Prologue

1.6K 204 216
                                    


This is work of fiction. Names and Events are product of the Author's imagination and are use in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead and events are purely COINCIDENTAL.

PS : SOME EVENTS HAPPENED IN REAL LIFE

PLAGIARISM IS A CRIME!

Amy's Point of View

"Amy Gising!" sigaw ng aking Papa mula sa ibaba

Eto naman si Papa oh!

Aga aga pa gigisingin na ako nito!

Iniba ko ang ayos ng higa ko at sinubukan ko ulit matulog.

Hindi nag tagal ay nakaramdam ako ng lakad ng paa sa aking pintuan

"Amy hindi ka ba talaga gigising?" tanong ni papa sa akin habang nakatok

Ako nga pala si Amy Gwen Vicente 16 years old Third Year sa pasukan tumigil kasi ako ng isang taon at kasama ko lang sa Bahay ay si Papa at iniwan na kami ni Mama

Argh!!

Bumangon ako sa pagkaka higa ko at binuksan ko ang Pinto

"Papa ang aga aga pa!" reklamo ko habang kinukusot ko ang mata ko

Totoo naman na maaga pa eh tyaka last day na ng bakasyon at gusto ko rin mag pahinga

"Anong maaga pa? bumangon ka diyan at bibili tayo ng gamit mo para bukas!" tanong nito at utos nito

"Oo,sige papa teka lang!" sang ayon ko habang naka kunot ang noo

Wala talaga akong choice!!

"Aantayin kita sa baba." saad nito ng naka kunot ang noo

Halata rin dito na inis ito sa akin

Sinara ko naman ang pinto at nag hanap ng pwedeng suotin na pang alis

kung tutuusin ayoko ngang pumasok diyan sa Luxord Academy na yan! Gusto ko pa rin sa dati kong eskwela at nandoon ang mga kaibigan ko.

Kaso wala akong choice gusto ni Papa na dito ako mag aral eh.

Nakahanap na ako ng suot ko kaya naman agad akong pumunta sa banyo namin upang maligo ako.

Nakaligo na ako at pumunta na rin ako sa kwarto ko at nag bihis na rin agad.

Ayokong pag antayin ng matagal si Papa

Bumaba at pumunta na ako sa sala namin

"Oh ready ka na?" tanong ni Papa sa akin

tumungo na lang ako

"I reready ko na ang sasakyan natin." saad ni Papa

Nag sapatos agad ako

May kaya naman kami sa buhay kaya nakabili kami ng sasakyan

Tinawag naman ako ni Papa sa saksakyan. Pumunta ako at sumakay sa aming sasakyan umalis na rin kami agad.

Papunta kami ng mall upang bumili na aking mga gamit para sa pasukan bukas.

Nandito na kami sa Mall at nakita namin na napaka raming tao at naghanap kami kung saan pwede i park ang kotse. Nakahanap na kami ng parking kaya naman agad nag park si Papa.

"Tara na?" aya ni Papa sa akin

"sige po" sunod ko dito at tumungo

Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at lumabas na ako. Pumasok kami ni Papa sa Mall at pumunta kami agad sa National Bookstore upang mamili ng gamit na kakailanganin ko bukas.

I FELL INLOVE WITH A BADBOY ( Book #1 TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon