawag sa akin, Shit ito na makakausap ko na ang biyenan ko, Char napaka bilis naman ng pangyayari.

"Craig?" tawag ni Tito Vicente sa akin

"Yes po?" tanong ko dito

"Pwede bang ikaw muna ulit bahala kay Amy? Nag extend pa kasi ang mga ka tropa namin sa resort eh, Pasensya na ha." paliwanag at pag hingi ng tawad ni Tito Vicente

Ay Tito no problem po kahit next year na kayo umuwi dito! Joke lang

"Opo, Tito ako na po ang bahala kay Amy, Mukhang tulog po yata sa taas, Kakatapos lang namin kumain kaninang Tanghalian." ani ko

SKL Tito

"Ay nako! Salamat talaga Craig ha? Hindi pa naman marunong mag luto yan si Amy!" pasasalamat ni Tito sa akin

I FELL INLOVE WITH A BADBOY ( Book #1 TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon