3| Typhoon Signal Number Ten: Selene

565 32 6
                                    


"Good morning!" Selene energetically greeted. Pawis na pawis s'ya at mukhang katatapos lang mag-exercise.

"Morning," I yawned. "Nag-jogging ka?" I asked my sister.

"Yep. D'yan lang sa backyard n'yo. Paikot-ikot lang." Selene giggled.

It's already her semestral break from school, at gaya nga ng sabi ni Mommy, dito napili ni Selene gugulin ang bakasyon n'ya. Kahapon lang s'ya dumating at mukhang nakapag-adjust na agad s'ya. Mukhang komportable na agad s'ya dito sa bahay.

"What would you like for breakfast?" I asked my sister as I walked towards the kitchen.

"I already prepared the salad and some healthy smoothie. Nag-research ako ng best for breastfeeding Moms," Selene proudly said. "The rest, ikaw na ang bahala. Whatever regular na kinakain n'yo ni Kuya Lev."

"Can you check on Stan for me?" I smiled to my sister. Nang silipin ko si Stan kanina sa crib ay tulog pa s'ya.

"Of course!" Selene giggled. "I'll make silip to my Constantine then I'll ligo na. Sarapan mo luto mo a!"

Naiiling na natatawa na lang ako sa kapatid ko. I started preparing for our breakfast. Alam ko na madami talagang kumain si Selene ng breakfast.

Saktong tapos na akong magluto nang dumating si Levin galing sa palengke. May mga binili s'yang pagkain at iniayos n'ya na 'yon sa ref at cupboards. I helped him move around our kitchen.

"Parang ang dami mo namang binili ngayon," puna ko habang inaayos ang mga gulay.

"Yeah. Selene requested that. Hindi ko nga sigurado kung wala ba akong nakalimutan." My husband chuckled.

"Gising na si Selene kaninang umalis ka?" Gulat na tanong ko. Alam ko naman na maagang nagigising si Selene pero hindi ko alam na sobrang aga pala. Before four in the morning ay umaalis na si Levin ng bahay.

"Nauna pa nga s'yang magising kaysa sa akin. Baka namamahay?" Levin suggested. "Liligo na ako para mapaarawan ko na si Stan."

"Don't bother. Alam ko naman na si Selene na ang mag-vo-volunteer n'on. Saka baka d'on din 'yon naliligo sa kwarto natin."

Levin took a seat on the table. "Pag-iipunan ko nang mapalagyan din ng hot and cold shower at bathtub sa guest room."

"Unahin na muna natin ang mahahalagang bagay, Levin. Bihira naman na may gumagamit ng guest room. Hayaan mo 'yang si Selene. Maarte naman talaga 'yan. Sila Mom at Dad nga walang reklamo." I chuckled.

Levin sighed. "Nakakahiya lang kasi."

"Don't," I warned him. "Saka na natin ipaayos ang gusto nating ipaayos dito sa bahay kapag malaki-laki na si Stan. Ayoko nang magulo at makalat kung magpapagawa tayo sa ngayon. Renovations need time and attention."

"You got a point there," Levin smiled. "Maganda naman ang takbo ng grocery natin. Baka next year makapagpatayo na tayo ng isa pa ulit."

"You got your golden hands. Kahit ano yatang negosyo ang hawakan mo, uunlad." I smiled at him. At hindi ko naman s'ya binobola. Even my father is proud of him. Halata naman na nasasayangan si Daddy na tumalikod na si Levin sa malalaking negosyo.

An executive position in AGC, our family's company has been offered to my husband. And he turned it down because he said he wants to focus on our starting family first.

Levin laughed then made face. "What I'm thinking is you. Gusto mo ba na ganito tayo hanggang tumanda tayo? Na nandito lang tayo?" He reached for my hand then gave it a tight squeeze. "I am worried about you, Tria. Hindi kasi ganito ang kinasanayan mo. I love this life and its simplicity, but I know that you belong somewhere else."

HALCYONDonde viven las historias. Descúbrelo ahora