xxix.

22.2K 1.3K 189
                                    

After the preparation, may mga guest ng dumating. Around 10 ang estimation ko pero yung handa pang isang angkan na. Umakyat muna ako para kunin na yung maleta ko habang wala si Steph sa kanyang kwarto.

Nasa baba silang lahat para i-entertain ang mga bisita and when I say party, literal na party. Maraming  mga alak sa baba at sa tingin ko halos lahat sila ay lasing. Medyo hindi ko lang inaasahan kasi akala ko kainan lang, chill ganon. Ang pinagkaiba lang siguro eh hindi yung tipong walwal kung saan makalat.

Nakuha ko na yung maleta ko at napatingin ako sa oras. Alas diez na ng gabi. Hindi ko lubos na aakalain na magtatagal ako ng ilang buwan dito sa bahay na 'to at hindi ko rin alam kung anong inaasahan kong magiging kalabasan ng naging desisyon ko na tumira dito. But I guess this is the end. Malalaman ko na rin kung sino ang tatay ng anak ko. 

Kahit papaano ay napalapit na rin ako sa kanila at nasanay na ako sa kalakihan ng bahay at ang mga pasikot-sikot dito. Pumasok ako sa guest room na tinutuluyan ko at kinuha ko rin yung iba kong gamit. Umupo ako sa kama at tinupi ko yung ibang gamit ko. I guess I'm really leaving now.

Binuksan ko yung maleta ko at nakita ko yung laptop ko. Bigla ulit kumabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi ko alam kung handa ba akong malaman kung sino ang ama ng batang 'to. Pero hindi ba ito yung rason kung bakit ka nandito, Callie?

Sh*t. Gusto kong malaman. Kating kati na ako malaman kung sino yung lalaki nung gabing 'yon pero ba't ako natatakot? Kung isa man sa kanila ang ama, ano na ang mangyayari pagkatapos? Anong sasabihin ko? Ipagtatapat ko pa ba sa kanya na siya ang ama ng anak ko? Pero paano pag wala sa kanila?

Ang plano ko noong una ay iwan ang bata sa kung sino man ang magiging ama niya. Akala ko kasi hindi ko kaya. Akala ko hindi ko maibibigay sa batang 'to ang pagmamahal ng isang ina.

Pero nagbago 'yon. Nagbago ang isip ko. Hindi ko kayang iwan ang batang 'to.

Napahigpit ang hawak ko sa laptop ko at nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko na ba yung file ngayon o sa bahay na. Hindi ako mapakali. Lumalamig yung mga kamay at paa ko sa kaba kaya ibinalik ko ulit ito sa lagayan niya at isinara na ang maleta ko.

Sa tingin ko mas mabuti na malaman ko ito sa bahay. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang ama ng batang 'to kapag isa sa kanila ang lumabas sa resulta.

Lumabas ako saglit para magpahangin kaso hindi ko inaasahan si Stephanie at Dylan sa hallway. Nakapulupot ang braso ni Steph sa leeg ni Dylan at hindi ko alam kung bakit naiinis ako dahil ang lapit ng katawan nila sa isa't isa. Aalis na sana ako kasi hindi ko maiwasang marinig yung pinag-uusapan nila.

"Dylaaaaan!" she hicupped. Clearly wasted. "kiss me, please?" she purred. She's looking at him hungrily. So far from her sweet and innocent image. 

"I know you miss me  . . . you miss my body." Kinuha niya yung kamay ni Dylan saka niya ito inilagay sa katawan niya. 

Napatingin ako kay Dylan. Hindi ko alam kung lasing din siya pero hindi niya pinipigilan si Steph sa ginagawa niya.

I want to grab her hair and push her away from him but I know I don't have the rights to do that. 

"Steph, you have visitors downstairs," he reminded him. Tinanggal niya yung braso ni Steph na nakapatong sa dibdib niya kaso hindi siya bumitaw. 

"Who cares? Kiss me like you did a while ago."

A while ago?

Napako ako sa kinatatayuan ko hanggang sa nilapat ni Steph ang kanyang labi sa leeg ni Dylan. Naiinis ako sa sarili ko kasi alam kong wala akong karapatan para magselos.

It All Started With The Royal's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon