thirteen

4.2K 218 108
                                    

Quarter past 4 na nang makabalik sila Vice, Snow and Karylle. Naabutan nila ang lahat na abala sa paghahanda for their night party. Snow immediately joined her Ninang Anning na ngayon ay nagmamarinate ng meat na ibbarbecue nila later. Si Vice naman ay dumiretso sa room nilang mag-ama to change. Si Karylle na hanggang ngayon ay nakakaramdam ng balisa dahil sa nalaman, ay hinila si Vhong paakyat sa kwarto niya. Wala namang angal na sumama ang binata ngunit bakas sa mukha nito ang pagtataka.

"Karylle! Tutulungan kitang magka-anak pero hindi sa ganitong paraan. Ayokong magtaksil ulit kay Tanya--" dire-diretsong sabi ni Vhong nang makapasok na sila sa kwarto ni Karylle.

"Vhong, kape!" kunot-noong sabi ni Karylle. "Kung magkakaanak man ako, gusto ko 'yung matangos ang ilong."

"Huy! Below the belt na 'yun, Karylle ha." humina ang boses ni Vhong na para bang naoffend talaga sa sinabi ng kaibigan.

Hindi agad nagsalita si Karylle. Saglit siyang napatitig kay Vhong who's now sitting at the edge of their bed. Hindi niya alam kung paano magsisimula. Lahat ng nalaman niya today keeps on bugging her. Ayaw niyang umasa but a part of her heart tells her na, posibleng anak nga niya si Snow.

Dahan-dahang lumuhod si Karylle in front of Vhong na siyang ikinagulat nanaman ng binata. Dahan-dahan niyang ipinagdikit ang mga hita and he even placed both of his hands sa harap niya.

"Vhong, ang dumi ng utak ha." kunot noong sabi ni Karylle. "Do you really think I can do that?"

"Ba't kasi kailangan mo pang lumuhod?"

"May kukunin lang ako," bahagyang hinampas ni Karylle ang hita ng kaibigan. Tumayo naman si Vhong at binigyan ng space si Karylle. Hinila ng dalaga ang bag na nakalagay sa ilalim ng kama at doon ay kinuha ang wallet kung nasaan ang ribbon na itinatago niya.

"Yan yung binigay ng association sa Canada diba?" sunod sunod naman ang naging pag-tango ni Karylle.

"Naaalala mo pa 'yung sinabi mo sa 'kin kahapon?"

"Alin ba dun? Medyo madami din akong nasabi e."

"Yung suggestion mong hanapin ko kung sino 'yung nakinabang sa dinonate ko?"

Saglit na napatahimik si Vhong. Tinitigan niya ang mukha ng dalaga and all he can see is hope.

"I think ~ I think nahanap ko na," full of hope na sabi ni Karylle. She looked at the ribbon na hawak niya.

"You think? So... hindi ka pa sigurado?"

Mabilis na nakaramdam ng kirot sa dibdib si Karylle. It's as if Vhong is telling her na wag munang umasa hangga't wala pang confirmation. Masakit ang masaktan. Masakit ang mabigo.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa ribbon.

"Sino?" Vhong asked.

Mas lalo namang kinain ng takot si Karylle. Napaupo ito sa gilid ng kama at muling tinitigan ang ribbon na hawak.

"S-si Vice."

Vhong was lost for words. Gusto niyang maniwala sa sinasabi ng kaibigan ngunit ayaw rin naman niyang paasahin pa ito lalo. Hindi na niya deserve ang mas masaktan pa. She's too precious para pagdaanan lahat ng sakit sa buhay.

Lacking BrightnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon