twenty two

4.6K 267 132
                                    

















twenty two











"Based on the testing results obtained from analysis of the DNA loci listed, the probability of maternity is 99.9999%."


Hindi niya alam kung ilang beses na nga ba niyang inulit-ulit basahin ang DNA result na ibinigay sa kaniya ni Anne. Lukot at madungis na nga ang papel dahil sa paulit-ulit niyang pagtingin at pagbasa dito to verify kung totoo nga ba na siya ang ina ni Snow.

Dalawang araw narin ang nakakalipas simula nang malaman niya ang balitang iyon and until now, hindi pa niya nakakausap si Vice about this. She hasn't even shared anyone about it yet, dahil ayaw naman niyang mas lumala ang galit ng kaibigan kapag pinangunahan niya ang pagbabalita kahit sa pamilya niya.

As Snow's father, kailangan din naman niyang ipaalam at itanong kay Vice kung okay lang ba sa kaniyang kilalanin siya ng bata bilang ina.

Sa kabila ng kasiyahan dahil sa nalaman, tila mas nananaig ang lungkot at sakit na nararamdaman ni Karylle. Sa nakitang reaksyon ni Vice ay natatakot siyang harapin ang katotohanan na baka ipagkait sa kaniya ng kaibigan ang pagiging isang ina sa bata.

Akala niya noon, ang pinaka-masakit na parte ng buhay niya ay iyong hindi siya mapagbigyan na magkaroon ng anak.

She's wrong, dahil sa ngayon ay napatunayan niyang may mas sasakit at hihirap pa doon.

Iyon ay ang makihati sa atensyon ng sarili mong anak.

Ngayon, hindi niya alam kung ano ang sumapi sa kaniya upang magkaroon ng ganitong lakas ng loob. She's now standing in front of Vice's house, taking all her inhibitions.

Gusto lang naman niyang makita si Snow.

Gusto niyang mahawakan ang anak.

Gusto niyang magpaka-ina.

She pressed the doorbell twice at naghintay pagbuksan ng kahit na sino. Hindi naman siya nabigo dahil ilang segundo lang ay bumukas ang gate.

"Ma'am Karylle," bati ni Jackie, one of Vice's angels.

"Nandiyan ba si Vice?" lakas loob niyang tanong.

"Nasa loob po. Pasok po kayo,"

Before entering the gate ay malalim na napabuntong hininga si Karylle. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa pagpunta niya rito but all she wants to do is to see Snow. Ngayong buo na sa utak niya na anak nga niya ang bata, hindi siya matatakot na sumugal. Hindi siya matatakot lumaban. Anak na niya ang pinag-uusapan.

Habang naglalakad papasok sa bahay ni Vice ay hindi naiwasan ni Karylle na mag-reminisce ng mga moments na nangyari mismo sa kinatatayuan niya.

This house has been their hideout whenever they want to chill and be free from press. Kung may malaking issue mang kinasasangkutan ang isa sa kanilang lima, itong bahay na 'to ang saksi sa mga mura at iyak nila. Ilang tao na nga rin yata ang pinatay nila sa usapan nila. How can she forget those precious moments with Anne, Vhong, Billy and Vice?

Lacking BrightnessWhere stories live. Discover now