"Hay... Ano na kaya ang gagawin natin nito. Naaawa na rin ako kay Dillan. Todo sa paghahagilad ng solusyon." Nangalumbaba si Fina.

"Himala, yun nalang talaga ang aasahan mo ngayon Darling. Sana may himalang dumating." Sabi naman ni Cupcake.

"I know, God is not sleeping. Tutulongan niya kaming mag-anak." Ngumiti siya ng bahagya saka natatamad na tumayo sa kanyang kinauupuan. "So guys. Maiiwan ko muna kayo dito sa tambayan natin." Sabi niya sabay silip sa kanyang orasang pambisig. "It's time to go and work. May client pa ako after an hour at pupuntahan ko pa si Mrs. Prada mamayang tanghali." Paalam ko sa mga ito.

"O sige at ako rin ay aalis na. May duty na rin ako sa Cafeteria after 2hours. So, bye-bye my Cupcake..." Tumayo na rin si Fina.

"Ako din, papasok pa sa shop." At nakitayo na rin si Cupcake.

Pagkatapos nilang magbeso-beso na tatlo ay nagkanya-kanya na nga agad sila sa kanilang paglalakad pauwi.

Pagkauwi niya sa bahay ay agad siyang nag-ayos at nagpalit ng slacks pants at blouse, saka isinuot ang rubber shoes.

Napatango siya nang makita niya ang sarili sa harap ng salamin.

"Tuloy parin ang buhay, at tuloy parin ang pagbabanat ng buto self. Lalo na sa mga oras na ito, kailangang-kailangan natin ang kumayod ng doble. Fight lang, problema lang 'yan, isipin nalang natin na habang may buhay, may magandang solusyon. Yes, that's right... Smile to the fullest, Dynee. Remember, you are the Dynee Andrada, the fighter Dynee." Taas noong sabi niya sa sarili sa harap ng salamin.

LAGLAG ang mga balikat ng hindi niya napagtagumpayang i-close ang deal sa kanyang mayamang clients. Ilang beses nang nangyari iyon. Noong una at panglawa ay nakabenta pa siya. Pero nitong mga sumunod ay hindi na. Siguro kulang sa convincing power ang panghihikayat niya para kumuha ng units ang mga clients niya. Sayang at marami na siyang napapalampas.

Ngayon pa ako minamalas kung kailan kailangang-kailangan ko ng pera para sa bahay namin. Uhfff! Saan na? Saan na kami nito pupulutin after the left 3-days?

Napatingala siya sa langit habang naglalakad sa gitna ng pedestrian lane.

Maawaing ama ng sanlibutan. Nakikiusap po ako sa inyo, tulongan mo naman po ako sa napakabigat na problemang kinahaharap namin ngayon. Kahit anong tulong po tatanggapin ko. Just give me a sign, please... Kahit ano pa po---

Hindi niya natapos ang pagdadasal ng may isang kotse ang nakita niyang mabilis na nagpapatakbo at ang lakas pa ng pagpipito niyon.

"Aaahhhhhh......." Malakas niyang sigaw ng malapit na malapit na ang kotse sa kanyang harapan. Naitabon pa niya ang mga kamay sa kanyang mukha.

Oh my god, oh my god... Am I dying? Ngayon na ba agad ako mamamatay? Mariing sambit niya sa utak.

"Girl!"

"Aayy..." Nagulat siya sa isang malakas na sigaw na iyon mula sa kanyang gilid.

"Oh, darling... Are you alright?" Tanong naman ng isang pang tao sa kabilang gilid.

Tumango siya nang may panginginig ang mga tuhod. "B-Buhay pa ba ako? Buhay ba ako?" Nakurot niya ang kanyang sarili at saka siya napangiwi dahil sa napalas iyon. "Aray... Masakit pala."

"Ay, ang tanga!" Nasabi ng lalaking parang kilala niya ang anyo.

Hindi niya iyon pinansin, iyon ay dahil parang nakakaramdam siya ng pagkalula at panglalambot ng tuhod. Napahawak siyang bigla sa kanyang noo.

"Ija, namumutla ka. Come, let me help you." Untag ng isang ginang na inalalayan pa siya. "Carrot, come on, tulongan natin si Dynee..."

Dynee? Bakit parang kilala ako ng ginang na ito, nila?

A Love Deal [Published]Where stories live. Discover now