Chapter 8: Childhood Friend

316 104 58
                                    

Amy's Point of View

"What's with the reaction, Amy? Magkakilala ba kayo?" takang tanong ng tito ni Craig. Kilala pala ako nito.

Hay nako! Kung alam niya lang kung gaano ka-loko ang pamangkin niya.

"Ah opo—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa pagputol ni Craig.

"No, I don't even know her," cold na sagot nito.

Anong hindi?! Nagka-amnesia lang ang style?!

"Uh pasok na po kayo!" nakangiting aya ko sa tito ni Craig.

Pumasok na silang dalawa sa gate. Akmang papasok na din sana si Craig ngunit hinila ko agad ito at dinala sa gilid.

"Oy ikaw ah! Anong hindi mo ako kilala?" tanong ko dito at ngumisi naman ito.

He glanced at me. "You only know my name. Pero kung sino talaga ako, you know nothing."

Ouch! English spOkeniNg, dudugo na ata nose ko. Natameme naman ako sa sagot ni Craig dahil may point naman siya. I don't know him personally.

"Ikaw, huwag na 'wag kang magsisimula ng gulo dito sa bahay namin ah?! Kung hind—" hindi ko nanaman natuloy ang sasabihin ko dahil biglang may nagsalita sa likod ko.

Bakit ba lagi akong pinuputol?! Kainis!

"Amy! Bakit mo sinisigawan ang bisita?" sermon sa akin ni papa.

"Ah...Eh...Ano, pa! Nagpapakilala lang ako!" palusot ko dito na mukhang gumana naman.

"Ah ganun ba, Antayin niyo na lang kami diyan sa labas may pag uusapan lang kami sa loob." utos ni Papa sa amin

Maiiwan ako kasama itong lalaking ito??

No way!!

"Ah sige po Tito antayin na lang namin po kayo dito." sabi ni Craig

Ano nanaman pumapasok sa utak mo Craig!?

Anyway bahala na

"Sige po Dad." pilit kong sabi

Umalis na si Dad at iniwan kami ni Craig dito sa labas.

Tinignan ko lang si Craig nang saglit at inalis na ulit ito.

Kainis talaga!

Tinignan ko ulit ito at inirapan.

Sige magtitigan kami! Nakakainis pagmumukha niya grRr!

Inirapan ko ulit ito at nag-kibit balikat nalang.

Tagal naman kasi nila dad!

"pfft!" napatingin ako kay Craig na biglang natawa.

Baliw ba 'to?! Nakasinghot ata ng drugs eh.

"Ano?!" sigaw ko dito at tinaas naman nito ang dalawang kamay na parang susuko.

Tatanda talaga ako kaagad kapag ito kasama ko eh.

"Ba't ka tumatawa?" taray ko dito.

"Ayaw mo kasing tumigil kakatingin sa akin. Bruh, I know that I'm handsome but stop staring at me. It's making me uncomfortable," tugon nito.

Napatili nalang ako sa inis dito. GrRr! Ang kapal talaga ng mukha niya!

Konti nalang talaga ilalampaso ko na mukha nito sa semento. Napakayabang!

Bigla naman dumating na sila Papa at ang Tito ni Craig

"Anak, tara na!" rinig ko mula sa likuran ko

I FELL INLOVE WITH A BADBOY ( Book #1 TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon