Chapter 37: Memories

80 21 3
                                    

Amy's Dad Point of View
KINABUKASAN

Hi Everyone, Eto ang unang Point of View ko at gusto ko sanang mag pakilala kahit pangalan lang, Ako pala si Stephen Gabriel Vicente ang Daddy o Papa ni Amy.

Ngayon ay magkasama kami ng kaibigan ko na si Johann Vince Javier, Ang Tito naman ng ni Craig, Kami ay matalik ng magkaibigan simula Highschool at nandito na kami sa kotse ko pauwi na galing Resort, Nagka yayaan ang mga tropa namin na mag stay muna kami ng isang araw ulit doon kaya ngayon palang kami uuwi ng kumpare ko, Ako ay nag dridrive habang ang kumpare ko naman ay natutulog sa passenger seat nahatid na rin namin ang mga kaibigan namin sa kanilang mga bahay.

Ang lalim na ng tulog ng kumpare ko kaya hindi ko na ito inabala at nagmaneho na lang ako ng saksakyan ko dahil medjo malapit na rin kami, Makikita ko na ang Unica Hija ko, How I miss My Daughter, Kampante naman ako na kasama naman niya si Craig dahil alam ko mabuting bata naman ito at kahit nababalitaan ko sa kaniyang Tito na medjo may pagka maangas ito ay mabait at masunurin naman, Baka nadala lang ito ng kaniyang emotion sa pagkawala sa kaniyang Mama at iniwan na rin siya ng kaniyang Tatay.

I feel bad for Craig, Buti na lang nandito itong Tito niya na kumupkop sakaniya, Matalino ang batang yon simula pa lang nung nagiging kalaro na siya ni Amy nung Bata pa lang ay mahahalata mo na sakaniyang mukha ang pagka matalino niyang bata.

Hindi nag tagal ay nandito na kami sa labas ng bahay ko at tiningnan ko naman ang orasan na nasa kotse, Its 9:45am palang, Baka tulog pa ang mga alaga namin ng kumpare ko.

Tinapik ko naman ang Kumpare ko at ginigising ito.

"Pre Gising, Nandito na tayo sa bahay." ani ko dito habang tinatapik ito

Nagising naman ito at nag uunat unat pa.

"Ohh?? Ang bilis naman natin!" gulat na sambit nito

"Oo Pre, Bumaba ka na at bababa na rin ako ng kotse." pagmamadali ko dito

Inantay ko ito makababa, Nang makababa na ito ay pinatay ko na rin ang makina ng kotse at tinanggal ang susi sa kotse, Bumaba na rin ako agad,  Pagbaba ko  ay tanaw ko mula sa kabila ang kumpare ko at buti naman nandito pa itong kumpare ko dahil siya mag dadala ng aming gamit sa loob, Oo may gamit kami at bumili kami don ng aming kelangan for outing at yung ibang gamit ay hiniram na lang namin dahil biglaan lang talaga ang pag aya sa amin, Nung araw ng pag aya sa amin ay hindi rin kami maka tanggi at nakakahiya rin sa nag plano ng aming pagsasama kaya nung araw na rin na yon napag desididuhan namin ng kumpare ko bago palang pumunta sila Craig sa Luk Yuen ay sumama na kami sa mga kaibigan namin.

Naglakad naman ako papunta sa Likuran ng Kotse at binuksan ko ito naglakad na rin ang kumpare ko papunta sa likuran ng kotse para tulungan ako, Nilabas ko naman ang bitbit nitong plastic na panay basang damit at dito na rin nakalagay ang Kit na ginamit namin sa Resort, Buti na lang medjo may pag classy ang resort na iyon kaya kahit wala kaming dalang sabon at pang ligo ay nagawan rin namin ito ng paraan.

Pagtapos ko ilabas ang gamit ng kaibigan ko ay nilabas ko na rin ang gamit ko tyaka sarado ng likuran ng kotse, Hindi na kami nag tagal pag sarado ko sa likuran ng kotse ay pumasok na kaming dalawa ng kumpare ko sa loob ng bahay ko.

----------

Nandito na kami ngayon sa loob ng bahay ko at nakita namin na nakahiga si Craig sa sahig at ang aking Anak naman ay nakatulog sa Sofa, Nanood siguro ang mga ito ng movie kaya naman nakatulog na dito.

"Jusq talaga mga alaga natin pre." sambit ng kumpare ko at lumapit na papunta kela Craig

Lumapit na rin ako kasabay nito.

"Shhh, Wag mo gisingin hayaan mo lang sila." saway ko sa kumpare ko

"Hindi pre, Salamat uuwi na rin kami antok na antok pa rin talaga ako." pasasalamat ng kumpare ko

I FELL INLOVE WITH A BADBOY ( Book #1 TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon