Deaf Love

423 11 6
                                    

Even you're deaf, I will always love you.  Sulat ni Alyanna sa isang papel.

Talaga? Sige Alyanna, kung hindi mo na ko mahal magpapakamatay ako. Tugon ni Paolo kay Alyanna.

Ikaw talaag. Lagi mo nalang akng binibiro. Sulat ulti ni Alyanna.

Hinawakan naman ni Paolo ang mukha ni Alyanna at nagsabing ..  "Mahal kita at hindi ako nagbibiro."

Mahal na mahal ni Alyanna si Paolo kaya nagtagal sila ng dalawang taon. Kahit kelan hindi niya ipinadama na may kapansanan si Paolo. Si Paolo ay ang kanyang minamahal at ang taong mahal na mahal siya. Walang araw silang hindi nagkikita at nagkakamustahan.

Hindi in born ang pagkabingi ni Paolo. Limampung taon na siya nung may nangyaring aksidente na ikinasanhi ng kanyang pagkabingi.

Dahil bingi si Paolo kaya kailangan pa ni Alyanna na magsulat sa isang papel upang mabasa ito ni Paolo. Hindi siya sa nagsawa sa pagsulat ng pagsulat dahil sobra ang kanyang pagmamahal sa tao.

Isang araw, nag-aayos si Alyanna dahil magkikita sila ni Paolo sa isang park na malapit sa lugar nila nang biglang binuksan ng kanyang ama ang kanyang kwarto. Hawak-hawak nito ang kanyang report card.

"Alyanna!" Sigaw ng kanyang ama habang papalapit sa kanya.

"Pa." Takot na tugon ni Alyanna habang napaatras siya. Napakalupit ng kanyang ama kapag ito'y tungkol sa kanya dahil siguro sa kadahilanan na si Alyanna ang sanhi kung bakit namatay ang kanyang ina.

"Walang hiyang babae ka! Nagpapakahirap ako sa pagtatrabaho upang matustusan lang yung pag-aaral mo tapos ito lang yung isusukli mo." Hinawakan ng kanyang ama ang buhok niya at kinaladkad siya papalabas ng kanilang bahay.

"Pa tama na po, *sobs* nasasaktan po ako *sob*." Pilit na tinatanggal ni Alyanna yung kamay ng kanyang ama sa buhok niya pero hindi niya ito magawa dahil kinadena ng ama niya ang kanyang dalawang kamay.

"Nasasaktan? Tonta ka! Nangako ka sa aking magiging valedictorian ka upang masunod mo yung hindi nagawa ng asawa ko." Tinulak ng kanyang ama si Alyanna papalabas ng ng bahay nila. "Mas bagay ka dyan, hindi sana mangyayari to kung hindi mo pinatay yung asawa ko!" Sabi ng kanyang ama at malakas na isinara ang pinto.

Agad namang bumangon si Alyanna at lumapit sa pinto. Kahit na nahihirapan siyang kumatok dito dahil nakagapos yung kamay niya ay pinilit niya pa ring kinakatok ito ng malakas.

"Pa, buksan niyo po to!" Walang humpay ang pagsigaw ni Alyanna sa labas ng kanilang bahay. Napagod na siya sa kasisigaw at napaupo na lang sa pintuan nila. Nakita niya ang kanyang report card na punit na punit. Kinuha niya ito upang makita niya yung grade niya. Halos 95 lahat yung grade niya pero nagtataka pa rin siya kung bakit galit na galit pa rin yung ama niya.

Patuloy pa rin siya sa pag-iyak ng napansin niyang lumapit si Paolo sa kanya.

"Alyanna." Sabi ni Paolo at inabot ang kamay niya kay Alyanna.

Hindi pa rin pinansin ni Alyanna si Paolo at nagpatuloy pa rin sa pag-iyak. Si paolo naman ay umupo upang magka level sila ni Alyanna. Hinimas himas ni Paolo si Alyanna sa likod pero wala pa ring humpay ang pag-iiyak ni Alyanna.

"Alyanna, anong nangyari?" tanong ni Paolo kay Alyanna. May ialw sa labas ng abhay nila kaya maliwanag na maliwanag na nakikita ni Paolo si Alyanna.

"Paolo, *sobs* please, iwan mo muna ako." Sabi ni Alyanna.

Dahil sa bingi si Paolo kaya hindi niya naintindihan pero alam niyang nagsalita si Alyanna. Inilabas niya yung parating daladala niyang bolpen at papel sa maliit na bag niya. Inabot niya it okay kay Alyanna pero hindi pa rin ito tinanggap ni Alyanna at sa halip ay itinulak niya ang kamay ni Paolo pabalik.

One Shot Stories by hopelessgirl11 ❄Where stories live. Discover now