Kabanata 14

118 7 13
                                    

"Mr. Park?" Pagtawag ko sa atensyon nito.

"Ms. Stellaluna," aniya na may matamang tingin sa akin sa rear-view mirror ng sasakyan.

"Can you tell me something about Saecho?" Naging maingat ako sa aking pagsasalita dahil baka kung ano ang sumagi sa isip nito at masabing ganoon na lamang ang interes ko sa buhay ni Vernon. Baka pagmulan pa ito ng panunukso at nakakaloko nitong ngisi't titig.

Sa kabila ng kaniyang tindigang propesyonal at seryosong mukha ay ay hindi aakalaing maloko't palabiro ito.

"All I can say is what I know, what I've witnessed. If you have questions that I cannot answer, maybe it's for you to ask Vernon, Ms. Stellaluna." Sinserong aniya habang ang paningin ay nasa kalsada na mangilang beses na sumusulyap sa akin. Mababasa sa kaniyang mga mata ang takot.

"Can you tell me more about Saecho?" Napatikom pa ito ng bibig at mariinang lumunok. Huminga pa ng pagkalalim-lalim bago umpisahang magsalita.

"That man is feared by everyone who lives in that apartment. I always hear loud noises, sounds like someone is beaten up. From the morning 'til night, after my tiring job, all I can hear is his crying voice. I witnessed everything." Tumikhim ito bago muling magsalita.

"Vernon's mom is the owner of that apartment but with Saecho's actions, it seems like he owns it." Sarkastiko itong umiling at ngumisi. Sa ngisi niyang iyon ay balakid pa rin ang takot.

"I never tried to interfere because I'm afraid. Call me coward or what but I just want to stay away from trouble." Makahulugan siyang tumingin muli sa akin. May punto siya roon ngunit para sa akin, hindi mawawakasan ang pangmamaltrato ni Saecho kung walang boboses o aaksiyon.

"I don't know if he is under the influence of drugs." Napa-isip ako sa katagang iyon. Paano nga kung nasa impluwensiya ito ng ipinagbabawal na gamot? Hindi malayo ang kutob ko. Ngunit mas mabuting madakip muna si Saecho para mapatunayan kung posible nga iyon.

"That's all I can tell you, Ms. Stellaluna." Tipid siyang pilit na ngumiti sa akin.

"It's okay Mr. Park, thank you for telling me what you know about that man." Hindi maalis ang pangamba sa akin. Paano na lamang kung hindi ito mahuli ng awtoridad? Sa mga impormasyong nalaman ko, kahit na hindi buong kuwento ay alam kong malupit na tao si Saecho. Sa pagkukuwento't pagsasalita ni Mr. Park tungkol sa kaniya ay alam kong ganoon siya kasamang tao. May dahilan kung bakit siya ganoon, marahil pupwedeng dahil sa droga o maaaring sa ibang bagay.

"By the way, the cops will inform me when they finally tracked where Saecho is." Aniya matapos akong pagbuksan ng pinto ng sasakyan at makababa.

"Thank you, Mr. Park. I owe you one." Nagpalitan kami ng tungo at sabay na nagbigay ng tipid na ngiti. Hinayaan kong makaalis ang minamanehong sasakyan ni Mr. Park bago pumasok.

Nakakapagod ang araw na ito kumpara sa araw na binubuhay ko sa Pilipinas. Kakaiba ang takot at pangamba sa akin. Ganito ang takot na noon ay ibinaon ko na sa limot ngunit unti-unting nauungkat at nararamdaman ko dala ng buhay ng ibang tao.

Bawat pasilyo ng hotel ay pinapakiramdaman ko. Para bang sa isip ko'y biglang may aagaw ng buhay ko.

Narating ko ang suit namin na siya namang pagbukas ng pinto. Bumungad ang istrikta at sopistikadang mukha ni tiya Seliane. Para akong nilamig sa aking kinatatayuan. Ganito pa rin ang epekto ng mga mata niyang mistulang nanghuhusga. Napalunok ako ng husto.

Seoul Series #1: Affliction In Lotte WorldWhere stories live. Discover now