2| Mr. McKinsey

612 32 7
                                    


"Mukhang sanay na sanay ka na talaga sa mga ganito," Mommy said with a gentle smile on her face. "I never thought that you will choose a role of a domesticated woman. I always knew that you fit in the business world, Tria. But I am happy seeing you this dedicated and happy with your family."

Nasa kusina kami at naghahanda para sa agahan ng lahat. Levin is still on the grocery, pero pauwi na din siguro s'ya. Araw-araw ay gumigising s'ya nang alas kuwatro ng umaga at magkakape lang bago tumungo sa palengke para magbukas ng tinadahan namin. Alas sais y media ay babalik s'ya dito sa bahay, oras ng dating ng manager na kinuha n'ya, at s'ya ang nagpapa-araw kay Stan habang ako naman ay naghahanda ng agahan namin. Matapos ang agahan ay tutulungan n'ya akong mag-alaga kay Stan habang naglilinis ng bahay.

Bandang alas onse ay magsisimula na akong maghanda para sa tanghalian. Matapos makapagluto ay paliliguan ko na si Stan at kakain kami kapag nakatulog na ang bata. Kung hindi matutulog si Stan, pauunahin ko nang kumain si Levin dahil babalik pa s'ya sa grocery para humalili sa manager na mag-la-lunch break. Bandang alas dos ay uuwi na ulit si Levin para mag-alaga kay Stan para magkaroon ako ng oras sa sarili ko. Alas kuatro ay babalik ulit s'ya sa grocery dahil oras na ng uwi ng manager at mananatili na s'ya doon hanggang alas siete, oras ng pagsasara ng grocery. Kapag Linggo ay mula alas otso hanggang alas dose lang bukas ang grocery at sumasama kami ni Stan kay Levin dahil dumederetso kami ng pamamasyal sa hapon.

I smiled at my mother. "Nasanay na din ako sa ganito, Mommy."

Twice a month ay bumibisita sila Mommy at Daddy dito sa amin. They're staying from Friday night to Monday morning. Kaya every other weekend ay expected namin na nandito sila at nagbabago ang routine namin. Dahil may kasama ako dito sa bahay, hindi na pauwi-uwi si Levin dito sa bahay. Madalas ay si Daddy na ang sumasama sa kanya tuwing Linggo at dito lang kaming apat sa bahay matapos masara ang tindahan.

"Hindi mo na-mi-miss ang magtrabaho?" May halong panunukso na tanong ni Mommy. She's helping me prepare the ingredients for my adobo.

I shrugged. "I am still working, Mom. Hindi na lang ako pumapasok sa opisina pero tumutulong pa rin naman ako kay Carrack sa trabaho n'ya. I am helping him to evaluate and scan every proposals. I am like a consultant to him."

"You're a hands on mother, how can you still find time for that?" Mom inquired. "Sabi ko naman na kumuha na kayo ng househelps."

"Mommy, Stan is turning four months in few days time. We managed for two months living on our own. Okay lang kami. And Levin is helping me out in everything. At saka nasa stage naman na si Stan na palagi s'yang tulog."

"You're a breastfeeding mother, Tria. I know na palaging pagod ang pakiramdam mo. Hindi naman biro ang magpadede," giit ni Mommy. "Kahit isang kasambahay lang ay kumuha kayo. Tagaasikaso lang dito sa bahay."

"Mommy, I know that you're worried. Promise, kapag hindi ko na kaya, I'll opt for that. But for now, let me handle this, okay?" I gave her a smile of assurance. "I love doing things for this household. Saka inaalagaan naman ako ni Levin. He lets me sleep form time to time. Sa gabi, kung hindi naman dede ang hanap ni Stan, si Levin din ang nag-aasikaso sa anak namin."

"What about the laundry? Linis ng bahay?"

I chuckled. "Ako ang naglalaba ng mga damit ni Stan, pero ang mga damit namin ni Levin at mga kumot at kurtina ay ipinapalaba namin sa kapitbahay. I am always vacuuming the floor and the carpet, at si Levin ang nagma-mop kapag umuuwi s'ya ng hapon." Natawa na talaga ako sa mga pinag-aalala ni Mommy. "Seriously, Mom, there's nothing to be worried for."

Mom sighed then resumed chopping the garlic. "Alam ko naman kasi na hindi ka sanay sa mga gawaing bahay, Tria. You were groomed for the business."

"It was hard at first, and I have to consult the internet all the damn time, but I eventually got the hang of it. My husband was patient and supportive all the way. 'Yong mga luto ko dati, kahit hindi masarap, kinakain naman n'ya." I giggled.

HALCYONWhere stories live. Discover now