xlii.

26.8K 1.1K 184
                                    

Callie's POV 

1 month ago 

The moment I regained consciousness, I felt as if I had awoken from a long deep slumber. Napatingin ako kay Dylan na naka-upo sa tabi ng kamang kinahihigaan ko. Nakadantay ang ulo niya sa tabi ko habang nakahawak sa kamay ko.  Gumalaw ako saglit kaso naalimpungatan siya sa ginawa ko at tumingin sa akin.

"Callie?" Kinusot niya yung mga mata niya at parang naninigurado kung gising ba talaga ako.

Nginitian ko siya at saka ko siya hinawakan sa mukha at marahang hinaplos ang pisngi niya. What happened to him? Bakit namumula ang mga mata niya? 

Nanlaki ang mga mata niya nang masiguro niya na gising nga talaga ako kaya nagulat ako nang bigla niya akong yakapin nang sobrang higpit. What's with him? Bakit kung makayakap siya parang mawawala ako?

"Thank God you're awake," he whispered against my ears and sighed in relief. Ipinatong niya yung ulo niya sa balikat ko at 'di pa rin bumibitaw.

Then the unexpected thing happened. Pakiramdam ko namamasa yung leeg ko kung saan nakasiksik yung mukha niya. Is he crying? Wait. Dylan, the first prince, is crying?! 

Nanlaki yung mga mata ko at inilayo ko siya mula sa akin. "Where's our baby? May nangyari ba sa kanyang masama? Why are you crying? Please tell me something." Natataranta ako dahil umiiyak siya. Pakiramdam ko may masamang nangyari sa anak namin.

Ngunit umiling siya at niyakap niya ulit ako. Then why is he being like this?

"Kung gano'n, bakit ka umiiyak?" nalilitong tanong ko. Hinagod ko yung likod niya para kumalma siya. May nangyari ba habang nakatulog ako? Dylan is the least person I expected to cry kaya labis akong nagtataka. I know there must be a great reason why he's crying.

"I almost l-lost you." His voice broke and he hugged me even tighter. 

Natigilan ako sa sinabi niya. What does he mean by that? 

"Your heartbeat stopped for 30 seconds because your body was unable to cope with the stress." 

Wait, so he meant that I almost . . . died?

"But I know you're brave. You fought well, my Callisia." He kissed my brow, nose, and all the way down to my lips. Ipinagdikit niya yung noo namin at saka siya pumikit. "I fucking love you so much."

Seeing that he stayed with me throughout this, I can't help but hug him back, even tighter. "I love you, too."

Nagbukas yung pinto at saktong pumasok si mama at yung kapatid ko at nakabuntot sa likuran nila yung mga kapatid ni Dylan. Lahat sila natigilan nang makita akong gising, nabitawan pa ni Dallas yung hawak niyang mga pagkain kaya sinapak siya nang mahina ni Damien.

"Callie!" Naiiyak si mama na lumapit sa akin. Tumabi naman agad si Dylan para mayakap ako ni mama. "Salamat at gising ka na . . ." Hindi makapaniwalang sabi ni mama.

Sa totoo lang, 'di ako makahinga sa higpit ng pagkakayakap ni mama ngunit 'di na ako nagreklamo dahil alam ko kung gaano siya nag-alala para sa'kin.

"Ma, alam mo namang mahirap mamatay ang masamang damo, 'di ba?" pang-aasar ng kapatid ko.

Hindi ko alam kung nag-aalala ba 'tong lalaking 'to para sa akin kaso napangiti ako nang makita ko yung mugto niya ring mga mata.

"Sus, umiyak ka rin dahil nag-aalala ka sa akin 'no?" pag-aasar ko kaso inirapan niya lang ako. Bwisit talaga 'to.

'Di ko rin inaasahan na nandito Aling Nelia. Niyakap niya rin ako nang mahigpit at kinamusta niya ako. Pagkatapos 'non ay isa-isang lumapit sa akin mga kapatid ni Dylan at niyakap nila ako. Medyo alanganin pa nga sila dahil ang sama ng tingin ni Dylan sa kanila.

It All Started With The Royal's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon