eighteen

4.4K 240 76
                                    


eighteen









"Saya ng mamang o!" pambubuska ni Buern habang direktang nakatingin sa kaibigan na si Vice na ngayo'y hindi maalis ang ngiti sa labi.

They were now in the kitchen, fixing all the things na ginamit ni Terrence para sa surpresa nito kay Vice. He told them na siya sa mag-aayos since siya naman ang may gawa, but Vice insisted na magpahinga na lamang siya dahil paniguradong pagod pa ito mula sa byahe.

Hanggang ngayon ay hindi maialis ang malaking ngiti sa mga labi ni Vice. He has never been this happier. Kung noo'y puro sakit at pait lamang ang naidudulot sa kaniya ng binata, ngayo'y napatunayan niyang hindi talaga imposible ang pagbabago. Terrence has really changed.

"Haba ng buhok sa itlog!" segunda ni Archie nang hindi sagutin ni Vice ang unang pang-aasar sa kaniya ni Buern.

"Gago! Kailan pa nagkaroon ng buhok 'yung itlog ko?" tumatawang sabi nito sabay bato ng crumpled tissue sa mukha ng kaibigan. "Teka nga! Kaya ba kayo nagmamadaling umuwi kanina dahil dito?"

Nang makita ang surpresa ng nobyo ay napuno ng pagtataka si Vice. How could he plan all of these kung ni maski pag-uwi niya sa Pilipinas ay biglaan?

"Nakiusap sa 'min 'yung jowa mo! Bago pa siya lumipad pa-Pilipinas, na-message na niya 'ko para mapaghandaan 'to." sagot ni Russ na siyang laging punong-aba when it comes to surprises for Vice.

"Infairness ha! Ngayon niya lang 'to ginawa," dagdag ni Orly.

Totoo din naman. Noon, kahit birthday ni Vice ay hindi siya nakatatanggap ng kahit anong regalo o surpresa mula sa nobyo ngunit nang sundan siya nito sa Canada at nangakong magbabago, halos araw-araw na lamang ay may natatanggap siya rito.

"So ito na talaga 'to? Wala ng atrasan 'to?" usisa ni Buern. "Siya na talaga?"

"He's changed." simpleng sagot nito.

Vice always feel na sinusuportahan siya ng mga kaibigan sa kahit anong gusto niyang gawin but the last time he cried because of the break-up, sila na mismo ang nagkumbinsi sa kaniyang tama na. Hindi na healthy na paulit-ulit nalang ang nangyayari sa kanilang dalawa.

Pero ngayon, nararamdaman niyang bumalik na ulit ang suporta ng mga ito sa relasyon nilang dalawa.

"Hindi naman kami hahadlang, meme. Alam mo naman na kung saan ka masaya, doon kami." Archie said.

"Aaahhhh. Baks! Mahal na mahal niyo talaga ako eh!"

He spread his arms at isa-isang niyakap ang mga kaibigan.

Kung sana'y ganito din kalawak ang pang-unawa ng kapatid, hindi sana hahantong sa hindi pagkakaunawaan ang usapan nila.

Okay sana sila ngayon.

"Umakyat ka na sa taas. Kami ng bahala dito. May rehearsal ka pa bukas," Russ said habang pilit siyang itinutulak palayo.

"Malapit naman ng matapos. Tutulungan ko na kayo para pare-parehas na tayong makapagpahinga,"

"Hindi na! Makulit ka. Kami ng bahala dito. Buhay reyna ka muna ngayon," Archie then wiggled his brows na para bang may ibig sabihin.

"Sigurado kayo?"

"Oo nga! Pasok na sa kwarto! Go!"

Umiling na lamang si Vice sa sinasabi at pinaggagagawa ng mga kaibigan. Ngayong nakabukod siya sa pamilya ay laking pasasalamat niya na kahit paano'y naroon ang mga kaibigan upang tumulong at umalalay sa kaniya. Hindi niya kayang mag-isa.

Lacking BrightnessWhere stories live. Discover now