Chapter 18:"Nobody Fucks with My Girl"

236 61 39
                                    

Amy's Point of View

Ngayon ay Lunes na naman at nagising nanaman ako ng maaga dahil nga may napaginipan ako tungkol sa amin ni Craig.

Humiga ulit ako at pinatong ko ang aking kamay sa aking ulo at humiga ng diretso

Paano ba naman kasi si Craig ay may ginawang kakaiba nung nasa Timezone kami naglalaro

Sa tuwing naalala ko yun ay hindi ko alam bakit ako namumula at pinag papawisan.

Flash back
Saturday Night
Time Zone

Tapos na kami maglaro ng tekken at natatalo nanaman ako sa pustahan namin ni Craig at ngayon ay kelangan ko manlibre sa kanya sa pagkain

"Oh ano saan na tayo kakain?" tanong ko kay Craig

Tiningnan naman ako nito

"Aba! Mag antay ka may gusto pa akong gawin dito sa Timezone." ani Craig

Ano nanaman gustong gawin ng mokong na ito?

"Ano yun?" tanong ko

Tinuro naman yung Photobooth sa Timezone

"Ayun!" sabi nito

Kaming dalawa ni Craig diyan?

No way!!

"No way!!" hiyaw ko dito

"Ayaw mo?" tanong nito

"Ayoko pag kamalan jowa kita noh!!" tutol ko dito

Bigla naman namula ito

Bakit naman namumula ito

Tumawa naman ito kulang na lang pag tinginan kami ng mga tao dito

"Hahahahaha, Wag ka assuming Amy!" saad niya sa akin

Hindi naman ako nag aasume pero bakit parang namula siya kanina

"Hindi ako nag aasume noh!" ani ko

"Oh yun naman pala eh, Tara na!!" aya nito sa akin at kinuha ang aking kamay at naglakad na papunta sa Photobooth

Habang naglalakad kami  ay sinubukan ko manlaban ngunit malakas ang kapit nito sa kamay ko kaya hindi ko nagawang makawala.

Habang nakahawak si Craig sa akin ay hindi ko alam bakit bigla akong pinagpawisan at nakaramdam ako ng init sa aking katawan.

Hindi ko na pinansin ito at nandito na kami ngayon sa Photobooth.

Medjo may kahabaan ang pila kaya naman matagal rin kami tatayo dito

"Dyan ka lang Amy!" utos nito sa akin

Aba, Teka lang saan naman ito pupunta?

"Huy!! Saan ka naman pupunta?? Iiwan mo ko dito?" tarantang tanong ko dito

"Luh! Ako mang iiwan? Never! bibili lang ako ng tubig sa tapat na shop." sabi niya sa akin sabay turo sa Shop

"Bilisan mo ah!" utos ko dito

"Bakit? Mamimiss mo ko?" asar nito sa akin

"Che! Sino ka ba para ma miss?" tanong ko dito

"Ako lang naman yung tumalo sa Pustahan natin, Alipin na kita ngayon! tandaan mo yan." ani Craig

Napaka yabang talaga nitong lalaking ito

"Sige na, Layas na!" utos ko dito at umalis naman ito

Habang nandito lang ako sa pila dahil 7 turns pa bago kami ang pumasok sa Photobooth ay tingin ako ng tingin kaliwa't kanan

I FELL INLOVE WITH A BADBOY ( Book #1 TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon