4: Accept

2.5K 153 15
                                    


Chapter 4

ILANG minuto na siyang nakaupo sa gilid ng kanyang kama habang ang mga mata niya ay nakatingin lang sa isang maliit na papel na nasa maliit na tokador niya.

Bumuntong hininga siya saka tumayo at lumapit sa tokador.

Ano na ang gagawin ko? Bukas na ang huling araw ng palugit namin dito sa bahay? Oh God, ano na ang gagawin namin? Ni hindi pa kami nakahanda kung sakali man sa lilipatan naming bahay.

God, God... Tama bang kumapit ako sa patalim ngayon?

No.

Agad niyang inilapag sa tokador ang calling card na hawak-hawak.

Hindi ko kailangan 'yan. Hindi ako mangloloko ng tao para lang-- Uhff! Paano naman ang pamilya ko? Paano namin mababawi ang bahay at lupa naming ito? Dito na kami halos lumaki na magkakapatid. Diyos ko, ano na ang gagawin ko? Nangako ako kay Lola, Kuya at Prinses na gagawa ako ng paraan. My God...

Katok sa labas ng kanyang silid ang nagpatigil ng kanyang isipin. Napangiti siya ng bahagya nang makita ang kanyang Lola sa bukas na pinto.

"Matutulog ka na ba apo?" Tanong nito habang nakatayo lang sa may puntuan.

Umiling siya. "Pasok po kayo, La." Humakbang siya at muling naupo sa gilid ng kanyang kama. "Upo po kayo dito." Pinagpag pa niya ang katabing iniupuan.

Naupo naman ito at nagulat pa siya ng niyakap siya nito ng mahigpit. "Apo ko. Huwag na nating pilitin kung wala talaga. T-Tanggapin nalang natin na mawawala sa atin ang bahay na ito."

"Lola..."

Umupo ito saka masuyong hinaplos ang kanyang pisngi at makulot na buhok. "Ayoko kasing mahirapan pa kayo ng Kuya mo sa paghahagilap ng pera. Wala na tayong magagawa pa apo."

"P-Pero Lola, alam ko po na mahalagang mahalaga sa inyo itong bahay. Dito kayo bumuo ng pamilya ni Lolo at ito lang ang tanging naiwan niya sa'yo. Alam ko na hindi po ninyo ito kayang bitiwan."

Bumuntong hininga ito at saka muli siyang niyakap. "Wala na naman akong magagawa, apo. Isipin nalang natin si Prinses. Dahil dito, nadugtungan pa ang buhay niya."

Tumango-tango siya habang hinagod-hagod ang likod ng kanyang Lola.

"Apo... Nailigpit ko na ang ibang gamit natin dito sa bahay. Para bukas, mabilis nalang ang pagaalsa-balutan natin. Naupahan na rin ng Kuya mo ang Jeep na pangpasahero ng kakilala niya." Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. "Kilos na apo, daliat tutulongan na rin kitang magligpit ng mga gamit mo."

"Hindi." Nagtataka ito sa sinabi niya. "Ibig ko pong sabihin, a-ako na po. Pagod na po kayo at ang kailangan mong gawin Lola ay ang magpahinga na muna. Come, come, ihahatid ko na kayo sa silid ninyo ni Prinses." Inalalayan niya itong tumayo at inihakbang patungo sa kabilang silid.

"Dynee--"

"Lalo... Please, huwag matigas ang ulo ninyo, okay?"

"Sige na nga, magpapahinga na ako." Sang-ayon nalang nito.

Maingat itong tumabi sa natutulog niyang kapatid. Nang makahiga ay kinumutan na agan niya ito at inayos rin niya ang kumot ng kapatid.

"My Angel..." Untag niya saka maingat na humalik sa noo ni Prinses. Humalik rin siya sa noo ng kanyang Lolo. "Good night, La." Tumango lang ito habang nakapikit na ang mga mata.

Napapabuntong hininga siya. Alam kasi niyang nangangamba at nalulungkot ito sa sinapit nila ngayon.

Pangako Lola, ibabalik ko ang titulo ng bahay ninyo. Hindi ko hahayaang panghuling gabi na natin ito sabay nating ito. Gagawa ako ng paraan. K-Kahit pa... sa maling paraan.

A Love Deal [Published]Where stories live. Discover now