thirty five

2.8K 127 28
                                    












thirty five















Two days after...


"Niyebe, can you stop looking at me like that?"

Napakamot na lamang ng ulo si Karylle nang mapansin na kanina pa nakatitig sa kaniya ang anak na tila ba manghang mangha ito sa kaniya. She's just cooking for Pete's sake--- ano bang nakaka-admire sa ginagawa niya?

"Why?" the kid asked her.

"Mommy feels a bit conscious. You keep on staring at me eh," natatawang sabi ni Karylle. The kid then closed and covered her eyes. "I didn't tell you to close and cover your eyes naman. Ikaw na bata ka,"

"HAHAHAAHA! ISTAHP!"

Sa isang iglap ay naabot na ni Karylle ang anak na nakaupo sa stool behind her. Pinupog niya ito ng halik sa mukha at kiliti sa tagiliran.

"Why do you keep on staring at mommy ba? Do I have dirt---

Karylle wasn't able to continue what she was trying to say nang this time, si Snow naman ang nagbigay sa kaniya ng small kisses sa mukha. Sa puntong iyon ay tila gusto niyang maiyak. Hindi naman niya inakalang mangyayari pa to--- ni minsan ay hindi niya naisip na posibleng kilalanin siya ng bata bilang ina.

"When Adi gets home, I'll tell him to call Mishy. I wanna tell my bestfwiend that I found my mommy alweady."

Itinigil ng bata ang paghalik sa mukha ng ina. She cupped both of her mom's cheeks and smiled at her sweetly. Tila unti-unting natutunaw ang puso ni Karylle habang nakatitig sa maamong mukha ng anak, habang nakangiti ito sa kaniya.

"I told you! Adi didn't make you my ninang because he wants you to be my mommy!"

Muli na lamang natawa si Karylle sa tinurang iyon ng anak. She then kissed her again on the cheeks. Kung ibang bata ang anak niya, ganon din kaya nito kabilis matatanggap na siya ang ina nito? She somehow felt relieved dahil una palang, alam naman niyang magaan ang pakiramdam sa kaniya ng bata--- na if ever she'll be introduced as the kid's mom, walang magiging problema.

"You know what, you better go up and get your clothes na. Kailangan mo ng maligo,"

"What time is Adi coming home?"

"He'll be here in an hour kaya go na. Akyat ka na sa taas. Tapusin lang ni mommy 'tong niluluto then I'll help you take a bath,"

Inalalayan ni Karylle ang anak sa pagbaba ng upuan. The kid immediately ran up to prepare and get some clothes habang naiwan naman ang ina nitong abala sa pagluluto ng mga pagkain.

It was Vice's second day sa hospital, at dahil mabilis namang bumuti ang pakiramdam, the doctor told them na pwede na siyang idischarge agad. Vice didn't ask for anything, but Karylle suddenly felt the need to cook for him--- kung para saan? Hindi niya alam.

Adobo.

It is Vice's all time favorite. Ilang taon na ang nakalilipas simula nung huling beses niyang mapaglutuan ng ulam ang binata, ngunit hanggang ngayon ay malinaw pa sa isip niya ang natatanging hiling nito. "Karylle, sa susunod lagyan mo ng konting sili para nanunuot yung sarap at anghang."

Lacking BrightnessWhere stories live. Discover now