Be My Girl

663 21 9
                                    

Hi KOKOY! Pa talon-talon kong sabi sabay takbo patungo sa taong matagal ko na talagang na miss. Ang gwapo niya pa rin kahit hindi kami nagkita for almost 5 years. Sa ibang bansa kasi siya nag-aaral at ako naman ay sa *toot* University kaya malayo talaga ang posibilidad na magkikita kami.

Nang nakita naman niyang palapit ako sa kanya ay ibinaba naman niya ang mga dala-dala niyang gamit at ini-stretch ang balikat niya.

Hi BAMBAM! Pagkasabi niya nun ay agad napabilis ang takbo ko sa kanya at ewan ko ba bakit hindi ko ma kontrol ang sarili ko at tinalonan ko talaga siya. At dahil dito kaya napahiga kaming dalawa. Nakapatong ako sa kanya ngayon. Hindi ko maipinta ang itsura naming dalawa. Gulat na gulat talaga siya sa nangyari at lalong lalo na ko. Ikaw ba naman ang talonan ng kasing bigat ng isang balyena. Hehe. Joke lang normal naman ang timbang ko nagpapa exaggerate lang ako.

After 123456789 years at natauhan na kaming dalawa kaya dali-dali akong tumayo at inalalayan siya. Ang lambot ng kamay niya parang kamay ng isang babae. Ang sarap pagmasdan ang pagkakahawak ko ng kamay niya yun nga lang napahiya ako. Nagsalita kasi siya.

Huwag mo masyadong pagmasdan baka matunaw yang kamay ko sige ka. Sabi niya sa akin sabay tawa. Naramdaman ko namang namula yung pisngi ko at nanlamig ako kaya tinanggal ko na ang pagkakahawak sa kamay niya.

Nakalabas ka lang ng Pinas akala mo namang artista na. Sabi ko sabay pout. Bakit, bawal na bang pagmasdan ang kamay ngayon? Nakakainis naman oh tinawanan lang niya ako. Tinitignan ko lang naman kung wala ka ng kalyo eh. Haha. Pagkadinig na pagkadinig niya sa sinabi ko ay agad siyang napahinto sa pagtatawa. Haha.

Anong sinabi mo? Seryosong tanong niya sa akin. Kung siya yung tumatawa kanina I think it’s time for me to laugh at him.

*Ha* SABI KO *Ha* HANGGANG NGAYON KALYO KING KA PA DIN! Bleeh!!!! Natatawa kong sabi sabay takbo papalayo sa kanya. Naiirita kasi siya kapag sinasabi ko yan sa kanya.

Ikaw talaga SUGAT QUEEN inaasar mo nanaman ako. Humanda ka sa akin ngayon.

Naghahabulan lang kami na parang mga aso’t pusa. Siya yung aso, ako yung pusa. Siyempre ako dapat yung hinahabol. Ang aso’t pusa kasi para lang yang babae at lalaki. Tayong babae ang pusa at ang lalaki naman yung aso. Dapat ipapakita natin na hindi tayo ang unang nagpapakita ng intension kundi ang mga lalaki lamang. Eka nga ang puso ng babae ay parang salamin at pag itoy hinawakan at hindi inalagaan ng kung sinuman, maaari itong mabiyak at hindi na mabuo kelanman. Teka, ang layo ko na masyado sa imahinasyon ko. Balik na nga lang tayo sa nangyayari ngayon.

Tumigil na kami sa kakatakbo ang sakit na kasi ng mga katawan namin. Kinuha na lang ni Kokoy o ni Zee yung maleta niya. Nagpaalam naman kami sa isa’t isa para makabonding naman niya pamilya niya. Magkapit-bahay lang naman kami at dingding lang naman ang pagitan ng bahay namin.

- - - -

Gabi na at hindi pa rin ako makatulog. Hindi ko kasi maisip na umuwi na siya at nagkita kaming dalawa. Wala pa ring ipinagbago sa kanya. Gwapo siya, matangkad, matalino, ang ayoko lang na gusto sa kanya ay ang pagiging mature niya. Childish kasi ako, ayoko yung mga taong matanda na kung mag-isip kagaya ni Zee. Pero ewan ko ba kung bakit kapag tungkol na sa kanya kahit may factor man siya na hindi ko gusto ay mahal ko pa rin siya.

Guys, secret lang natin to ha? Mula pa noon mahal ko na yung bestfriend ko. Nalaman ko lang na mahal ko siya nung 2nd year high school kami.

Napagkatuwaan kasi ako ng mga kaklase ko. Tinago nila yung bag ko at pati yung pinakapaborito kong sapatos. Nilagay nila ito sa basurahan na hindi ko nalalaman. Sinulatan nila yung chair ko. Ginawa nilang basurahan yung locker ko kaya bumaho at higit sa lahat tinapunan nila ng pinaghalu-halong suka, toyo, softdrinks at ihi ng isang lalaki ang palda ko.

One Shot Stories by hopelessgirl11 ❄Where stories live. Discover now