Hindi rin niya makalilimutan ang reaksyon ng kaibigan sa tuwing natitikman nito ang luto niya. She could even remember his moans while eating na tila ba nakikipagtalik ito.

"A-ang sarap----" Vice's usual reaction tuwing sinisimulang kainin ang niluto ng kaibigan.

"Vice, tigilan mo nga. Ang baboy mo."

"What? I'm just enjoying the food!"

"Required ba na umungol?"

"Bakit? Hindi ka ba napapa-ungol pag masarap----- aray, Karylle! Pag masarap yung ulam! Teka lang kumakain ak--- aray!!!"

Wala sa sariling napangiti si Karylle nang maalala ang simple ngunit hindi makalilimutang harutan nila ng kaibigan. Everyone admires their friendship--- na kahit nga si Anne na paboritong kasama ni Vice ay minsan ng nagselos sa pagiging close nila.

"Pinagbigyan na kita sa Adobo mo. Ako naman ang pagbigyan mo,"

"Ay, Karylle! Marupok ako, pero never ko naman atang ibibigay ang katawan ko kapalit ng adobo mo."

"Who the hell told you na hihingin ko ang katawan mo?"

"Ay hindi ba? Sayang naman,"

Those lines. Kung ibang tao ang magbibitaw non, baka nabwisit na siya--- pero iba si Vice e. He has this 'something' that she couldn't resist. Na tila ba kahit annoying na sa paningin at pandinig ng iba, okay lang sa kaniya. That's his power.

"Anong hiling mo ba?"

"Sinigang! Gusto kong matikman yung sinigang mo,"

"Seryoso ka na ba diyan? Wala ng atrasan?"

"Wala na. Let me taste your sinigang."

At hanggang ngayon, hindi parin niya mawari kung bakit tanging halakhak lamang ang naisagot sa kaniya ng kaibigan upon saying her small request.

Agad na bumalik sa wisyo si Karylle nang marinig ang sunod sunod na pagtunog ng cellphone. Mabilis niyang pinatay ang stove at hinango ang nilutong ulam. She then reached her phone and answered the call.

"Hello, Archie?"

"Ma! May gusto daw ba kayo ng bata?" Archie asked her. "Balak kasi ni Meme na magpadaan sa resto to take out foods."

"Tell him nagluto ako ng Adobo, baka gusto niya?"

"Meme, gusto mo daw ba ng Adobo? Karylle prepared foods pala e." ofcourse it was Archie, asking Vice kung gusto ba nito ang prinepare ni Karylle.

Ilang segundi na ang nakalilipas ngunit hindi parin siya nakakakuha ng sagot mula sa binata.

"Pero kung ayaw naman niya ng Adobo, okay lang din naman. You can take out kung ano mang foods ang gusto niya, basta makakain siya."

"Diretso na tayo ng uwi. Namimiss ko na yung anak ko,"

"Hindi na tayo bibili ng foods?"

"Diba sabi mo nagluto na si Karylle?"

"Oo nga,"

Lihim na napangiti si Karylle nang marinig ang usapan na iyon nila Vice at Karylle. Vice still sounds a bit hoarse ngunit mas masigla na ang boses nito kung ikukumpara sa nakaraan nilang pag-uusap.

"Aysus. Namiss ang adobo ni labs--- aray potaka."

Mula sa kabilang linya ay rinig ang tawanan ng mga bakla na malamang ay dahil sa pananakit nanaman ni Vice sa kaibigan.

Lacking BrightnessWhere stories live. Discover now