Kabanata 3

188 13 43
                                    

Habol ang hiningang namulat ako. Tagaktak ang mga pawis, maging sa aking noo. Panaginip. Panaginip lamang iyon. Naramdaman ko ang muling pagtakas ng luha sa mga mata ko at madaliang pinunasan. Panaginip lang ito ngunit nag-uumapaw ang sakit sa dibdib. Pigil ang pag-impit ng aking pag-iyak. Bakit parang sa isipin ko ay totoo? 'Di mabilang ang saksak sa dibdib na nagdudulot ng sakit nito sa akin.

"Gising kana pala. Halika na't mag-almusal," bungad sa akin ni mama habang kumakain. Wala sa akin ang kaniyang paningin at titig lang ito sa tasang nakapatong sa maliit naming lamesa. "Pagkatapos mong kumain ay mamamasyal tayo. Ibibili na rin kita ng bagong damit."

"Talaga po?" Napabangon ako sa pagtataka. May parte sa akin na nagtataka ngunit mas lamang sa akin ang pagkagalak.

"Bingi lang? Oo nga! Bilisan mo na d'yan, naghimatay-himatayan ka lang siguro kahapon para hindi kita mabugbog," kung ganon ay nahimatay ako? Wala sa intensyon kong maghimatay-himatayan. Siguro nga ay nahimatay ako kahapon.

"Akala mo ba'y nakalimutan ko ang ginawa mo kahapon? Istorbo kang bata ka. Imbes na malaki ang kikitain ko, kalahati lang ang ibinigay sa akin." Oo nga pala. Biglang lumitaw ang pigura ng mama sa aking isip. Parang pinipiga na naman husto ang puso ko.

"Sorry po," hindi ko ako nagpahuli sa titig ni mama. Sa ganitong sitwasyon, paniguradong kukunin niya ang latigo n'ya't dadalhin ako sa maruming silid na iyon. Sa takot ay napayuko ako at naisiksik ang sarili sa bangkong kahoy na pinaghigaan ko.

"Sige na, bilisan mong kumain. Maligo ka ng maayos at amoy ko ang bahong meron ka." Nakakapanibago ang inasta ni mama. Nakakapagtaka. Pero masaya ako. Sana ay ganito palagi si mama. Kung panaginip man ito, hindi ko na pipiliing magising pa.

••

"Saan po ba tayo pupunta?" Sa aking palagay ay isang oras na kaming bumabyahe. Sa tingin ko ay sa kabilang bayan na ito. Hindi pamilyar sa akin ang lugar at madaraanan. Nasa siyudad na kami.

"Sa mall." si mama.

"Talaga po?" Parang nanginang ang mga mata ko. Nangangati ang pwet kong tumayo at pumara. Ito ang kauna-unahang makakapasok ako sa mall. Sabi na eh, mahal talaga ako ni mama!

"Bingi na naman? Paulit-ulit?" Kamot-ulong nangiti ako kay mama. Inikutan niya ako ng mata at muling tinuon ang paningin sa unahan. "Tumahimik ka diyan." aniya ni mama habang nakatalid sa akin. Naging ignorante nanaman ako. Mangha kong tinanaw ang matataas na mga gusali, magkng ang kalsada ay pinuno ng iba't-ibang klaseng sasakyan.

"Wow!" Manghang natingala ko ang kabuuan ng loob ng mall. Ganito pala ang pakiramdam ng makapasok rito. Malamig at presko sa katawan. Pwede kayang tumira rito? Kung pwede man, magkano kaya?

"Halika rito," wika ni mama. Nasa loob na ito ng isang bilihan ng damit. "Gusto mo ba?" Aniya sa akin matapos akong makalapit. Itinapat sa akin ang isang ternong damit. Hindi ako nakasagot. Sa halip ay tiningnan ang isang maliit na papel na nakasabit roon. Limang daan?

"Mahal po, mama." Mabilis ang pag-iling ko. Sa halip na ibalik ni mama ang pares ng damit sa sabitan,inilagay niya ito sa kulay asul na basket. Kasama rin kaya ang basket na iyan sa bibilhin ni mama? Pwede rin iyong paglagyan ng ulam na isasabit sa taas ng kisame ng kusina namin. Pwede ring lalagyan ng mga paninda ko.

"Miss, may iba pa kayong pares ng damit? Kukuha ako ng lima." Nganga kong sinundan ang babaeng inutusan ni mama. Bumalik ito na hawak nga ang mga pares ng damit. Kung ang isang pares ay limang daan, kung ita-times pa sa lima, dalawang libo't limang daan ang babayaran ni mama.

Seoul Series #1: Affliction In Lotte WorldWhere stories live. Discover now