Not For Long

109 2 0
                                        

"Uwi ka na," sabi ko kay Uclid nang may halong harot.


Nakadapa ako ngayon sa sofa sa bahay habang kinakausap ang kaibigan ko sa pamamagitan ng pagvivideo call. Pakiramdam ko ilegal 'tong ginagawa ko kahit nag-uusap lang naman kami. 

May gusto na yata ako rito sa bestfriend ko.


"Someday, I'll be able to come home to you whenever I feel like it. For now, we'll stay like this," natawa siya.

"Stay like ano? Parang LDR? Sa totoo lang, tayo lang ata ang hindi nagkaka-ilangan kahit ilang taong hindi nagkita," pagpansin ko habang nakatitig sa mukha ko sa screen at hindi sa mukha niya. Tinitignan ko kasi kung anong itsura ko kahit mata at noo ko lang ang kita niya.


Nakakainis talaga kapag magkalayo ang dalawang tao. Ang bilis magkadevelopan! Ewan ko sa kanya pero para sa'kin nakakatuwa yung thrill sa pagiging kakaiba ng pagkakaibigan namin tapos magkalayo pa kaya medyo nagkakacrush na ako sa kanya.

Hindi rin naman ako lugi noh!



"Maybe it's because we're opposites that really clicked? Am I making sense? It's so cliche that we were together for some time during childhood and we're still keeping in contact 'til now," pagtawa nanaman niya.

"Tawa nang tawa. Gusto akong asawahin," pagbibiro ko na mas nagpalakas ng tawa niya.


Hindi ko na rin napigilang mapangiti at sumipa-sipa sa kilig habang nakikita siya sa screen. Nakaupo siya sa harap ng computer table, as usual. Black hair slicked back dahil kakaligo niya lang. Plain maroon shirt lang ang suot niya pero maayos ang itsura. Kapag tumatawa siya, nanginginig yung phone na hawak niya sa isang kamay at naniningkit ang mga mata hanggang sa mukha na siyang nakapikit.


"See you soon, Scythe," malambing na sabi niya.

 _____


"May gwapo sa klase natin," Diana teased.

"Oh, ano naman? Irereto mo sa'kin? Huwag na noh!" singhal ko. 

"I was just stating the fact that we really have so many good-looking classmates!" sagot niya habang itinataas-baba ang kilay. 


Kumunot ang noo ko bago siya tinignan nang masama. Sa limang taon na pagkakaibigan namin, ilang lalaki na yata ang naireto niya sa'kin na hindi ko naman pinansin. Bakit pa eh may Uclid na? Hindi nga lang alam ni Diana dahil hindi pa sila nagkikita. Elementary pa lang ako nung nagkakilala kami ni Uclid at nasa ika-11 na baitang na ako ngayon kaya matagal-tagal na rin. Mas matanda siya pero lamang ako ng isang taon sa pag-aaral. 


"Kailan try-outs ng cheerdance?" tanong ko dahil captain si Diana ng team namin. Intercampus lang naman ang labanan at nangyayari 'yon tuwing intramurals pero hindi pwede ang liftings dahil kulang din kami sa facilities. Ang dami ring campus ng school namin. May Plaza o tinatawag ding Science High dahil mas advanced ata turo roon, North, South, East, at ang campus namin, West. 

"Next week, babe. Ready ka na lumipad?"

"Anong lumipad? Pwede na bonggang liftings?" gulat na ani ko. 

"Oo. That's what you're waiting for, right?" 

"Pinagpala yata ako."


Why Don't U Marry Me, Then? (Warles Siblings #3)Stories to obsess over. Discover now