twenty one

3.8K 247 75
                                    

















twenty one


















December 25, 12:00 am




"Merry Christmas!" everyone said as they all lifted their glass with wine, ready to cheers.

Si Snow na hindi pwedeng uminom ng wine ay binigyan na lamang ni Vice ng glass filled with juice na kakulay ng iinumin nila. She doesn't want orange flavor nor pineapple, dahil hindi naman daw iyon same with what they are drinking.

"Merry Christmas, baby ko!" Vice greeted his daughter sabay bigay ng halik sa magkabilang pisngi nito.

"Mewwy Chwistmas Adi." she greeted back.

Vice turned to Terrence and gave him a quick kiss on the lips. Yes, he invited Terrence to come over his house to celebrate Christmas with his family. If it's okay with them? Hindi na niya tinanong. Hindi rin naman niya naramdamang against ang pamilya sa pag-imbita niya sa nobyo. Nanay Rosario even welcomed him with a big hug.

"Nay! May ibibigay ako sa 'yo," excited na sabi ni Vice as he pulled his mom mula sa mga kapatid niya.

When Vice clapped his hands ay agad na lumapit si Buern to give him his Christmas gift para sa ina. He was now holding a small red box.

"Para hindi na tayo nag-aaway sa hikaw ko," tumatawang sabi ni Vice as he revealed what's inside the small box. Napahalakhak nalang din ang ina nang makita ang hikaw na kaparehong-kapareho ng suot ni Vice. "Hindi ko pa 'to bayad kaya wag mo munang isusuot."

"Siraulo ka talaga," komento ni Babot sabay hampas ng mahina sa kapatid.

"Charot lang! Ako na magsusuot sa 'yo nay."

Maingat na tinanggal ni Vice ang hikaw na suot ng ina. She has been wearing it for almost a year now. Hindi naman magawang bilhan ni Vice ang ina dahil nasa Pilipinas ang matanda at nasa Canada siya. Simula nang magkatrabahobay ipinangako na niya sa sarili na siya na ang bibili ng kahit anong bagay na gustuhin ng ina. He'll make sure to buy all her needs and wants; kagaya ng pilit nitong ginagawa para sa kaniya noong bata pa siya.

Matapos isuot sa ina ang hikaw na regalo ay inisa-isa narin ni Vice ang pagbibigay ng mga regalo niya sa mga pamangkin, sa mga kapatid, sa mga kaibigan at kahit sa mga kasambahay niyang araw-araw siyang pinagsisilbihan.

"Babe," he called sabay abot ng dalawang paper bag sa nobyo.

"Vice, napag-usapan na natin 'to diba?" bulong ni Terrence.

"Pagbigyan mo na 'ko. Christmas naman ngayon o! Tanggapin mo na 'to," nakangusong sabi ni Vice.

Simula kasi nang magkabalikan ang dalawa ay pinipilit ni Terrence na maging praktikal. He told Vice na bawasan ang pagbibigay ng mga mamahaling bagay lalo na kung hindi naman niya kailangan. Kung may gusto man siya, he wants to buy it with his own money.

"Thank you," Terrence thanked him dahil nahihiya rin naman siyang hindi tanggapin ang binibigay ng kasintahan. "Here! This is also for you,"

Inabot ni Terrence ang maliit na paper bag kay Vice. Without waiting for more minutes, mabilis na binuksan ni Vice ang paper bag at napanganga nang makita ang isang set ng pandora jewelries.

"Hindi 'yan kasing mahal ng mga jewelries na ginagamit mo, but I still want you to wear them." nahihiyang sabi ni Terrence.

Life for him in Canada isn't easy. Nang pumunta siya roon ay wala talaga siyang kaplano-plano. He just went there to find Vice and to win him back. Natatakot man dahil walang kasiguraduhan ang magiging buhay niya roon ay sinubukan parin niya. Naghanap siya ng mapagkakakitaan upang kahit paano'y makatulong kay Vice at mabili narin ang mga pangangailangan niya. Hindi gaano kalaki ang sinasahod niya sa Canada kung ikukumpara sa nakukuha niya sa Pilipinas, ngunit nagtiis siya.

Lacking BrightnessNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ