Kabanata 9

165 12 4
                                    

"You son of a b*tch!" Pilit kong hinila ang katawan niya para hindi muling lumatay ang nakaambang suntok. Matalim na napatitig sa akin ang matandang lalaki.

"Don't interfere here, child." Maririin at malalalim ang pagbigkas ng bawat salita. Binalot ako ng kaba sa mga titig na iyon. Para akong asong umamo at marahang nabitawan ang parteng damit ng lalaking kanina ay hila-hila ko. Nanatili ako sa kinatatayuan ko, hindi nagsasalita katabi ng lalaking estranghero.

Gulantang ako sa pangyayari. Wala akong nagawa kung hindi ang titigan ang kaawa-awang lalaking ngayon ay pinauulanan ng hindi mabilang na suntok ng kaniyang ama. Inilibot ko ang buo kong paningin at tanging mga puno at city lights ang nakikita.

Saan at kanino ako hihingi ng tulong?

"Stop!" Sigaw ko na nagpatigil sa matandang lalaki. Gumawi ito sa direksyon ko at unti-unting naglakad. Sa kaniyang pag-abante ay siya naman pag atras ko.

Nahinto ako dahil nasakop ko na ang kahuli-hulihang espasyo ng lugar. Napahawak ako sa railings nito.

Nakaambang ang palad niya para sa anumang oras na kaniyang pagsampal sa akin. Napapikit ako sa kaba at takot. Walang lumatay na palad, nagmulat ako at saksi ang aking mga mata kung paano nagpalitan ng suntok ang mag-ama.

Tumakbo ako papalapit. "Please, stop!" Hinila ko ang ibabang parte ng damit ng lalaking estranghero at matapang na humarap sa matandang nalugmok.

"You're too nosy, child." Anang ng matanda nang makatayo. Pinunasan ang namuong dugo sa gilid ng labi at mariin ang pagkakatitig sa akin. Naroon ang galit at inis.

Hinawi ng lalaking estranghero ang pagitan namin ng kaniyang ama at pumauna. Humarang siya tapat ko dahilan para makaramdam na naman ng mabigat na tensyon.

"If you can't respect Amelien, then there is no reason for you to stay in my house." Aniya habang unti-unting lumalapit.
"Respect her or else-"

"Or else what?" Humalo ang panginginig sa kaniyang boses.

"I will disown you." Gulat at wala sa sarili akong napalunok.

"Do it then! Disown me! You just proved yourself how worthless you are as a father!" Sigaw ng kaniyang anak.

Ilang segundo ng katahimikan. Walang nagsalita sa pagitan nila at tanging naririnig ko lang ay ang kanilang malalalim na paghinga.

"From this day on, I am no longer your father. Live on your own and don't you ever beg for my help." Mahinhon ngunit nando'n ang pagpipigil ng muling pagsigaw. Hindi muling lumatay ang suntok. Wala akong nasaksihang muling pag-ulan ng kamao. Sa halip ay dumukot ng pera ang matanda. Isinaboy sa mismong mukha ng lalaking estranghero.

Tumalikod na siya sa amin. Hindi ginawang lumingon sa kaniyang anak. Umasa ako na babalik siya at aaluhin ang nanlumong naupong lalaki ngunit hindi. Dire-diretsong naglakad ito papalayo sa direksyon namin.

Paano niya naaatim na itakwil ang sariling anak? Bakit may mga magulang na ganito?

Nanlambot ako sa sandaling makita kong isa-isa niyang pinulot ang mga perang nakakalat. Doon ko nakita ang unti-unti niyang pagkalunod sa sariling mga luha. Nakikita ko sa lalaking ito ang panahon ng kamusmusan ko.

Gumuhit ang hindi maipaliwanag na sakit sa aking dibdib. Hindi ko na kinaya pa't tuluyang dumaloy paakyat at umawas ang mga luha ko. Nanghihina kong nilapitan siya. Tumulong sa pagpulot ng nagkalat na pera.

Seoul Series #1: Affliction In Lotte WorldWhere stories live. Discover now