seventeen

4.2K 192 59
                                    









seventeen
















"Direk! Karylle and I decided na sasayaw nalang kami sa prod para iba naman." Vice informed Direk Bobet.

Today is the scheduled general conference of Showtime family about their plan of bringing their old show back. Binigyan ni Direk Bobet and loveteams to talk kung anong production ba ang gusto nilang gawin and Vicerylle came up with this decision.

"Sayaw?"

"Yes. We thought, puro nalang kami kanta everytime na may prod kami eh. Bakit hindi naman bago? Try naman naming sumayaw." Karylle explained.

"We have to see Vice and Karylle as a loveteam, not as individuals." ani Direk Bobet na tila may pinahihiwatig.

"Ballroom. We'll try ballroom. Hindi namin 'yun nature pero gusto namin ng bago." Vice replied.

"Mae? Okay lang ba 'yung ballroom for them?" tanong ng Direktor sa magiging choreographer ng dalawa.

"Since ballroom din naman ang napili ng dalawang 'to, i-try natin ang Rumba. I think it will suit you. Para nandun parin 'yung connection," Mae suggested na mabilis namang sinang-ayunan ng dalawa.

"How about you, Vhong and Anne? May napagkasunduan na ba kayo?"

"Si Vhong kasi ayaw kumanta," nakangusong sabi ni Anne na tila batang nagsusumbong sa ama.

"Sayaw nalang din kasi tayo," pangungulit pa ni Vhong.

"Sayaw narin ang Vicerylle o! Gagaya ka pa," angal ni Anne.

"Parang mas better pa nga kung mag-stick nalang 'tong tatlong loveteam natin sa dance prod. Tingin ko magiging magulo pag magkakaiba pa," said Tito Mel, who's helping Direk Bobet decide.

"Pwede rin naman. Rumba for Vicerylle, Jive for VhongAnne and Tango for Bicol." suggest ulit ng choreographer.

"It's okay with me." sabi ni Coleen na hindi rin makasundo ang fiancee sa pag-iisip kung anong prod ba ang gagawin nila.

"Ballroom is fine with me," pagsang-ayon rin ni Billy, thinking na hindi naman siya mahihirapan since he used to dance ballroom before.

"Majority wins. Anne, wala kang laban." pang-aasar ni Vhong sa kapareha.

Wala naman ng nagawa si Anne kundi ang pumayag nalang kahit gustong gusto niya ang kumanta.

"Wag na nating paguluhin ang mundo sa kanta mo, Anne. Mas bagay sa 'yo ang sayaw." segunda pa ni Vice dahilan upang mas lumakas ang tawa ni Vhong.

"Tse!" angil ni Anne sa mga kaibigan.

Dahil settled na ang production ng loveteams, nag-move forward naman na sila sa pag-iisip ng production para sa mga natitira pang hosts. Ofcourse, Jugs and Teddy have to sing dahil doon sila nakilala while Kuya Kim and Ryan Bang decided to act and imitate a scene from Goblin kung saan pinaniniwalaang kamukha ni Kuya Kim si Gong Yoo. Jhong and Eruption was told to dance kung saan kailangang mag-act ni Eruption bilang babae.

"Tatanggalin ba natin ang Hashtags and Girltrends?" tanong ni Anne na nanghihinayang din sa career ng mga mawawalang members ng Showtime.

"We made an online show for them, don't worry. Hindi lang natin sila makakasama sa Showtime but we made sure na may mapagkakaabalahan parin 'yung mga bata. Hindi parin natin sila pwedeng pabayaan," Direk Bobet told them.

Lacking BrightnessWhere stories live. Discover now