Kabanata 8

173 12 5
                                    

"You can't just disappear. There will always be someone who's waiting for you to come home, constantly waiting for your smiles." Sumilay ang tipid na ngiti sa akin.

Totoo naman ang sinasabi ko. Kahit na malugmok man at tuluyang madala sa pagkalunod, may mga taong nariyan para sa atin para tulungan tayong umahon. Hindi uusad ang buhay hangga't hindi natin tatanggapin na ang mga dati nating nakasanayan, unti-unting lilisan.

May nawala man at kung minsan ay hindi na babalik, nararapat nating itong tanggapin. Parte ito ng buhay na mangyayari't-mangyayari kahit pilit nating iwasan.

Hindi mo makakamit ang kaginhawahan hangga't mananatili lang sa nakaraan.
Tanggapin na lang natin na may mga taong darating at meron ding lilisan. Para sa susunod na hakbang na tutunguhin natin sa ating buhay, makakaya at mahaharap natin ito ng may buong lakas at tapang.

"You don't have any idea of what I'm going through, miss." Sa hindi mabilang na pagkakataon, tinalikuran niya na naman ako at umalis. Wala akong nagawa kung hindi ang sundan siya. Hanggang sa makalabas kami ay hindi niya na ako kinausap. Maging ang lingunin man lang ay hindi niya ginawa.

Sasagot na sana ako sa kaniya nang iwan niya na ako at dali-daling sumakay.

I'm still worried. At sa pagkakataong ito ay may nagpupumilit sa aking sundan siya. At ngayon, namalayan ko na lang ang sariling naghihintay sa isang paparating na taxi.

"Follow that car, please." Aniya ko nang makasakay at naupo.

"No English, no English." Iling na aniya sa akin ng taxi driver.

"Jeo chaleul ttalajuseyo." Pag-uulit ko. Tango lamang ang isinukli nito at tuluyan nang pinaharuruot ang sasakyan. Ilang metro na rin ang layo nito at posibleng hindi na namin pa maabutan.

"Sogdoleul nop-yeodo doelkkayo?" Anang ko kung maaari pa bang bilisan ang pagmamaneho. Gaya kanina ay tumango lang ulit siya. Mas binilisan nito ang pagpapatakbo gaya ng inutos ko. Pilit inaabot ang distansya ng papalayong sasakyan. Ilang minuto ng paghabol at pag-overtake sa mangilan-ngilang sasakyan ay naabutan rin namin ito. Kasalukuyang nasa likuran na kami at hinihintay na lang itong tumigil.

"Ulileul eodi?" Tanong ko kung nasaang lugar na kami.

"Seodaemun-gu." Hindi ko na alam ang lugar na ito. Akala ko ay nasa distrito pa rin kami ng Songpa-gu. Ngunit napadpad na pala ako sa malayong distrito, ang Seodaemun-gu. Kaya pala halos kalahating oras na rin ang itinakbo ng sasakyan.

Hindi ako pamilyar sa bawat parte nito. Wala na akong kaide-ideya kung saang parte ako ng distrito naririto.

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang pagkalaki-laking gate. Sinenyasan ko ang driver na tumigil sandali. Mukhang mayayaman ang nakatira rito. Kung ipagpapalagay ay nagmukha itong villa dahil hindi lang sa malalaki ang mga bahay na makikita, pati maging ang agwat ng mga bahay ay metro-metro ang layo.

"Gamsahamnida." Pasasalamat ko matapos bumaba ng sasakyan. Ilang minuto ko pa itong pinaghintay dahil tyinempo ko na papasok ito na siya naman paglabas ko.

Balak ko na sanang pumindot sa timbre ng tarangkahan nang maaninaw ko ang papalabas na pigura ng isang lalaki. Sa mas dumilim na langit ay nagmistulang anino ang papalapit. Hindi ko maaninaw ang mukha dahil na rin sa paglakad-takbo ngunit paniguradong ito ang lalaking estranghero.

Seoul Series #1: Affliction In Lotte WorldWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu