Chapter 2 : Daig ng intrimitida ang masipag

Magsimula sa umpisa
                                    

Ang anniversary party ay kasalukuyang ginaganap sa show floor ng building. Isang buong palapag iyon sa gusali na largo at madalas na pinagdarausan ng mga parties at events ng kumpanya. Dahil party, nakasasalamuha nila maging ang mga nasa matataas na posisyon. At pilikmata ang natatanging pang-akit na mayroon si Anne.

Twenty three years old na siya at three years ago pa siyang may certificate para magpaligaw. Pero walang naglalakas ng loob. Sa tulong ng mascarra niya at dalawampung paraan ng pagpapapilantik ng pilikmata, plano niyang may mahuling manliligaw ngayong gabi.

"Pero grabe si Sir a. 'Di ba... bata pa 'yon?" chika ni Gina. Kumalma ito dahil maayos na ang blush-on nito.

"Bata pa? As in... ilang taon?" usisa niya.

"Mga... twenty-six lang ba siya? O twenty-seven?" si Gina na nakatingin kay Ada.

"Ang alam ko, twenty-six siya e," sagot ni Ada.

Napatango si Anne. Twenty-six lang pala ang lalaki. Nahirapan siyang hulaan ang edad nito dahil matangkad ito. Seryoso ang ekspresyon sa mukha pero parang baby face naman. Actually, mukha itong may galit. Pero 'yon 'yong mukha na kung ngingiti, siguro siyang marami ang malalaglag — panga, mata, pustiso, puso at logic.

"Twenty-six lang pala 'yon! Ang hirap hulaan ng edad e," wala sa loob na komento niya.

"Bakit? Mukhang mas matanda?" si Ada.

"Hindi 'yon! Halimaw lang kasi 'yong kagwapuhan e. Wala kang maiisip na edad. Ang maiisip mo, magtanong kung may abs ba siya para tuloy-tuloy ang pantasya!" aniya at humagikgik.

Nagsipaghagikgikan din ang mga kasabay niya sa salamin.

"Guwapo nga si Sir pero na-immune yata ako!" sabi ni Gina.

"Dapat lang!" aniya. "Dalawa na ang binhi ng matris mo, teh!"

Tumawa uli ang babae.

Nagdaldalan pa sila hanggang sa may limang babae na ring nakatayo sa likod nila at naghihintay na matapos sila sa daldalan at retouch. Pero hindi sila nagpatinag.

After twenty minutes ay saka sila bumalik sa Party.

***

Time check : 12:22 midnight.

"Damn! And where's that girl now?" galit na tanong ni Hunter.

Bahagya na siyang nakainom at nakaupong kasama si Gener sa isang private cubicle sa party hall. Tapos na siyang magbigay ng speech, bumunot ng raffle numbers, magbigay ng plake at gift certificates sa mga empleyadong pinarangalan, at mamigay ng kotse. Gusto na niyang umuwi pero hindi siya pinayagan ng ama na siyang Presidente ng kumpanya. Nang umalis ito ay nagbilin na kailangan daw siyang makita ng mga tao na nakikipagsayahan doon. For what? Business codes. Leadership tactics. Lalo na ngayong pinuputakte na naman siya ng mga balita na babaero raw siya.

"She's compensated, Sir. I heard that she landed a job at another financing firm," magalang na sagot ni Gener. Nakabantay sa kanya ang mas matandang lalaki at paminsan-minsan siyang pinaaalalahanan na maghinay-hinay sa iniinom na alak. Hindi umiinom si Gener. Ito ang magda-drive para sa kanya pauwi.

"Compensated? She created that nonsense about her being a girlfriend! Damn! Why did we compensate her at all?" asar na tanong niya. Niluwagan niya ang kurbata ng suot na suit. Init na init na siya habang dumadaloy ang alak sa katawan. At kinaaasaran niya rin ang balitang alam niyang nagsisirkulo sa buong kumpanya — that he, Hunter dela Merced, took advances on his secretary, got into an indecent relationship and when done, fired the poor girl!

Kahit ang mga board members ay hindi man lang nagtanong sa kanya kung totoo ang balita. Late this afternoon when they held a meeting, all they said to him was to take it slow. To be discrete with women.

Anne-Bisyosa (dela Merced #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon