xxxiii.

24.7K 1.2K 326
                                    

Anim na buwan bago ako umuwi dito sa probinsya, nagpalit ako ng phone at sim card at sinigurado ko rin na walang makakaalam kung saan ako pupunta bukod kay mama. Nagpalipat-lipat rin kami ng sasakyan para mas sigurado sakaling may nakasunod sa amin. Hindi ko rin alam kung bakit ko naisip yung posibilidad na 'yon pero base sa sinabi ni Dallas, hindi 'yon malabong mangyari.

Paniguradong pati siya ay nagtataka kung bakit hindi ko siya tinatawagan o text man lang hanggang ngayon.

Bakit nga ba ako nagpapakalayo? 

Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit ba ako tumatakas sa kanila o ayaw kong ipaalam sa kanila kung nasaan ako pero ang alam ko lang ay hindi pa ako handa. Hindi pa ako handa na harapin siya. At isa pa, may silbi pa ba para sabihin sa kanya lalo na't ikakasal na siya sa iba? Oo, sinabi niya na nagpapanggap lang sila ni Stephanie pero halatang mahal na mahal siya ni Stephanie at ganoon din si Dylan. 

Ang plano ko ay dito muna ako sa probinsya mananatili ng ilang taon. 

Gusto kong gumawa ng panibagong buhay dito kasama ang anak ko. Anim na buwan at medyo napanatag ang look ko hanggang sa nakita ko ulit yung lalaking 'yon at naalala ko na ang pangalan niya. Travis, Dylan's personal guard. Dalawang araw na ang nakalilipas pero ngayon ko lang din naramdaman na parang may nakamatyag sa mga bawat kilos ko.

Mas lalo pa akong nabahala dahil ngayon ko lang napagtanto kung anong ibig sabihin nung symbol na nakadikit sa sticky note noong may nagpapadala ng pagkain dito sa cottage.

Kaya pala pamilyar sa akin yung simbolo na 'yon dahil ilang beses ko na itong nakita sa singsing nilang magkakapatid. It's their family crest symbol. Bakit ngayon ko lang naalala eh ilang buwan na akong nakatira sa kanila? 

Napahinga ako nang malalim at itinuon ko yung atensyon ko sa paglilipat ng mga rosas sa magkakaibang vase. Alam kong darating din ang panahon na kailangan ko silang harapin dahil hindi naman ako habambuhay na magtatago. Kaso paano? 

"Dylan?"

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at napalingon agad ako sa pinto. Napahigpit bigla ang hawak ko sa rosas na hawak ko. Hindi ko namalayan na may mga tinik pa pala itong rosas kaya agad ko itong binitawan at napatingin sa kamay kong may sugat na.

"Dylan,  bibili ka ba ulit ng bulaklak para sa asawa mo?" tanong ni Aling Nelia.

Asawa?

Tiningan ko ulit yung taong kakapasok sa shop. Magkapareho nga sila ng pangalan pero magkaiba sila ng mukha. Yung lalaking nakatayo ngayon sa shop ay may kaedaran na at malayong mas maliit kumpara kay Dylan. 

"Isang bouquet po ulit ng mga pulang rosas, Aling Nelia."

"Ang swerte talaga ng asawa mo sa'yo, Dylan."

"Nako! Nagkakamali po kayo. Ako nga po ang swerte sa kanya dahil siya ang napangasawa ko. Nagpapasalamat ako araw-araw dahil siya ang babaeng naiharap ko sa altar at pinangakuan ng habambuhay na pagmamahal at sobrang swerte ko dahil siya ang ina ng aking mga anak."

"Masyado na yata akong matanda pero kinikilig pa rin ako sa inyo!" tugon ni Aling Nelia kay Dylan.

Nagpaalam ako saglit at pumunta muna sa banyo para hugasan 'tong kamay ko na dumudugo. Inangat ko ang aking ulo at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Bakit kaya kahit saan ako lumingon, palagi ko siyang naaalala? At bakit ganito? Pakiramdam ko kahit bawat paghinga ko ay alam din niya? Napra-praning na ba ako?

***

[TRIGGER WARNING: SEXUAL ABUSE, DRUGS & DEATH]

Tinakpan ko yung bibig ko para pigilan yung ingay na pilit kong itinatago. Hindi ako makahinga sa sobrang kaba. Natatakot ako at unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa. Pakiramdam ko nasa isa akong bangungot na hindi na matapos-tapos. Kanina pa ako nakakarinig ng mga salitang 'patay na sila' at nasusundan ito ng mga tawang mala-demonyo. 

It All Started With The Royal's BabyWhere stories live. Discover now